You are on page 1of 5

PONOLOHIYA

PONOLOHIYA

Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng wika na nagbibigay kahulugan sa pagbigkas ng salita o


nagbibigay ng ng pagbabago sa kahulugan ng mga salita ay tinatawag na PONOLOHIYA O
PALATUNUGAN.

PONEMA

Ang tawag sa tunog na may kahulugan din pero pinakamaliit na bahagi ng wika. May
dalawampu’t isang (21) ponema ng wikang Filipino labing-anim (16) ang katinig at lima (5) naman ang
patinig.

Ang mga katinig sa Filipino ay ang sumusunod: b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y

Ang mga patinig naman ay ang: a, e, i, o, u

PONEMANG PATINIG

Sa pagbigkas ng mga ponemang patinig, may pagkakataon na napapalitan ang ponemang e ng i


at ang o ng u subalit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.

Mga Halimbawa:

 bibe-bibi
 babae-babai
 doon-duon
 noon-nuon

Subalit may pagkakataon na kapag napapalitan ng e ng i at ang o ng u, nagbabago ang kahulugan ng


salita. Kapag naganap ang pagpapalit at pagbabago ng kahulugan, ang e ng i at ang o ng u ay dalawang
magkahiwalay o magkaibang ponema na.

Halimbawa:

 mesa-table
 misa-mass

PONEMANG KATINIG
Ang mga ponemang katinig ay maiiayos ayon sa tagpuan-bigkasan at paraan ng pagbigkas at
kung may tinig at walang tinig ng pagbigkas sa mga ito katulad ng makikita sa tsart na nasa ibaba.
Samakatuwid, sa pagsasalita, ang paglikha ng ponema ay mailalarawan sa tagpuan-bigkasan o punto ng
artikulasyon at paraan ng pagbigkas / artikulasyon. Itinituring na digrapo ang ng sapagkat ang ponemang
ito ay binubuo ng dalawang letra subalit kumakatawan sa isang makabuluhang tunog.

TAGPUAN O PUNTO NG ARTIKULASYON - Naglalarawan ito kung saan bahagi ng bibig nagaganap
ang pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig o sa pagbuo ng tunog, may pitong punto ng
artikulasyon:

a. Panlabi. Ang ibabang labi at labing itaas ay naglalapat; ginagamit ang mga labi sa pagbigkas
ng katinig. /p,b,m,w/

b. Pangngipin. Ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob o sa likod ng ngiping itaas. /t,d,n/

c. Panggilagid. Ang punog gilagid ay nilalapitan o dinidiitan ng ibabaw ng dulong dila. /s,l,r/

d. Palatal (Pangalangala). Dumidiiit sa matigas na bahagi ng ngalangal ang ibabaw ng punog


dila. /y/

e. Velar (Pangngalangala). Ang velum o malambot na bahagi ng ngalangala ay dinidiitan ng


ibabaw ng punong dila. /k,g, /(ng)/

f. Panlalamunan. Ang pagitan ng dalawang babagtingang tinig na tinatawag na glottis ay


bahagyang nakabukas upang ang hangin sa lalamunan ay makadaan. /h/

g. Glottal. Ang presyur ng papalabas na hangin o hininga ay nahaharang sa pamamagitan ng


pagdidiit ng mga babagtingang tinig at ang nalilikha ay paimpit o pasusot na tunog. /’/

PARAAN NG ARTIKULASYON O PARAAN NG PAGBIGKAS- Inilalarawan kung papaanong


gumagana ang ginagamit ang nmga bahagi ng organong pagbigkas o sangkap sa pagsasalita. Sa
pagbigkas ng mga katinig, inilalarawan din nito kung paano pinalalabas ang hangin hininga sa mga
resonador. Samakatuwid, ang paraan ng artikulasyon/pagbigkas ay tumutukoy sa paraan ng
pagpapalabas ng hangin sa bibig o sa ilong na siyang ginagamit sa paglikha ng tunog. Ang paraan ng
artikulasyon o paraan ng pagbigkas ay mapapangkat sa anim, gaya ng mga sumusunod:

a. Pasara. Hinaharangan ang daanan ng hangin. /p,t,k,’,b,d,g/

b. Pailong. Nahaharang ang hangin na dapat ay sa bibig lumalabas dahil sa pagtikom ng mga
labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng malambot
na ngalangala. Ang nangyayari ay hindi sa bibig lumalabas ang hangin kundi sa ilong.
/m,n, /ng/

c. Pasutsot. Sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang tinig


lumalabas ang hangin. /s,h/

d. Pagilid. Dahil sa ang dulong dila ay nakadiit sa punog gilagid, sa mga gilid ng dila lumalabas
ang hangin. /l/

e. Pakatal. Dahil sa ang dulo ng nakaarkong dila ay pumapalag, ang hangin sa loob ng bibig ay
paiba-iba ng direksyon at ito ay nahaharang. /r/

f. Malapatinig. Kapag malapatinig ang ponema, ang galwa ng labi o dila ay mula sa isang
pusisyon patungo sa ibang pusisyon. /w,y/

