You are on page 1of 2

Safe Sailing: I-Prioritize Ang Safety!

Ni: Louie Jay Lleno

SA BABALANG inihain ng United Kingdom sa kanilang mamamayan


na mag-ingat sa pagtungo sa Pilipinas maging sa iba pang bahagi ng bansa
kaakibat ng aksidenteng nangyari na banggaan ng dalawang barko, ay ang
pagbibigay payo sa mga bumibisitang British Nationals na hanggat maaari ay
iwasang sumakay sa mga ferries sa bansa dahil sa nabanggit na insidente at
ilan pang kasunod na pangyayaring halos pareho rin dito na nagdulot ng
pagkasawi ng tinatayang bilang na umabot sa 80 katao kasama ng 40
kataong pinaghahanap pa matapos ang insidente o banggaan ng ferry at
cargo ship.

Ang mga pagpapaalalang ito ay buhat ng pag-aalala at pag-iwas sa


maaari pang maulit na insidente. Bagamat hindi tuwirang ipinagbabawal ang
paglayag ng barko kasama ng ilang pasahero na nais sumama para sa
pagbisita sa bansa ang punto ng United Kingdom ay hanggat maaari iwasan
ito.

Ayon pa sa ulat, marami sa pasaherong sakay ng St. Thomas Aquinas


Ferry ang posibleng tulog nang mangyari ang collision. Samantalang ang
Sulpicio Express Siete ay nagtamo ng matinding pinsala.

Bunga nito, maaaring malimitahan ang bilang ng mga British Nationals


na bumibisita upang pagmasdan ang turismo ng bansa.\

Araw-araw ay malawakang inspeksyon ang isinasagawa bago ang


bawat paglalayag upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero maging
ng mga trabahante ng barko bago maganap ang naturang insidente ngunit
hindi ito naging sapat upang maiwasan ang biglaang pangyayari.

I-prioritize ang safety!

Sapagkat hindi man sinasadya ang pangyayari at walang sinuman ang


may kagustuhan ng malaking insidenteng naganap, ay marapat na isaalang-
alang ang kaligtasan ng nakararami at tiyakin na nasa ayos ang lahat maging
ang maayos na paggana ng malalaking makina ng barko para sa mas ligtas
na paglalayag sa karagatan sa susunod.

You might also like