You are on page 1of 1

Hindi sila yung mga ahas na nasa eroplano na kagaya nang nasa pelikulang Snakes on

a Plane. Sila yung mga ahas na may kakayahang makalipad.


But note, sila ay walang pakpak.
Kaya paano nakakalipad ang mga ahas na ito?

INTRO

Inilabas ng mga researchers na may mga limang species ang mga ahas na ito sa
mabababang tropical rainforest sa bandang South at maging dito sa Southeast Asia.
Ang mga species na tinutukoy nila rito ay ang mga ahas na may kakayahang lumipad sa
paraang tumatawid sila mula sa isang puno, papunta sa isa pang puno kahit wala
silang pakpak.

Ayon din sa pag aaral, nadevelop ng mga ahas na ito ang kakayahang tumawid puno
papuntang isa pang puno dahil sa tingin nila ay mas madali ito para sakanila kaysa
bumaba, gumapang umakyat uli sa isa pang puno.
Bago nila ito ginagawa, finaflat muna nila ang kanilang katawan bago lumipad nang
sa gayon ay mas matagal sila sa ere, patungo sa kabilang puno o di kaya nama'y sa
lupa, kagaya ng mga flying squirrels.

Ayon kay Robert Mertens, isang German Herpertologist noong taong 1968, ang mga ahas
na ito ay kabilang sa species na Chrysopelea Ornata, Chrysopelea paradisi,
Chrysopelea pelias, Chrysopelea rhodopleuron, at Chrysopelea taprobanica.
Ang ahas na Chrysopelea Ornata ay ang pinakamalaki sa kanila na umaabot sa habang
isa hanggang sa 1.2 meters, samantalang ang pinakamaliit naman ay ang Chrysopelea
Pelias na umaabot sa 60 hanggang 70cm lamang.

You might also like