You are on page 1of 16

Joy Nakapagtapos siya ng kursong Nursing sa “Graduate ako ng college pero anong ginagawa

kolehiyo ngunit nagtrabaho bilang domestic ko? Naglilinis ng inidoro”


helper sa ibang bansa.

Ethan Nasayang ni Ethan lahat ng pinaghirapan niya “Ang pinakamahirap ay ang pinaramdam ko sa
dahil sa maling desisyon na kanyang nagawa pamilya ko, kay Edward lalo na ‘I was his hero
kaya labis nalang siyang nasaktan lalo nang but I turned out to his biggest dissapointment.’”
nakita niyang nasaktan ang pamilya niya dahil
sa kanya.
Ina ni Joy Walang nagawa ang Ina ni Joy sa alok ng “Umpisa palang alam ng papa mo na may gusto
kanyang amo kaya kahit labag man sa sa akin ang amo ko, kahit noong niyaya niya
kalooban pinakasalan niya ito para sa akong magpakasal umayaw ako. Anong sabi ng
kinabukasan ng kanyang pamilya. papa mo, ‘sige na para sa mga bata.’”

Ama ni Ethan Dahil sa kanyang sakit, nararamdaman niyang Ang eksenang ito ay noong nagtatalo si Ethan at
naging pabigat siya sa kanyang mga anak, at Edward dahil tutol si Edward sa pinaplanong
hindi niya man lang ito nagawang gabayan at pagpapagawa ng bar ni Ethan dahil baka maulit
naagapan ang pagtatalo nila. na naman ang nangyari noon na pagkakamali ni
Ethan.
Mary Dale Hindi niya ginusto na magtrabaho sa ibang Ayaw ko ate nalulungkot ako doon.”
bansa ngunit tulad ng kanyag pinsan ay wala “Ate,uuwi na ako sa Pilipinas hindi talaga ako
siyang nagawa dahil sa hirap ng buhay. para sa Hongkong”

Sally Dahil sa ayaw niyang hindi maibigay ang Sally: “Uuwi ako, tapos ano? nga nga.”
kanilang pangangailangan, hindi siya umuwi ng
Pilipinas sapagkat kailangan nila ng pera.
Edward Dahil sa hirap ng pinagdaanan niya noong He threw everything away and messed up in the
umalis si Ethan ay hindi niya mapigilang ilabas States just to be with a girl. A girl!”
ang mga hinanakit niya. “Ako kuya hindi sinayang lahat ng pinaghirapan
nila papa para lang mapunta kami dito mas
iniisip ang nararamdaman ni papa.

Pangarap at Pamilya ang kadalasang dahilan kung bakit nag-iibang bansa ang

mga Pilipino. Mahirap itimbang ang dalawang ito sapagkat pareho itong importante sa

buhay ng pangunahing tauhan na si Joy Fabregas. Nakaranas ng pighati si Joy habang

nakipagsapalaran sa Hong Kong pero tiniis niya ito para sa kaniyang mga sariling

hangarin at para na rin masuportahan ang kaniyang pamilya sa Pilipinas.

Lahat ng sakripisyo at paghihirap na dinanas ni Joy ay para sa kaniyang mga

sariling pangarap, ito ay para makapag-ipon papuntang Canada at mabuo ulit ang
kaniyang Pamilya. Hangad ni Joy na pumunta sa Canada kasama ang kaniyang

pamilya upang doon na manirahan at magtrabaho bilang nurse.

Bukod sa gusto nilang matugunan ang pangangailangan ng pamilya, naging

OFW din sila dahil gusto nilang makamit ang kanilang mga pangarap. Ito ang

karaniwang dahilan kung bakit sila nag-iipon at nagpapadala pabalik sa bansa.

Lahat ng tao ay may pangarap, at tulad ng mga OFW, gusto nilang makamit ang

kanilang mga sariling hangarin sa kabila ng kanilang taos-pusong pagtulong sa pamilya.

Sa likod ng lahat ng paghihirap nila upang makatulong sa pamilya, may kasabay na

pangarap pa din ang nag-uudyok sa kanila upang magpursigi sa trabaho at kumita ng

pera. Kaya naman, kadalasan sa mga OFW ay nag-iipon para sa sarili nilang konsumo,

at para na rin sa kanilang kinabukasan.