Dahil sa modernisasyon ng wikang Filipino, malaya ng nakakapasok angmga salitang


katutubo at banyaga sa wikang ito bunga ng malawakang panghihiram ng salita. Ayon sa ilang
dalubwika, ang dating bilang ng mga ponemang Filipino ay nadagdagan na nga pitong bagong
ponema.

PONEMANG SEGMENTAL

Sa pagbubuo ng tunog,ang ponemang patinig at ponemang katinig ay karaniwan nang


pinagsasamasama.

Halimbawa:

 p+a=pa
 h+o=ho
 s+i=si

DIPTONGGO
Kapag ang ponemang katinig na w at y ay sinudlungan ng alinman sa limang ponemang patinig,
ang nabubuong tunog ay tinatawag na diptonggo.

Mga halimbawa:

 a+w=aw
 i+w=iw
 i+y=iy
 e+y=ey
 a+y=ay
 o+y=oy
 u+y=uy

Ang mga diptonggo ng Filipino ay pito lamang: aw, iw, iy, ey, ay, oy, at uy.

DINAGLAT

Ang dinaglat na ay na karugtong ng salitang nagtatapos sa patinig ay diptonggo.

Mga halimbawa:

 kami’ y
 tayo’ y
 ako’ y

Hindi lahat ng dalubwika ay sumasang-ayon na diptonggo ang mga ito subalit kapag binibigkas
ang salaitang nagtatapos sa patinig na may kasamang dinaglat na ay, litaw na litaw ang tunog ng
diptonggo. Ang mga diptonggo ay karaniwang nasa hulng pantig ng salita

Halimbawa:

 sawsaw
 nguyngoy
 aruy
 aliw

PONEMANG /’/

Ayon kay Dr. Alfonso Santiago (1985), ang / ̓/ ay impit na tunog sa matandang balarila. Ang
ponemang ito ay medyo nagpapagulo nang kaunti sa palabaybayang Filipino sapagkat kahit ito ay isang
ponema, hindi ito inirerepresenta ng titik o letra. Sa halip inirerepresenta ito sa dalawang paraan:

a. Nakasama ito sa palatuldikan at inirerepresenta ng tuldik na paiwa ( ʽ) kung nasa posisyong


pinal ng salita. Ang mga salitang may impit na tunog sa posisyong pinal ay tinatawag na
malumi o maragsa. Malumi-salitang malumay o dahan-dahan kung bigkasin pero may diin
sa pantig na penultima o huling pantig ng salita. Ito ay laging nagtatapos sa patinig.
Inirerepresenta ito ng tandang paiwa (tulad ng nasa itaas na simbolo) na inilalagay sa dulo
ng salita. Ito ay laging nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
 Bata
 Talumpati
 Dambuhala
 kulasisi

MARAGSA – Salitang binibigkas ng tuloy-tuloy mula sa una hanggang sa huling pantig. Ang diin
ay nasa huling pantig. Lagi rin itong nagtatapos sa patinig,. Inirerepresenta ito ng tandang pakupya (˄)
na inilalagay sa dulo ng salita. Gaya ng salitang malumi, lagi ring nagtatapos sa patinig ang salitang
maragsa.

Mga Halimbawa:

 kaliwâ
 butiki
 salitâ
 dukhâ

Ang tuldik na paiwa (ʽ) at tandang pakupya (˄) ay kapwa kamakatawan sa ponemang glottal na
pasara o impit na tunog.

b. Inirerepresenta ito ng gitling (-) kapag ito ay nasa loob ng salita sa paigitan ng katinig at
patinig.

Mga Halimbawa:
 may-ari
 mag-alis
 nag-ulat

Kung aalisin ang gitling, mag-iiba ang kahulugan ng salita . Inilalagay ang gitling
sa pagitan ng panlapi na nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig.
Samakatuwid, ang gitling na nasa pagitan ng katinig at patinig ay nagrerepresenta sa
glottal ng pasara.

Mapapansin na sa pagbigkas ng mga salitang malumi, maragsa at may gitling sa


pagitan ng katinig at patinig, nagdidiit ang mga babagtingang-tinig na siyang dahilan sa
paglikha ng impit na tunog.

You might also like