You are on page 1of 3

Ano ang Alamat, Mga Elemento, Bahagi, at

Halimbawa ng Alamat

Ano ang Alamat?


Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng panitikan na
naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga
tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Ito ay kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa
ating mga ninuno.
Katulad ng Maikling Kwento at mga Pabula, ang mga alamat ay kinapupulutan
din ng aral na sumasalamin sa kultura ng isang bayang pinagmulan.

Mga Elemento ng Alamat


Ito ay may pitong elemento. Basahin ang mga sumusunod:

1. Tauhan

Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan
ng bawat isa.

2. Tagpuan

Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente,


gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.

3. Saglit na kasiglahan

Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot


sa suliranin.

4. Tunggalian

Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng


pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa
sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
5. Kasukdulan

Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng


pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

6. Kakalasan

Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento


mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

7. Katapusan

Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring


masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Mga Bahagi ng Alamat


Dito ay may tatlong mga bahagi: ang Simula, Gitna, at Wakas.

1. Simula

Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga


gumaganap sa kwento at ano ang papel na kanilang ginagampanan. Maging
ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng insidente ay
inilalarawan din sa simula.

2. Gitna

Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng


kwento. Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhan. Ang tunggalian ay nagsasaad ng pakikipagtunggali o
pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang kasukdulan ay ang bahaging
nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.

3. Wakas

Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.


Alamat ng Alamat
Mga Tauhan:
 Mayamang Matanda
 Selina
 Lando
 Mga Dukha sa ibaba ng kabundukan

Isang araw, may mag-amang nakatira sa kabundukan.


Mayaman ang ama at mayroon siyang anak na si Selina.
Hindi lubos maisip ni Selina ang ugaling mayroon ang
kanyang ama. Napakamaraming manliligaw ang kanyang
anak ngunit ang tanging nagustuhan niya ay ang dukhang si
Lando. Hindi ito nagustuhan ng kanyang am kaya pinalayas
siSelina at Lando. Isang arw,naisipan ng magkasintahan na
magtanan upang malayo sa amang ubod ng sama. May
dumating na isang napakalas na bagyo, bumaha at naisipan
niSelina na doon muna sila mananatili sa kanilang tahanan,
ngunit hindi ito pinahintulutan ng kanyang ama. Namatay
lahat ng mga tao at tanging ang matapobreng ama nalang ni
selina ang natira. Naisipang magpakamatay ng ama ni
Selina ngunit hindi ito nangyari. Bilang parusa, igagawa
niya niyang ALAMAT ang mga bagay-bagay na nakapaligid
Sakanya.

You might also like