You are on page 1of 3

Si Benigno Aquino, Jr.

, mas kilala sa tawag na Ninoy, ay isang bayaning


maituturing ng ating bayan. Ipinanganak noong ika-27 ng Nobyembre, taong
1932 sa bayan ng Concepcion, lalawigan ng Tarlac. Ang kanyang mga
minamahal na magulang ay sina G. Benigno Aquino, Sr. at Gng. Aurora
Aquino, kung saan hinubog si Ninoy nang may paninindigan at may
pagmamahal sa bansa. Sila ay anim na magkakapatid kung saan siya ang
panganay. Nag- aral siya ng elementarya sa Colegio de San Jose at
sekondarya sa Kolehiyo ng San Beda. Nagpalipat- lipat siya ng pamantasan
nang maka-akyat siya sa pagiging kolehiyo. Pumasok siya sa Ateneo De
Manila University, sa De La Salle University, at nagtapos siya ng kolehiyo sa
Unibersidad ng Pilipinas na may kursong abogasya. At ang kanyang kabiyak
ng puso ay si Corazon Aquino noong ika-11 ng Oktubre, taong 1954 sa
simbahan ng Our Lady of Sorrows at biniyayaan ng limang anak.
Simula ng kanyang pagkabata, mahilig na siyang magbasa ng mga
libro. Hindi siya kagalingan noong siya ay elmentarya at sekondarya pa lang
pero nahubog ito ng panahon ng nakatapos siya ng kolehiyo. Naulila sila sa
ama nang si Ninoy ay labing limang taong gulang pa lamang kaya naman siya
ang pumalit bilang haligi ng tahanan at tagapangalaga sa kanilang pamilya.
Noong mga panahon iyon, isa siyang tanyag na mang-uulat ng Manila Times
at naparangalan bilang pinakabatang mang-uulat kanit sa gitna ng mga
sagupaan, at ng Philippine Legion of Honor.
Mabilis ang nagng pag-usad ng kanyang buhay sa larangan ng politika
dahil isa rin siyang mahusay na tagapagsalita sa harap ng maraming tao.
Naging adviser siya ni Presidente Magsaysay, alkade ng bayan niya, bise-
gobernor, at gobernor sa lalawigan ng Tarlac nang sunud- sunod na taon
mula ng siya ay dalawampu’t isang taong gulang. At tumakbo siya bilang
senador ng Partido Liberal at siya lang ang nakapasok sa kanilang partido.
Sa kanyang unang taon ng pagka-senador, isa na siya sa mga kritikong
umuusig kay dating Presidente Ferdinand Marcos. Ibinulalas niya ang mga
anomalyang pinaplano ng administrasyong Marcos tulad ng garrison state o
yung militarisasyon, ang Japita massacre sa Corregidor, ang pagpapatayo ng
Unang Ginang noon na si Gng. Imelda Marcos, at ang fiscalization tactics.
Naganap ang kauna-unahang quarter storm o isang riot sa
pagkakaka_____ ng Writ of Habeas Corpus. Noong ika-19 ng Setyembre,
taong 1972, nagsimula na ang pagsira sa pangalan ni Ninoy. Siya ang
napagbintangan na nagpasabog sa Plaza Miranda kung saan binawian ng
buhay sina Jovita Salonga at Gerardo Roxas na kanyang kapartido dahil wala
siya roon nang maganap ang pagsabog.
Ang pinakamalubhang nangyari sa kasaysayan ni Marcos ay ang
pagpapatupad ng Martial Law kung saan isa siya sa dinampot at kinulong sa
Kampo Crame at inilipat Fort Santiago at dito siya kinasuhan ng murder,
subversion at illegal possession of fire arms. Sa kanyang ilang linggong
pagkakakulong, inilipat naman siya, kasama ni Comm. Diukno sa Fort
Magsaysay sa Nueva Ecija sakay ng isang helicopter. Ikinulong siya sa isang
kwartong may sukat na 4 x 5 metro ang laki. Tinawag niya itong solitary
confinement kung saan siya ay kinulong siya ng isang buwan na walang
ibang nakikita sa loob ng kwarto kung hindi lang ang kanyang kama, at isang
bintana. Noong ika-4 ng Abril, taong 1975, tinamaan siya ng Hunger strike
kung saan namayat siya ng halos tatlumpu’t anim na pounds. Noong ika-19
ng Nobyembre, taong 1977, sinasabing guilty at sinintensyahan ng
kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril, ngunit hindi ito naipatupad.
Noong taong Marso 1980, dito siya pigsikipan ng dibdib at inatake.
Hindi siya dinala sa pagamutan makalipas ang dalawang buwan at inatake
ulit siya. Dito siya binigyan ng isang alok na dadalhin siya sa Estados Unidos
para magpagaling kung saan binigyan siya ng dalawang kondisyon: ito ay
kung babalik siya sa Pilipinas matapos gumaling at ang isa naman ay
mananatili siya sa Amerika at mananahimik na lamang.
Sa Estados Unidos, muli silang nabuo ng kanilang pamilya at ito ang
naging pinakamasayang mga panahon ng buhay ni Ninoy. Ang doctor na
nag-opera sa kanya ay si Dr. Rolando Solis at naging mabilis naman ang
kanyang paggaling. Habang naghihintay na matapos ang kanyang mga oras
sa Amerika sa loob ng mahigit tatlong taong paninirahan, nagturo pa siya sa
mga unibersidad doon. Gusting-gusto na niyang bumalik sa Pilipinas upang
malaman ng mga tao na wala siyang kinalaman sa pagsabog sa Plaza
Miranda. Tinulungan siya nina Roque Ablan, Joey Empeo, Rashid Lucman sa
pagkuha ng pasaporte pabalik sa Pilipinas at pinalitan ng pangalang Marcial
Bonifacio. Nararamdaman niya na may mangyayaring hindi maganda kaya
naman nagsuot siya ng bullet proof ngunit hanggang sa katawan lamang ito.
Maraming tao ang naghihintay at natutuwa sa pagdating ni Ninoy sa
Pilipinas. Dumating siya sa bansa sakay ng eroplano ng China Airlines noong
ika-21 ng Agosto, taong 1983. Dito na siya binaril at namatay sa isang bala
ng Magnum 357.

You might also like