“Graduate ako ng college pero anong ginagawa ko? Naglilinis ng inidoro


“I am more than this job.”
“Minsan gusto ko nalang maging selfish at iwanan lahat ng responsibilidad ko.”
“I want to be more.”
“Masasayang ang degree ko.”

Hindi lubos maisip ni Joy na isa siyang Nursing graduate tapos ang naging

bagsak niya ay isang Domestic Helper, sa kabila ng kanilang kahirapan ay hindi parin

mawala ang pangarap niyang maging isang nurse sa Canada. “Ang choice para lang sa

mayayaman” yan ang itinatak ni Joy sa kanyang isipan kaya nilulunok niya nalang lahat

ng paghihirap na ginawa niya pero minsan naramdaman din ni Joy na sobra na ang

lahat ng mga ito at gusto na niyang talikuran at tumakbo nalang at iwan ang lahat ng

nakapasan sa kanya na responsibilidad.Hindi gusto ni Joy na maging kagaya lang rin

siya ng kanyang Ina kaya kahit magkanda kuba man siya sa pagtatarabaho ay patuloy
parin siyang lumalaban sa mga agos ng buhay upang makamit ang pangarap niya.

Nagbabakasakali siya na sa tulong ng hirap at pagod niya bilang isang DH,

paglilinis ng inidoro, kumakain ng tira-tira, naglilinis ng bahay, naghahatid ng anak ng

amo niya papunta sa paaralan at pati narin ang pagtitinda ng kung anu-ano ay mapag-

iisa nya ulit ang kaniyang pamilya sa Canada. Nilagay pa niya ang kaniyang sarili sa

peligro at kahit pwedeng mahinto ang kaniyang kontrata, naghahanap pa rin siya ng

ibang mapagkukunan ng pera pagdating sa gabi para lang makamit ang kaniyang

pangarap na makalipat sa Canada pagkatapos niyang magtrabaho bilang DH sa Hong

Kong.

Ayon kay Irsmael Escolar, Sa pangingibang bayan nakasalalay ang pangarap na

pag-unlad sa buhay sapagkat ito lamang ang naiisip na paraan upang maitawid ang

lahat ng kanilang pangangailangan sa buhay.

Labag man sa kalooban ng mga Pilipino na pumunta ng ibang bansa upang

maging OFW ay wala silang magawa dahil ito ang isa sa natatanging solusyon upang

makaahon sila sa kahirapan at makamtan nila ang mga personal na pangarap. Dahil sa

kanilang determinasyon at pagtitiyaga na mailigtas ang pamilya sa kahirapan at

makahanapng mga magagandang oportunidad at pagkakataon, ang oras na maaari

nilang iukol sa kanilang mga pamilya ay nagiging isang malaking pagsasakripisyo

kapalit ng paglilingkodsa mga dayuhang amo sa ibang bansa para kumita at magpadala

ng pera sa kani-kanilang mga pamilya at makapag-ipon para sa kanilang mga sariling

interes.
Karamihan sa mga OFW ang nakakaranas ng pagiging “underemployed” pero

dahil sa pangangailangan sa buhay, pinilit nilang magtrabaho at tinatanggap lahat uri ng

trabaho kahit hindi angkop sa kanilang tinapos na kurso.

Hindi maiwasan ni Joy na makaramdam ng labis na pighati dahil sa kanyang

nararanasan sa Hongkong,isa siyang Nursing graduate pero ang naging bagsak niya ay

isang Domestic Helper, inis at galit ang nadarama ni Joy sapagkat gusto na niyang

matupad ang kanyang pangarap na maka punta sa Canada pero hindi pa sapat ang

perang naiipon niya dahil maysinusopurthan niya rin ang pangangailangan ng kanyang

pamilya kaya kahit sobrang pagod walang pigil sa kayod at pagtatrabaho ang ginagawa

niya upang matupad ang kanyang mga sariling hangarin.

