You are on page 1of 19

DISKURSO

Mga Batayang Kaalaman sa Diskurso at


Pagdidiskurso
Kahulugan ng
Diskurso
• Tawag sa paggamit ng wika
bilang paraan ng pagpapahatid
ng mensahe.

• Berbal na komunikasyon tulad


ng kumbersasyon.

• Pormal o sistematikong
eksaminasyon ng isang paksa na
ginagamit ang anyo ng diskurso
ang pasalita at pasulat.

• Kapareho ng Komunikasyon.

Noah Webster • Halimbawa:

• Disertasyon tulad ng mga


sanaysay, panayam, artikulo ,
pagtatalumpati, pasalaysay , at
iba pa.
Dalawang anyo ng
Diskurso
Dalawang anyo ng diskurso
1. Pasulat - mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa
kanyang kakayahang pangwika upang matiyak na
malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang
kanyang mensahe dahil maaaring maging iba ang
pakaunawa ng tatanggap nito. Ngunit sa pagsulat,
mayroon ding mga salik na dapat isaalang-alang tulad ng
anyo ng sulatin o format, uri ng papel at iba pa.
Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito ay nakasulat.
maaaring ikapahiya o di kaya ay maging ugat ng gulo.

2. Pananalita - mahalaga ang kakayahang pangwika sa


pakikipag-usap ngunit minsan ay naaapektohan ang
kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang
sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t
mahalaga rin ang kakayahang komunikatibo. Dapat na
iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa
taong kausap upang makamit ang layunin.
Layunin ng Diskurso
Mga Layunin ng Diskurso
•Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang
maging sila ay maranasan din ang naranasan ng manunulat

•Pagbibigay ng malinaw ng imahe ng isang tao, bagay, pook,


damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon o
kakintalan

•Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig

•Makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag


ng isang isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng
mambabasa o tagapagkinig.
Kahalagahan ng
Diskurso
Kahalagahan ng Diskurso
At Pagdidiskurso

•Ang diskurso ay fanksyunal sapagkat sa


pamamagitan nito ay nagkakaroon ng
ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at
tagapakinig, at ng manunulat at
mambabasa.

•Sa pamamagitan ng diskurso


nakapaparating ng mensahe ng isang tao
sa kanyang kapwa upang siya ay
lubusang maunawaan.
Elemento ng
Diskurso
Mga Elemento ng Diskurso

1. Nilalaman
• May pagbatid o mahalagang mensahe
• May mahalagang impormasyon
• May kaalamang mapapakinabang
• Makalilibang

2. Pananalita
• Madaling maunawaan
• May tatlong bagay na makatutulong upang
madaling maunawaan ng isang pahayag
• Maraming gumagamit ng mga salitang may
tiyak na kahulugan
Apat na Paraan ng
Pagdidiskurso
4 na paraan ng pagdidiskurso
Pasasalaysay/Narativ - pangungusap na naglalahad ng isang
katotohanang bagay. Dapat bigyan ng katuturan ang
sinasabi.

Paglalahad/Ekspositori- ay isang anyo ng pagpapahayag na


naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan,
bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng
nakikinig o bumabasa

Pangngangatwiran/Argumentatib- may layuning


manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng
makatwirang mga pananalita. Kailangan na maging masuri at
naayon.

Paglalarawan/Deskriptiv - isang anyo ng diskurso na


nagpapahayag ng sapat na na detalye o katangian ng isang
tao, bagay, pook o damdamin upang ang isang mambabasa
ay makalikha ng isang larawan na aayon sa inilalarawan
pasalaysay
Uri ng pasalaysay:

a) Pasalaysay na totoo – base sa tumpaktiyak at tunay na


mga pangyayari.
b) Pagsasalaysay na likhang isip – kinabibilangan ng mga
mito, pabula, parabola, maikling kwento at nobela.

Kasangkapan sa pagsasalaysay:

a) Tema
b) Tauhan
c) Pangyayari
d) Tagpuan
Paglalahad
Mga Bahagi ng paglalahad:

1. Simula – ang simula ng pahayag

2. Katawan – ang nilalaman ng pahayag

3. Wakas – maaring buod, tanong, panghuhula sa maaring


mangyayari, pagsariwa sa suliraning binanggit sa simula,
pagamit ng kasabihan angkop sa akda.
Pangangatwiran
Dalawang uri ng pangangatwiran:

1.Pabuod o inductive method


- Sinisimulan ito sa partikular na pangyayari, katotohanan
o kalagayan at tinatapos sa isang katotohanang
pangkalahatan sapagkat dinaraan muna sa iba’t – ibang
obserbasyon at paulit – ulit na eksperimentasyon at
pagsusuring bago ang paglalahad kapag narating na ang
katotohanan o prinsipyo.

2. Silohismo o deductive method


- Pangangatwiran na lohikal kung maghayag ng
katotohanan;panghahawakan muna ang isang
pangunahing Batayan, saka susundan ng pangalawang
batayan at dito ngayon ibabase ang konklusyon
paglalarawan
Uri ng pag lalarawan:

1. Pangkaraniwang paglalarawan – nagbibigay lamang ng


tamang kabitiran sa inilalarawan. Ginagamit dito ang
pangkaraniwang na paglalarawan gaya ng maganda,
maayos, malinis at iba pa.

2. Masining na paglalarawan – ang guni – guni ng


bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang
buhay na buhya na larawan.

3. Abstrak na paglalarawan – gumagamit ng di – literal na


paglalarawan; inaaniban ito ng mga idyomatikong
paglalarawan. Sangkot ang sariling damdamin ng
sumusulat at gumagamit ng mga tayuytay sa ganitong
uri ng paglalarawam.
Salamat po sa
Pakikinig!

You might also like