You are on page 1of 1

Pangalan: Angelica E.

Corral Petsa: 09/01/2020


Kurso,Taon, at Blak: BS Entrepreneurship- 1B
ANO ANG NARARAMDAMAN MO?
MAGBIGAY NG 2 EMOSYON/NARARAMDAMAN MO
SA PAGBUBUKAS NG SCHOOL YEAR 2020-2021.

NAGAGALAK dahil ako ay nakakasabay sa


platapormang bagong normal na pagtuturo. May gamit sa pag online
 
na klase katulad ng laptop at wifi, na lubos na nagpapasalamat sa
aking tita dahil ako pinapakonek nila sakanilang DSL Wifi.  Kahit sa
kasagsagan ng pandemyang ito, patuloy parin ang pagtuturo at bukas
ang edukasyon sa lahat, nagawan ng paraan upang maisagawa parin
ang pagtuturo sa taong ito sa kabila ng nararanasan natin at hirap na
dinadanas sa ngayon. Isang malaking pribelehiyo ang makapa-aral at
hindi tumigil dahil naniniwala akong na ang isang tao ay hindi
tumitigil mag-aral dahil araw-araw ay may natutunan tayong aral o
ideya na makakatulong sa atin o sa ibang tao.

NAG-AALALA sa mga kabataan na nais mag-


aral ngunit walang kagamitan na maaaring magamit pang-online
class. Gustong-gusto mo makatulong sa iba ngunit pati ikaw ay
walang pambili dahil ang kagamitan ko lamang ay bigay ng aking
kamag-anak. Mahuli man ang ibang kabataan ngayun sa pag-aaral
ay hindi ibigsabihin wala nang pag-asa na makapag-aral muli. Ito ay
pagsubok lamang at maaari paring makapag-aral kung kanilang
pipiliin at sumubok sa susunod na taon kung kailan maayos-ayos na
ang sitwasyon. Dahil ang edukasyong ay hindi karera at nasa tao ito
kung magpupursigi parin siyang makapagtapos. Ako'y nag-aalala rin
sa aking sarili na baka mahuli sa mga awtputs na ipapasa sapagkat
ang oras ko lamang sa pagkonek sa internet ay limitado lalo na't
kung may proyektong kailangan ay mabusisi na paggawa at kailangan
lagyan ng sikap at tyaga. Maswerte kami dahil may mga guro kaming
may konsiderasyon at naiintindihan ang sitwasyon ng mga
estudyanteng nais ituloy ang pag-aaral sa kabila ng pandemya.

You might also like