“Ate sira na sapatos ko, bilhan mo ako ng bago”

“Ako din po ate gusto ng rubber shoes”

“Nabili ko na saptos mo, yung rubber shoes mo sa Canada nalang natin bilhin”

Isa sa rason kung bakit pumunta sa Hong Kong si Joy ay para matugunan ang

pangangailangan ng kanyang pamilya sa Pilipinas na kahit na ang pagiging DH ay tiniis

niya.Kahit ano na ang “sideline” at raket ang ginagawa ng mga OFW para lang

madagdagan ang kanilang ipon para ibigay sa kanilang mga pamilya at para na rin sa

iba’t-ibang gastusin araw-araw. Sila ang pag-asa ng kanilang mga pamilya na nasa

Pilipinas kaya kahit nasa peligro na ang kanilang mga buhay ay kayod pa rin para

matustusan ang mga kinakailangan sa buhay.

Sa kabila ng pangarap ni Joy na makapunta sa Canada ay hindi niya parin

pinapabayaan ang kanyang responsibilidad para sa kanyang pamilya at binibigay niya


parin ang pangangailangan ng kanyang mga kapatid. Dugo’t pawis man siya sa

pagtratrabaho ay kinakaya niya pa rin para sa kanyang pangarap at pamilya.

Kahit na nahihirapan at hindi sapat ang pera na kinikita, patuloy pa ring

kumakayod ang mga OFW upang matugunan ang pang araw-araw na pangangailangan

ng kanilang pamilya. Isa sa hamon ng kanilang trabaho ay kung ano ang gagawin

nilang diskarte upang magampanan ang kanilang responsibilidad bilang breadwinner ng

pamilya. Kaya naman, sinasakripisyo nila lahat na halos wala nang natira para sa

kanilang sarili.

Ayon kay Mendoza, nakakaranas ng matinding hirap ang maraming OFW ngunit

napipilitang huwag magreklamo dahil sa tindi ng pangangailangan sa trabaho . May iba

na minamaltrato at may iba rin na napakakulang ng sahod na ibinibigay ng kanilang

mga amo. Sa kabila ng mga ito, pinipili nilang manahimik dahil kailangan nilang

magtrabaho at tumanggap ng sahod para sa kani-kanilang pamilya.

Bawat pera na nalilikom ni Joy bilang isang Domestic Helper ay importante dahil

ang mga perang ito ay inilalaan niya para sa pagpunta niya sa Canada at sa

pangangailangan ng pamilya niya sa Pilipinas. Hindi pa kompleto ang perang gagamitin

niya sa mga papeles kung kaya’t labis nalang talaga ang pagmamakaawa ni Joy na

hindi putulin ang kanyang kontrata at patapusin nalang upang magkaroon pa siya ng

perang maiilikom niya.

Ang pera ay isa sa pinakamalaking rason kung bakit nangingibang bansa ang

mga Pilipino. Mas malaki kasi ang binibigay na suweldo sa ibang bansa, ngunit hindi

ganon kadali ang paghahanap ng pera. Sa kalagayan ng makabagong OFW ngayon,

makikita na minamaltrato sila ng kanilang amo, at ang masama pa don ay hindi sila
binigyan ng sapat na sweldo. Kahit na nakakapagod ang ginagawa nila upang kumita

lang ng pera, hindi pa rin sila tumitigil sa pagtatrabaho dahil ito ang nagsisilbing

puhunan nila para sa pagkamit ng pangarap na ginawa nila para sa sarili nila, at ito ay

gusting-gusto nilang matupad.

“Ma'am, I only have 4 months left, I can’t lose my job. Please Ma’am I

really need your help.”

May mga pagkakataon rin na kagaya ni Joy na maaring e-terminate na ang

konrata ng isang OFW kapag hindi na siya kayang bayaran nito o maghanap nalang ng

ibang amo para hindi maputol ang kanyang kontrata at mapabalik sa Pilipinas kaya

labis nalang ang pagmamaka-awa ni Joy na bigyan na muna siya ng palugit dahil ilang

buwan nalang ay makakapunta na siya ng Canada, nagmaka-awa siya sa kanyang amo

na kahit kalahati na lang daw ng kanyang sahod ang ibigay at siya na ang bahala na

maghanap ng kanyang raket sa gabi. Inilagay ni Joy ang kanyang sarili sa alanganin na

sitwasyon para sa kanyang pangarap at kinabukasan ng kanyang pamilya.

