You are on page 1of 1

Excel George Caroline A.

Mandac
BS Arch 1B

Fighting the Invisible

Mayroong iba't ibang krisis na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Isa sa mga ito ay ang
laganap ngayon na corona virus disease 2019 o mas kilala sa tawag na COVID-19. Ang naturang
virus ay mahahalintulad sa SARS o MERSCOV na kumalat rin ilang taon na ang nakakalipas. Ito
ay unang lumaganap sa Wuhan, China na umaabot ngayon sa halos buong mundo kabilang na
ang ating bansa, ang Pilipinas.

Ang COVID-19 pandemic ang aking napili sapagkat ito'y napapanahon. Ang naturang pandemic
ay hindi biro dahil ilang buhay na ang nawala at marami paring humaharap sa kalaban na hindi
nakikita. Walang pinipiling tao ang naturang virus matanda, bata, o kahit sanggol pwede nitong
kapitan. Ayon sa research, aabutin ng isang taon bago makagawa ng gamot o vaccine para
COVID-19. Ang solusyon para sa akin ay dapat lahat tayong mamamayan ay makiisa sa
gobyerno. Nawa'y magkaroon tayo ng disiplina sa sarili at sundin ang utos ng mga eksperto
sapagkat sila ang may alam kung paano ito mapabagal ang pagdami. Sa pamamagitan nito
maaring mawala ang naturang virus sa mabilis na panahon.

Ang krisis na ating kinakaharap ngayon ay hindi na naiba sa mga krisis na ating hinarap noon.
Nalagpasan natin ang iba kaya't malalagpasin rin natin ito, kailangan lang natin magtiwala sa
Maykapal. Ang paghugas ng kamay, pag iwas sa matataong lugar at pagsuot ng takip sa mukha
ay ilan lamang sa mga simpleng bagay na dapat nating gawin. Ngunit, ang pinakaimportante sa
lahat, nararapat din na mayroon tayong disiplina sa sarili at tiwala sa mga nakatataas dahil sila
ang may mas malawak na koneksyon sa mga ekspertong lumalaban sa COVID-19. Kaya't ating
nang simulan sa sariling disiplina para COVID-19 ay mawala na.

You might also like