You are on page 1of 2

To our energetic, handsome and robust school head Mr.

Ranillo Gamutan, to our kind and beautiful


Barangay Captain Mrs. Eva Timban, to our comfirming officer my co-educators, barangay officials,
guest, parents, graduates, and students’ a pleasant morning to all.
Ang araw na ito ay isa nanamang makabuluhang araw sa ating pinakamamahal na paaralan ang Lourdes
Integrated School. ngunit Bago ako magpatuloy sa aking pagsasalita pwede ba nating bigyan ng
masigabong palakpakan na mayroon hiyawan ang ating mga mag-aaral na magtatapos ngayong araw sa
kanilang Junior High School, sunod Palakpakan din natin ang ating mga magulang na siyang nagtaguyod
at nagbuhis ng pawis para mapatapos ang kanilang mga pinakamamahal na mga anak, palakpakan din
natin ang ating mga guro kung saan inilaan nila halos lahat nang kanilang panahon sa pagtuturo para
masigurong mayroon kayong matututunan para maging sandata sa pagharap sa hamon ng buhay. At higit
sa lahat palakpakan din natin ang ating poong maykapal na siyang nagpahiram sa atin ng buhay upang
maranasan natin maging isang nilalang sa mundong ibabaw.
Hayaan niyo, hindi ako magtatagal sa inyong harapan, kay basin sumo na kaayo kog nawong nohhhh?
Magsasalita lang ako dito nang limang minuto at dalawang oras, payag ba kayo?
Sa araw na ito ang tema ng ating Moving up Ceremony ay nagsasaad na Unity in Diversity. Alam ninyo
bago ko tinanggap na maging speaker sa araw na ito tiningnan Ko muna kung ano ang tema sa Moving
up na ito noong una hindi ko masyadong naaninaw at naiintindihan ang mga katagang Unity in Diversity
dahil noong kabataan ko alam ng karamihan sa atin dito ako ay isang taong mahiyain at hindi gaanong
palakaibigan nasanay kasi ako na sa bahay lang palagi at nagtatago sa loob ng aking silid. Kahit pista man
o may mahalagang okasyon sa amin ay hindi ako lumalabas dahil ako ay mahiyain at baka ayaw ng mga
tao sa akin. Ang lagi kong mga kalaro ay ang mga teddy bear at unan na siya g kinakausap ko dahil sa
palagay ko sa kanila ko nahanap ang kaibigan na hindi ako sasaktan. lumaki din kasi ako na hindi ko
gaanong kasama ang aking mga magulang ang mama ko ay isa ding guro na nana-assign sa malayong
lugar ang papa ko naman ay isang opisyal ng gobyerno kaya minsan naiiwan akong mag-isa sa bahay.
Nang maghayskul naman nag-aaral ako sa Guinoyuran National High School doon ko naiintindihan na
totoo pala ang kasabihan na “No man is an island” na kailangan kung makibagay at makisalamuha sa
aking mga kaklase upang mapagpatuloy .ko ang aking buhay. Noong una nahihirapan ako dahil akala ko
ang tingin nila sa akin ay salbahe at hindi palakaibigan kasi nasaisip nila na madali lang akong magalit.
Ngunit nang mag-iisang buwan na ako doon Sinubukan kung maging malapit sa kanila at kalaunan nga ay
nagging matalik kaming kaibigan. Sila ang kasa-kasama ko sa halos lahat ng bagay sa pagliban sa klase
upang manood ng Miss Universe at Finals ng NBA , sa Pangunguha ng manga at Star Apple sa
pakikipagtsismisan, sa pakikipag-away, sa pangungpya minsan. Ngunit kadalasan nag-aaral din naman
kami. At higit sa lahat sila ang dumaramay sa akin kapag mayroong problema sa pamilya, sa paaralan, at
higit sa lahat sa buhay pag-ibig. nagbibigay sila ng mga payo upang magaan-gaan ang dinadala kung
problema na kahit magkakaiba kami ng paniniwala at kultura na kinabibilangan naiintindihan naming ang
isa’t-isa. hanggang magtapos kami ng pag-aaral baon pa rin naming ang mga alaala at masasayang mga
karanasan na ginamit namin para kami magtagumpay.
Kaya ngayon mga minamahal kung magtatapos ng ika sampung baitang lagi nenyong tatandaan na para
makamit natin an gating mga inaasam na tagumpay hayaan nating ang ating mga karanasan kasama ang
mga taong nagbigay sa atin ng inspirasyon ay maging gabay sa mga darating na mga pagsubok. Natapos
na nenyo ang mahigit sampung taon ng edukasyon sa elementarya at sa junior high kaya naman
siguraduhin ninyo na sa susunod na hakbang sa inyong pag-aaral ay mas lalo pa ninyong ipakita ang
inyong galling at buong husay ninyong tapusin ang inyong pag-aaral kahit sa anumang pagsubok na
darating sa inyong buhay.
Alam ko na sasusunod na yugto na ating pag-aaral ay hindi na madali dahil Senior High School na kayo
mahirap na mga research ang ating sasalubungin,panibagong antas ng matematika ang susubukin nating
bigyan ng solusyon nandiyan pa ang agham na kailangan nating saulohin ang mga scientific name at
kilalanin ang mga iba’t ibang species na nakikita natin. Pagkatapos haharapn pa nenyo ang mga
nakakatakot na mga panel ng mga hurado na magtatanong tungkol sa inyong pag-aaral. Lahat ng ito ay
hindi madali ngunit huwag sana natin itong gawing hadlang upang hindi tayo magpatuloy sa ating mga
pangarap sa buhay gawin nating makabuluhan ang mga susunod na mga taon sa pamamagitan ng
pakikisalamuha at pagtutulungan ng mga taong nakapalgid sa atin. Iba’t iba man ang ating
pinanggalingan at maaring magkakaiba ang ating mga paniniwala kailangan tayong magtulungan upang
umusad at magtagumpay.
Bago ko tapusin ang mensaheng ito hayaan niyo muna akong magbigay nang hamon, Huwag sana ang
takot at pagiging makasarili ang maghari sa bawat puso ipakita nenyo ang tunay na kayo at makibagay sa
mga taong nakapalibot sa inyo. sana din sa susunod sa sampung taon na magkasalubong tayo sa daan o
kahit saan, makikita ko sana kayong matagumpay at puno nang pag-asa sa buhay.
Hanggang Dito na lamang Congratulations and God bless!

You might also like