Ayon sa DOLE, maaaring i-terminate ng amo o worker ang kontrata sa anumang

oras or kadahilanan ngunit kailangang magbigay ng notice of termination o payment in

lieu of notice ang nag-initiate ng termination. Ang haba ng period of notice ay base sa

tagal ng pagtratrabaho sa amo.Hal.: 1-6 buwan ng pagtatrabaho ay 1-6 na araw ng

notice at kung lagpasng 7 buwan na trabaho, isang buwang notice. Maaaring lumapit sa

POLO upang isangguni ang planong mag-terminate o kung anong hakbang ang dapat

gawin kapag na-terminate na.


May mga OFW na nakakaranas ng ganitong sitwasyon kagaya kay Joy, hindi nila

hawak ang kanilang oras sa pagtratrabaho sa ibang bansa , nakasalalay sa kanilang

amo ang pag-asang magka-pera at makapag-ipon para sa kanilang mga personal na

mithiin at pangarap kaya isang pagkakamali lang mga OFW sa kanilang mga amo ay

maaring silang palayasin at tapusin ang kanilang mga kontrata.

“Yung mga pangarap na unti-unti kong binubuo para sa pamilya ko, unti-unti ng
naglalaho.”

Isa sa rason ni Joy kung bakit tinitiis niya lahat ng hirap na nararanasan niya ay

para sa kanyang pamilya. Pangarap niyang dalhin ang pamilya niya sa Canada upang

doon na mamuhay at doon na din mapagamot ang kanyang ama dahil mas maganda

ang pamamahala doon at doon na rin niya matutupad ang kanyang pangarap pero

lahat ng ito ay unti-unting gumuguho .Ayaw na ng Ina ni Joy na umuwi sa Pilipinas dahil

hindi na niya maitim na makasama ang kanyang asawa na nagtulak sa kanya sa

ganoong sitwasyon at ayaw na din ng ama ni Joy na pumunta sa Canada dahil sa

nalaman niya na mismo ang kanyang asawa ay ayaw na siyang makasama dahil sa

pagkakamaling hindi niya naman ginusto kaya labis nalang ang pagkahinayang at sakit

ang naramdaman ni Joy dahil lahat ng hirap na kanyang naranasan sa

pakikipagsapalaran niya doon para makompleto ang kanyang pamilya ay nauwi sa

wala.

Sa sitwasyon ng OFW, talagang nakakasakit sa ulo kung hindi sumasang-ayon

ang tadhana sa lahat ng pinaplano nila. Araw-araw silang kumakayod upang makamit

lamang ang kanilang pangarap para sa sarili at sa pamilya nila, ngunit hindi talaga
maiiwasan na may hahadlang sa pangarap na gusto nilang makamit. Isa ito sa mga

hamon na kinakaharap nila at nakakabawas ito sa motibasyon nila upang magtrabaho.

May ibat-ibang kuwento ang mga OFW tulad na lamang kay Ethan ilang taon

nalang sana ay magiging residente na siya sa Hongkong at tatanghalin na bagong

manager sa bar pero sinayang niya lahat ng iyon para kay Tanya dahil sa labis na

pagmamahal ni Ethan lahat nalang ng pinaghirapan niya at ng kanyang magulang sa

kanya ay naglaho nalang parang isang bula.

“He threw everything away and messed up in the States just to be with a girl. A
girl!”

“Pagbalik ko lahat naka move-on na, ako nalang ang napag-iwanan yun ang
isinugal ko noong umalis ako dito pero ang pinaka mahirap ang pinaramdam ko
sa pamilya ko, kay Edward lalo na “I was his hero but I turned out to his biggest
dissapointment.”

Labis ang pagmamahal ni Ethan para kay Tanya na isa sa prinsesa sa

Disneyland pero napagpasiyahan ni Tanya na maliit lang ang Hongkong para sa

kanyang pangarap kaya gusto niyang pumunta sa Amerika at doon ipagpatuloy ang

kanyang pangarap kaya pinapili niya si Ethan kung sasama ba ito sa kanya o

hihiwalayan siya nito kaya sumama si Ethan sa Amerika ,naging masaya sila sa

pagsasama nila sa Amerika pero kalaunan ay nawalan sila ng nararamdaman para sa

isa’t isa sa kasamaang palad nahuli si Ethan sa pag ooverstaying kaya na deport siya at

