You are on page 1of 1

Ayon sa Department of Health (2020), ang Covid 19 ay isang virus mula sa Wuhan, China na

nagdudulot ng iba’t ibang klaseng sakit sa tao maging sa hayop.

Binanggit ng Santa Clara Country: Public Health (2020), na nakukuha ito sa pamamagitan ng
pag-ubo o pagbahing ng taong malapit sa iyo, o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay at
pagkatapos ay sa parte ng mukha. Ang mga kadalasang sintomas nito ay pagkakaroon ng lagnat,
pagtatae, namamagang lalamunan, at pagkawala ng panlasa o pang-amoy na mararanasan
pagkatapos ng 2-14 na araw.
Iminungkahi ng The Spanish Group (2020), ang mga paraan upang maiwasan ang sakit na dulot
ng COVID 19, ito ay ang mga sumusnod: madalas na maghugas ng kamay gamit ang sabon at
tubig nang di bababa sa 20 na segundo. Gumamit ng may alkohol o hand sanitizer na mayroong
60% na tapang, manatili sa bahay kapag ikaw ay may sakit, magtakip ng tisyu kapag umubo o
bumahing, at panatilihin ang 2 metrong layo sa tao.

Sinabi ng Department of Health (2020), na masugid na binabantayan ang mga taong nagpakita
ng senyales ng COVID 19 at may kasaysayan ng paglalakbay sa China. Pinapagtibay din ng
DOH ang kakayahan nito sa laboratory testing ng coronavirus, kahandaan ng mga hospital,
rapid response, at risk communication at pagpapalaganap ng impormasyon. Samantala, ang
Bureau of Quarantine naman ay masugid na nakikipag-ugnayan sa mga airlines at paliparan
upang palakasin ang border surveillance, habang ang Epidemiology Bureau naman ay mas lalo
pang pinaghihigpit ang community surveillance nito.

Maraming mga kabuhayan ang nagsara at ekonomiya ang bumagsak dahil sa pagtaas ng
kaso ng mga nahawaan ng Novel Corona Virus o mas kilalala bilang Covid 19. Ayon sa
Department of Health, ang Covid 19 ay mula sa Wuhan, China na nagdulot ng iba’t-ibang
klase ng sakit sa buong mundo. Idinagdag namann ng Santa Clara Country: Public Health,
na ang virus na ito ay nakukuha sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing ng taong malapit
sa iyo, o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay at pagkatapos ay sa parte ng mukha.
Ang mga sintomas na maari nating maranasan pagkatapos ng 2-14 days ay ang
pagkakaroon ng lagnat, pagtatae, namamagang lalamunan, at pagkawala ng panlasa o pang-
amoy. Ang pag iingat sa sarili ang isa sa mga gawain na ating kailang bibigyang pansin
upang maiwasan ang pagkakaroon ng ganitong uri ng sakit Maari lamang sundin ang mga
sumusunod: madalas na maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig nang di bababa sa
20 na segundo. Gumamit ng alcohol o hand sanitizer na mayroong 60% na tapang, manatili
sa bahay lamang sa bahay lalo na kung ikaw ay bata, senior citizen, buntis, kakagaling o
mayroong sakit, magtakip ng tisyu kapag umubo o bumahing, iwasang pumunta sa mataong
lugar at panatilihin ang 2 metrong layo sa tao. Marapatin ang araw-araw na pagsasanay ng
mga hakbang sa pag-iwas at palakasin ang resistensya ng ating katawan. Hindi naging
madali ang pagbugso ng pandemyang ito sa ating bansa. Ngunit, ang ating pamahalaan
kasama ang iba’t-ibang kagawaran ay gumagawa ng paraan upang matapos ang
problemang kinakaharap. Sa huli, ang DOH ay masugid na binabantayan ang mga taong
nagpakita ng senyales ng COVID 19 at may kasaysayan ng paglalakbay sa China.
Pinapagtibay din nito ang kakayahan sa laboratory testing ng coronavirus, kahandaan ng
mga hospital, rapid response, at risk communication at pagpapalaganap ng impormasyon
upang masolusyonan ang pandemyang kinakaharap.
Nasol, Justine Abcde
12-Stephen Hawking
Ika-20 ng Oktubre 2020
Sanggunian: https://www.doh.gov.ph/2019-nCov/FAQs-Filipino
https://thespanishgroup.org/blog/covid-19-tl https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx

You might also like