You are on page 1of 1

DRAFT (Literary Magazine)

Name: Angel Anne G. Floresca Date of Submission: 10/26/2020


Section: 11 HUMSS 6 Teacher: Mr. Benjamin C. Villarico

Genre: Poetry

Idaan sa dasal
Araw-araw nalang pero bakit patuloy na sinisisi,
mga problemang wala naman kinalaman.
Ako'y sawang sawa na sa lahat ng bagay na pagkukumpara niyo sakin,
Kaya naiisip nalang na maglaho ng parang bula.
Palibhasa walang may gusto na magbibigay ng payong
sanhi ng walang katapusan na pag-ulan.

Sa bawat salitang gustong bigkasin ng mga labing ito


lagi nalang sinasarado ang pinto.
Bakit kinandado ang pilit nang binubuksan,
maski ang ninanais lang naman ay lumaya sa mga tanikala na nakapaloob sa kamay.
Sa mga salitang nais bigkasin, laging tugon nalang ay ang na magdasal sa diyos ang kalumbayan
nararamdaman upang ito'y mawala.
Sana'y alam niyo na kasingtulad niyo lang ng diyos pag ako'y may hiling,
ni isa sainyo walang bukambibig sa aking hapis na nararamdaman.

You might also like