blocklisted na sa Amerika na kailanman ay hindi na siya makakatapak doon kaya labis

nalang ang sakit at pagkahinayang nang umuwi na siya ng Pilipinas dahil lahat ng

pagod na ginawa niya sa kanyang trabaho noon ay naglaho na sana ay magiging

manager na siya doon ay nawala pa dahil sa kanyang desisyon lalong lalo na sa sakit

na ibinigay niya sa kanyang pamilya kaya labis nalang ang pagsisisi niya at hindi niya

nagawang magalit sa sumbat ni Edward sa kanya dahil kasalanan naman niya kung
bakit ganoon ang tarato nito sa kanya. Si Ethan ang panganay pero hindi niya

nagampanan ito nakakdagdag pa siya sa perwisyo lalo na na may sakit ang kanyang

ama at nag-aaral pa noon si Edward.

“Alam kong nasaktan ko kayo pero hindi ko hinhingi na patawarin mo ako ngayon
pero wag mo naman ako tanggalan ng pagkakataon na makabawi sa inyo.”

“Konting tiwala lang naman, kahit konti lang.”

Labis na lungkot naramdaman ni Ethan dahil sa trato ng kanyang kapatid sa

kanya. Alam niyang nasaktan niya ang pamilya niya lalo na ang kapatid niyang si

Edward na tinitingala siyang idolo pero binigo niya ito.Ang dami-daming niyang

pagkukulang sa pamilya niya na hindi niya nagawa dahil sa pagkakamali niya noon

pero sinisikap niya na maitama lahat ng pagkakamali niya gusto niyang magpatayo ng

sarili niyang bar para sa kanyang sarili,para sa kanyang pamilya at para kay Joy pero

hindi mawala sa isip ni Edward na baka mangyari na naman ang pagkakamali ng

kanyang kuya noon na mababaliw dahil sa pag-ibig pero lakas loob na sinabi ni Ethan

na pag dumating man ang araw na iyon ay siya na mismo ang liligtas at sasalo sa

kanyang sarili kaya ang hinihingi lamang niya ay ang suporta at pagtitiwala sa kanya.

“Joy, takot na akong magmahal at iwan ulit”

Labis na pighati ang naramdaman ni Ethan noong napagdesisyonan na ni Joy na

desidido na siya na pupunta siya sa Canada hindi sang-ayon si Ethan sa desisyon ni

Joy dahil baka mangyari na naman ang kinatatakutan niya na iwan ulit siya ng taong

mahal niya dahil sa nakaraang relasyon niya kay Tanya na nag dulot ng hindi

magandang pangyayari sa kanyang buhay. Ang daming ginawa ni Ethan para lang

mapa-oo at mapasaya si Joy na sa ganong paraan ay maibsan ang pagod at lungkot na

nararamdaman ni Joy pero hindi niya akalain na aalis pa rin talaga si Joy sa kabila ng
ginawa niya, ang plano niya na magpagawang bar para sa kanilang dalawa at gawing

investor ito upang hindi na maging Dh si Joy ay hindi sinang-ayunan ni Joy dahil mas

pumaibabaw pa rin talaga ang pangarap ni Joy kaysa sa pagmamahal niya kay Ethan

pero pinangakuan siya na bigyan niya lang muna daw ng oras si Joy para sa kanyang

sarili at pangakoy babalikan siya nito.

Dahil sa labis na pangangailangan, napipilitan ang isang OFW na pangasawahin

ang isang residente upang mas mapahaba pa ang kanilang pamamalagi roon at mas

mapalaki ang maitustos sa pangangailangan ng pamilyang kanilang naiwan. Ang mas

masakit pa rito ay ang mismong mahal sa buhay pa ng nanay ni Joy ang nagtulak sa

kaniya na pangasawahin ang kaniyang amo para lang hindi magutom at makapagtapos

sa pag – aaral ang kanilang mga anak.

“Yon ang alam niyo pero hindi yan ang totoo umpisa alam ng papa mo na
may gusto sa akin ang amo ko kahit nong niyaya niya akong magpakasal
umayaw ako anong sabi nga papa mo sige na para sa mga bata.”

