You are on page 1of 2

Exequiel Ian John G.

Felizardo
Grade 11A-HUMSS

Wikang Pambansa ng Pilipinas

Ang ating wika ay isa sa pinakamatanda at pinakamagandang wika sa buong mundo.


Bilang isang Pilipino, ito ang nagsisilbing ating pagkakakilanlan. Sa paggamit ng ating
wika, tayo ay nakikilala at nagbabahagi ang ating kultura sa buong mundo. Ngunit,
nakakalungkot isipin na unti-unti na nating nakakalimutan ang ating sariling wika, at
karamihan sa ating mga mamamayan ay hindi na rin matiyak kung ano nga ba ang
ating wikang pambansa. Marami sa mga Pilipino ang ikinalilito kung ano nga ba ang
ating wikang pambansa, kung ito ba ay Tagalog, Filipino, o Pilipino. Hindi natin dapat
kalimutan ang ating wika, sa halip ay mas dapat pa natin itong pahalagahan. Ngunit,
bago natin bigyan ng pahalaga ang ating sariling wika, dapat ay malaman muna natin
mahabang kasaysayan nito at kung saan ito nagmula.

Ang ating wika ay nabibilang sa isa sa mga pinakamatandang wika sa buong mundo.
Nakasabayan ng ating wika and mga wika mula sa Kanluran tulad ng Griyego, Latin,
Hebreyo at iba pa. Ngunit bakit hindi nababanggit ang ating wika tuwing pinag-uusapan
ang tungkol sa mga pinakamatandang wika? Maraming paliwanag ang maaaring ibigay
tungkol sa paksa na ito, ngunit iisa lamang ang nais nitong sabihin, ito ay dahil ang
ating bansa ay hindi nabibilang sa Europa. Hindi nababanggit ang ating wika o ang
ating kasaysayan sa kasaysayan ng mundo sapagkat ang halos ang buong kasaysayan
ng mundo ay tungkol lamang sa Europa.

Tagala ang tawag sa ating wika noong ito ay dinala ng mga Negrito o Aeta sa ating mga
isla. Noong panahon ng yelo, nakarating ang mga Aeta sa ating lugar gamit ang mga
tulay na lupa. Ang mga Aeta ay nagmula sa Aprika at naglakbay patungo sa Timog-
Silangan hanggang sa nakarating sila sa ating mga isla. Ngunit, matapos ang ilang
libong taon, natapos ang panahon ng yelo at natunaw ang mga tulay na lupa na ginamit
ng mga Aeta sa paglalakbay patungo sa atin. Sa pagtunaw ng mga tulay na lupa, na
iwan ang mga Aeta sa atin at hindi na nakabalik sa kanilang pinagmulan. Ang mga Aeta
ang unang grupo na nanirahan sa Pilipinas bago dumating ang mga Indones at Malay.
Sa pag-dating ng mga Indones, gamit ang kanilang mga bangka, unti-unti nilang
pinaalis ang mga Aeta na naninirahan sa ating mga isla. Dala ng mga Indones ang
kanilang wika na Bahasa Indones at ito ay lalo pang dumagdag sa pag-unlad ng wikang
Tagala. Hindi gaano nagkakalayo ang Tagala sa Bahasa Indones kaya madaling
nagkaintindihan ang mga Aeta at Indones. Sumunod sa pagdating ng mga Indones ay
ang huling grupo na nagdagdag sa pag-unlad ng wikang Tagala, ang mga Malay. Gamit
ang kanilang mga bangkang tinatawag na balangay, nakarating ang Malay sa Pilipinas
mula sa Timog sa mga isla ng Indones. Malaki ang naiambag ng mga Malay sa pag-
unlad ng wika at kultura ng mga Pilipino. Iba’t ibang wika ang nabuo sa loob ng
Pilipinas, ngunit lahat ito ay iisa lamang ang pinagmulan, ang wikang Tagala na dinala
ng mga Aeta. Sa matagal na panahon, ang mga katutubong Pilipino ay nanirahan nang
mayaman at maunlad sa kanilang mga isla. Nakapagtatag sila ng sariling kultura,
tradisyon, at pamumuhay na hindi matatagpuan kahit saan man sa kasaysayan ng
buong mundo, ngunit lahat iyon ay nagbago nang dumating ang mga Español.

Sa pagdating ng ika-16 na siglo, dumating ang mga unang Español, sa pamumuno ni


Ferdinand Magellan, sa isla ng Homonhon, na ngayon ay parte ng Samar. Hindi
nagtagumpay ang mga Español sa pagkuha ng mga isla noong 1521, ngunit hindi
sumuko ang mga Español. Noong taong 1565 unang nagsimula ang pananakop ng
mga banyaga sa ating bansa at nag-tagal ito hanggang 1898. Sa 333 taon na
pamumuno ng mga Español sa Pilipinas, marami ang kanilang naidagdag sa ating wika
at kultura, isa na rito ang pagdadala ng Kristiyanismo at pagbibigay ng pangalan na
“Las Islas Filipinas”. Matapos ang napakahabang pananatili ng mga Español sa ating
bansa, dumating ang mga Amerikano na sinakop tayo ng 48 taon. Mahalaga ang
pagdating ng mga Amerikano sa pagtatag ng ating pambansang wika sapagkat ito ang
nagbigay daan sa pagtayo ng Komonwelt ng Pilipinas. Noong taong 1934, naipasa ang
Tydings-McDuffie Act o ang Philippine Indepence Act na hinahayaan ang Pilipinas na
magtatag ng sariling konstitusyon at isang pansamantalang gobyerno ng 10 taon
habang ito’y inihahanda na bigyan ng kalayaan at mamuno mag-isa. Ang pinakaunang
presidente ng Komonwelt ng Pilipinas ay si Manuel L. Quezon, ang “Ama ng Wikang
Pambansa”. Binansagan siya bilang “Ama ng Wikang Pambansa” sapagkat siya
nagtatag ng Tagalog bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Napili ang wikang Tagalog
bilang wikang pambansa sapagkat ito ay ang wikang pinakamarami ang nagsasalita.
Ngunit, ang wikang Tagalog ay isa lamang sa napakaraming wika na nasaloob ng ating
bansa. Noong taong 1959, ang wikang pambansa ay napalitan at ginawang Pilipino,
upang maisama rin ang iba pang wika na nasa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ngunit
noong taong 1987, sa pagtatayo ng bagong konstitusyon, ang wikang pambansa ay
naging Filipino, upang makasabay sa nagbabagong mundo. Ang wikang Filipino ay ang
wikang pambansa ng Pilipinas hanggang sa kasalukuyan. Ito ay binubuo ng iba’t ibang
wika ng iba’t ibang grupo at etniko ng Pilipinas, at ito rin ay lumalawak at umuunlad pa
sa pagsasalin ng mga ibang banyagang salita.

Napakarami nang pinagdaanan ng ating wika. Mula sa mga Aeta noon hanggang sa
atin ngayon, iba’t ibang klaseng pagbabago ang hinarap ng ating wikang pambansa.
Ang wikang Filipino ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa buong mundo.
Bilang isang Pilipino, dapat natin paunlarin ang ating wika sapagkat ito ang nagsisilbing
palatandaan ng lahat ng sakit, hirap, at tagumpay nating mga Pilipino sa ating
kasaysayan.

You might also like