Joy: “Pero pwede kang humindi”

Nanay ni Joy: “Pero kong hindi ako papayag papauwiin ako sabay-sabay
tayong lahat na mamamatay sa gutom, i had no choice diring diri ko sa
sarili ko (humagulgol ng iyak) at nandon ako sa sitwasyon n iyon ng dahil
sa papa mo at ang pagmamahal ko sakanya napalitan na ng galit”

Mahirap ang buhay ng mag-asawang Fabregas. Ang ina ni Joy ay nagtratrabaho

bilang isang Domestic Helper sa kanyang intsik na amo at nagpapakita ito ng motibo na

may gusto ito sa kanya, nag-alok ng kasal ang amo niyang intsik, hindi sana siya

papayag sa kagustuhan na iyon ng kanyang amo pero mismo ang asawa niya ang

nagtulak at nagkumbinsi na pumayag para sa kinakabukasan ng kanilang mga anak

lalo na kalagayan nila dahil na aksidente ang ama ni Joy at nabulag kaya labag man sa

kalooban siya ay pumayag na magpakasal kay Wayne.


Ang eksenang ito ay noong nagmamadaling pumunta si Joy sa ospital at
nadatnan niya ang kanyang ina na may maraming gawa ng pangbubugbog
ng kanyang amo.

Walang magawa ang ina ni Joy sa pang-aalipusta ng kanyang asawa sa kanya

na kahit ay asawa na siya nito ay tinuturing parin siyang parang isang katulong, utang

niya kasi kay Wayne kung bakit naging ganap na siyang residente at ang perang

nakukuha niya para sa kanyang anak sa Pilipinas.Hindi niya ito magawang iwan dahil

hawak siya nito sa leeg at may anak na rin sila wala na siyang magawa sa agos ng

kanyang buhay at kung bakit humantong ang kanyang pamilya sa ganoong sitwasyon

kaya tinatagan niya na lang sarili sa bawat pagmamalupit na ginagawa ng kanyang

asawa .

Ayon kay ChinoF, ang pagiging isang OFW ay nagbunga ng ng isang mga

komplikadong mga sitwasyon. Halimbawa na rito ay ang pagpapakasal sa isang citizen

ng bansang pinagtatrabahoan upang mas mapadali ang kanilang pamumuhay at

napilitang mag palit ng nasyonalidad para matustusan ang kani-kanilang

pangangailangan tulad ng pang araw – araw na gastusin at ang pagpapa – aral sa

kanilang mga anak.

Habang maraming Pilipino ang naghahanap ng mas magandang pagkakataon sa

mga banyagang lugar, nananatili pa rin ang katotohanan na karamihan sa kanila ang

humaharap din sa maraming pagsubok at paghihirap kapalit ng mga mas magandang

oportunidad sa ibang bansa. Ang iba sa kanila ay nakakaranas din ng diskriminasyon,

pang aabuso at pang aapi habang ang iba naman ay nakukulong o namamatay Ngunit

sakabila ng mga paghihirap, ang pagiging matatag ng mga Pilipino at magandang

katangianng pagiging mapagsakripisyo ang nangingibabaw upang mabigyan ng

magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.


Nailahad ito sa eksena kung saan pinakain ni Ethan ang kanyang ama at sabihin niya
ang plano niya na magpapatayo siya ng bar upang hindi na umalis si Joy ng biglang sumulpot si
Edward tumutol sa planong iyon ni Ethan

Labis na nasaktan ang ama ni Ethan ng makita ang dalawa niyang anak na nag-

aaway at hindi magkasundo naiisip niya na kung sana siya nagkasakit noon,

natulungan at nagabayan niya sana si Ethan sa pagdedesisyon nang pumunta siya ng

Amerika na naging dahilan ng sama ng loob ni Edward sa pang-iiwan ni Ethan sa kanila

at naging pabigat pa siya kay Edward dahil pinagsabay neto ang pag-aalaga sa kanya

at pag-aaral.

Kahit na naging residente na sila ng Hong Kong, hindi pa rin naging perpekto

ang kanilang buhay. Sa katunayan, marami sa mga OFW na may residence permit na

sa ibang bansa ngunit naghihirap pa rin dahil hindi madali ang pagkita ng pera sa ibang

bansa. Hindi ibig sabihin na kung naninirahan sila sa ibang bansa, matiwasay na ang

kanilang buhay doon. Marami pa rin sa kanila ang nahihirapang makasustento sa pag-

araw-araw na pangangailangan at mapanatili ang matibay na relasyon sa pamilya.

Kaya naman, nagpupursigi pa rin sila kahit residente na sa ibang bansa, upang

mabuhay sa ibang bansa kasama man o hindi ang kanialang mga pamilya.

Edward: “You see what he’s doing right now? He’s mixing drinks when he

should’ve been mixing `medicine. He could’ve been a doctor or store

manager. But no! No! He threw everything away and messed up in the

States just to be with a girl. A girl!”

Ethan: “Galing talaga mag-English ng kapatid ko pag lasing. Matalino to

eh.”

Edward: “Ako talaga kuya! Mas mabait, mas matalino, mas masunurin, mas

bata pero mas may direksyon ang buhay tas hinding iiwan mas hindi
sinayang lahat ng pinaghirapan nila papa para lang mapunta kami dito mas

iniisip ang nararamdaman ni papa mas nag-alaga kay papa mas gumawa

ng paraan para matupad ang pangako mo sa kapatid natin. Eh ikaw? Mas

patapon ka!”

Hindi madaling mag-aral habang may inaalagaan kang may sakit kaya labis na

lang ang sama ng loob ni Edward sa kanyang kuya nang iniwan sila nito para lamang

sa isang babae. Si Ethan ang panganay at imbis na makatulong, dumagdag pa siya sa

perwisyo dahil si Edward ang nag bayad ng kanyang mga utang noong pumunta siya

sa Amerika at hindi niya rin natupad ang kanyang pangako na dadalhin niya ang

kanyang kapatid sa Hong Kong noon lalong lalo na ilang taon nalang at magiging

residente na siya sa Hongkong na pangarap nila noon pa man ng kanilang pamilya

kaya labis ang pagkamuhi ni Edward kay Ethan dahil sa pagkakamali niya.

Tulad ni Edward, may mga OFW na inaalagaan ang may sakit nilang pamilya

habang nag- aaral pa sila. Hindi man ito madali ngunit ang ginampanan nila ito para sa

kanilang pangarap at pamilya. Kahit na sobrang pagod at gusto na nilang sumuko,

tinitiis nila ito dahil ang bawat pawis na tumutulo sa kanilang katawan ay ang

magsisilbing pag-asa sa kanilang pagkamit ng kanilang mga pangarap at pamilya.

Marami sa mga OFW ang hindi nakapokus sa iisang trabaho lamang. Ang iba

ay may inaasikaso din na dapat nilang pagtuunan ng pansin kagaya na lamang kung

mayroon silang kasamang may sakit sa ibang bansa. Obligasyon nilang alagaan ang

may sakit. Kaya naman, kahit pabigat ito sa pagtrabaho nila sa ibang bansa o sagabal

ito sa pagkamit ng kanilang pangarap, hindi nia ito dapat isawalang-bahala dahil

responsibilidad nila ang kalusugan ng kahit na sinong myembro sa pamilya. Ano man
ang mangyari sa mga myembro sa pamilya, sila ang mananagot nito. Nararapat na

gampanan din nila ito kasabay ng pagtatrabaho nila upang kumita sa ibang bansa.

“Ayaw ko ate nalulungkot ako doon.”

“Ate, uuwi na ako sa Pilipinas hindi talaga ako para sa Hongkong”

“Ate ,lumayas ako sa aking mga amo”

“Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kaya lumayas na lang ako”

Mayroong mga OFW na kagaya ni Mary Dale, labis na nalulungkot sapagkat

hindi niya gusto ang kaniyang trabaho, pero tulad ng pinsan niyang si Joy ay pumayag

pa rin siyang maging Dh pero hindi nagtagal ay talaga na kayanan ni Mary Dale na

mamalagi sa Hongong dahil hindi siya sanay na mamuhay doon at laging lungkot

nalang ang nararamdaman niya.

Gaya din ni Joy, underemployed din si Mary Dale pagdating sa Hong Kong.

Nakapagtapos siya ng Education sa Pilipinas pero hindi naging guro sa Hong Kong at

sa halip ay naging Domestic Helper. Parehong may mga pangarap na hindi nakamtan

dahil sa kakapusan sa buhay. Mahirap at masakit kung iisipin ngunit kinakailangang

itaguyod ang pamilya sa Pilipinas.

` “Uuwi ako, tapos ano? nga nga.”

Pagiging isang OFW ay isang mahirap na trabaho kaya kapag ang iyong mahal

sa buhay ay nagpilit na umuwi o may naging pabiya ay mas lalong mahirap ang

kanilang pagkalayo sa pamilya. Sa pelikulang Hello Love, Goodbye ay ang salamin ng

mga kapighatian ng mga Pilipino, katulad ni Sally, pinapauwi na siya ng kaniyang

Asawa ngunit dahil sa kanilang pangangailangan ay hindi niya magawa kahit na

gustong gusto na niyang umuwi. Dahil sa pangangailangan sa buhay ay nagagawa ng


mga OFW ang mga bagay na hindi nila ginugusto Kaakibat ng pagkita sa ibang bansa

ay ang pagkawalay sa pamilya.

Ayon sa PhilStar, kilala ang pamilyang Pilipino sa pagiging malapit sa isa’t isa, at

para mawalay ang isang OFW sa kanyang pamilya ay talaga namang matindi ang

emosyonal na epekto. Mahirap at nakalulungkot na hindi niya nababantayan ang

paglaki ng kanyang mga anak, lalo pa’t absent ito sa mga milestones tulad ng mga

birthday, reunion at graduation.

Ang bawat OFW ay may iba’t-ibang kuwento pero tila lahit sila ay may

magkakatulad na kadahilanan kung bakit sila ay napipilitang mangibang bansa at ito ay

upang makamit ang mga pansariling mithiin at matulungan ang mga mahal sa buhay.

Pangrap at Pamilya ang nag-udyok sa kanila na mag pursigi at labanan lahat ng pagod

at pagsubok na nararanasan nila sa laro ng buhay.

Pinapakita ng mga tauhan ang iba’t ibang sakripsyo nang OFW na

naglagay sa kanila sa isang sitwasyon na hindi nila ginusto, sinasalamin ito ni Edward

na nagtratrabaho kahit na nagaaral dahil ang kaniyang kuya na si Ethan ay naging

pabaya dahil sa isang babae pero bumabawi na si Ethan sa kaniyang pamilya, nagsisi

na siya sa nagawang pagkakamali.

Kahit na ang mga OFW ay malayo bumabawi parin sila sa kanilang mga pamilya

upang hindi malayo ang loob nito sa kanila, ginagawa nila ang lahat ng mga posibleng

upang hindi lang malayo ang loob ng pamilya lalong lalo na sa kanilang mga anak.

Binibigya nila ito ng mga regalo o hindi kaya ay binibigyan ng pera para sa kanilang

mga gusto.
Hindi biro ang lahat ng ginagawa ng mga mahal nating OFW—ang bawat

pakikipagsapalaran ay laging may kasamang hirap at pagsubok.

Ayon sa isang artikulo ni Dizon, walang madali sa pagtatrabaho upang kumita. At

mas lalong hindi ito madali kung gagawin sa ibang bansa dahil mga mga hamon na

dapat lagpasan ang mga OFW kabilang na dito ang malayo sa pamilya at ang

pagkasira nito dito natin makikita kung ano ang mga kayang gawin ng mga OFW para

sa kanilang mga pamilya. Nagsisikap sila upang makabawi sila sa kanilang mga anak,

nagtratrabaho kahit na hirap na hirap na sila at lalong lalo na ang paiinda nila sa

emosyon dahil malayo sila sa pamilya dahil dito tinawag sila na Bagong Bayani.

Nagbibigay ito ng ideya na mahirap ang mga nararanasan ng mga OFW sa

ibang bansa sapagkat iniisip ang makamit ang sariling hangarin kasabay ang

pagtaguyod ng kanilang pamilya kaya sa kabila ng mga kalungkutan at pighati ay

nagiging motibasyon ito sa araw-araw nilang trabaho. Kaya minsan ay nahahati sila sa

kung ano ang uunahin nila, ang kanilang sarili o ang kanilang pamilya.

You might also like