You are on page 1of 5

Pagsasabaybayin ng Abakadang Filipino

bilang Kasangkapan sa Pagkatuto ng mga


Estudyante sa Elementarya
I. ABSTRAK

Ang sariling atin ay nagmula sa ating mga ninuno, kung saan nilikha nila ang ating
palatitikan,ito ay tinawag na Baybayin. Kung kaya ginawa ito at nagkaroon ng aprubadong batas
na nagdedeklara na ito ang pambansang sistema ng pagsulat. Ang proyektong ito ay may
pangunahing layunin na maibahagi sa mga estudyanteng nasa antas elementarya ang
ABAKAdang Filipino na nakasabaybayin. Sa pamaraan ng pagbabahagi ng aklat na mayroon
nang nilalaman tungkol sa ABAKADA at mayroong katumbas na pagkasulat sa Baybayin.

Titiyakin na sa proyektong ito maihihikayat magkaroon ng malawak na kamalayan ang


mga nababatang mga indibidwal ukol sa sariling wika. Ang pagbabahagi at pagtuturo sa mga
napiling estudyante ay isasagawa sa kani-kanilang silid-aralan sa petsa ng (date). Maglalaan ng
(PhP) para sa mga lapis at kwaderno na ipamimigay sa mga batang nakilahok sa pakikinig at
aktibidad.

II. KONTEKSTO

Ayon sa PBWORKS, mayroon nang sariling palatitikan ang ating mga ninuno kung saan
ito ay ang Alibata o Baybayin na binubuo ng labing-apat na katinig at tatlong patinig. Ngunit
pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romaano noong dumating sila dito sa Pilipinas noong
Dantaong labing 16.

Noong Disyembre 30, 1937, ipinroklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog
ang magiging batayan ng Wikang Pambansa at noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng
Wikang pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Ayon sa PBWORKS, binuo ni Lope K. Santos ang Abakada na mayroong dalawampung


titik: A B K D E G H I L M N NG O P R S T U W at Y noong taong 1940.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi na natin naibalik o naipayaman ang paggamit ng
ating sariling palatitikan na Baybayin. Hindi na natin ito madalas makikita sa aspeto ng politika o
kung ano mang karaniwan na ating makikita sa kasalukuyang panahon.

Ayon sa Baybayin Buhayin, ang baybayin ay parte ng isang mga kulturang pamana at
kayamanan na magsisilbi bilang ating pambansang pagkakakilanlan, at kasangkapan sa pag-iisa
natin bilang mga tao. Makakatulong din ito sa pagtanim ng pagkamakabayan ng ating mga
mamamayan lalo na ang ating mga kabataan.

Iba’t ibang paraan na ang mayroon sa pagtuturo ng Abakadang Filipino, gaya ng


ABAKADA Original Alpabetong Pilipino ng tsanel na Pinoy Babies and Kids Channel sa
YouTube o isang bidyo na nagtuturo ng Abakadang Filipino, o sa isang printed na libro naman
gaya ng Ang Aking Abakada: Katon-Kartilla ni Salud R. Enriquez. Ngunit, base sa aming
paghahanap sa Internet, wala kaming nahanap na paraan na nagtuturo ng Abakadang Filipino na
nasa palatitikang Baybayin.

Para sa sanligang politikal naman, ayon sa GMA news (Ika-2 ng Setyembre, 2015)
ipinanukala ni na Sen. Loren Legarda ang Baybayin Act kung saan ilalim nito, ipag-uutos na ang
lahat ng pampublikong ahensya ng gobyerno. Ngunit sa ngayon, mistulang parang hindi naman
naisatupad ang Baybayin Act na ito at kung sakaling ipinatupad talaga ito, maaaring makatulong
ito sa pag-aalala at pagkilala muli ng mga Pilipino sa ating sinaunang palatitikang Baybayin.

III. SULIRANIN

Mayroon nang naaprubahang batas sa kongreso na nagdedeklara na gawin ang Baybayin


bilang pambansang sistema ng pagsulat sa Pilipinas. Nakapaloob dito na dapat mabigyan ng
proteksyon, pangangalaga, at promosyon ang pagsulat at paggamit ng Baybayin sa mga
produktong pagkain, sa mga dyaryo at magasin, at sa mga pangalan ng ahensiya ng pamahalaan.
Suportado ito ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at ng Pambansang Komisyon para sa
Kultura at Sining. Itinuturi rin itong pambansang kultural na kayaman. Ngunit sa kabila ng lahat
ng ito, hindi pa rin naituturo at naipaiintindi sa mga estudyante ng elemetarya ang pagsusulat at
pagbabasa ng Baybayin hindi tulad ng ABAKADA.

IV. PRIORIDAD NG PANGANGAILANGAN

Kailangan ang pagaaral ng baybayin simula sa pagkabata upang maipreserba natin ang
ating tradisyonal na sistema ng pagsusulat. Maliban dito, makakatulong ito upang mabigyan tayo
ng sariling sistema ng pagsusulat, at makikita ito bilang isang natatanging pagsusulat para sa
atin. Gayon din, binibigay din nito ang pagdugtong ng sarili natin tungo sa ating kultura bilang
Pilipino
V. INTERBENSYON

Ang mga mananaliksik ay magiging kasangkapan upang makapagbigay kaalaman sa mga


estudyante ng elementarya kung papaano magbaybay ng ABAKADA. Upang maisagawa ito ay
kakailanganin munang matutunan ng mga mananaliksik kung papaano ito gagawin. Ang mga
mananaliksik ay makikiisa sa pagkatuto upang buo ang kaalamang maibibigay nila sa mga mag
aaral ng elementarya. Bago makapagbigay kaalaman ang mga mananaliksik ay kailangan muna
nilang maintindihan ang mga panuntunin sa pagbabaybay, kahalagahan ng mga titik, mga hiram
na salita atbp.

VI. MAG-IIMPLEMENTANG ORGANISASYON

Base sa panukalang proyekto na isinubmita ng unang pangkat sa klaseng Filipino sa


Epektibong Komunikasyong Pampropesyunal, sila na din ang naatasang magsagawa ng
proyektong ito. Masasabing magiging epektibo ito dahil sa paghahalo – halo ng kanikanilang
ideya base sa kanilang pananaliksik sa nasabing topic. Masasabi din na lubusang may kakayahan
ang grupo na magsagawa dito dahil may kakayahan sila na mag salita sa pamamagitan ng
pagturo sa harap ng maraming audience. Sa pagpapabisa at paggabay ng aming minamahal na
dalubguro, maisasagawa na ito ng maayos at tama. Sa tulong ng programang ito, maraming mga
bata ang matututo sa mga ibat ibang baybayin sa ABAKADA.

IV. LAYUNIN

Bakit hindi natin kilatisin at muling pag bigyan ng pansin ang skriptong halos
nakakalimutan ng marami. Ang layunin ng proyektong ito ay maipamahagi ang nalalaman ng
mga estudyante ng Unibersidad ng Mapua sa skriptong Baybayin. Sa panahon ngayon mas
binibigyan ng pansin ng pamahalaan ang pag-aaral ng mga wikang ng ibang bansa gaya ng
Hangul na ang alphabeto ng mga Koreano. Bakit hindi nalang ito ang ituro sa mga estudyante;
ito’y malapit pa saating kultura at tradisyon imbis na mga banyagang alphabet ang mga
ginagamit at binabasa. Ang Baybayin ay isang skriptong mayaman sa kasaysayan at katangi-
tangi na nararapat na kilalanin at ibahagi.
V. TARGET AT BENEPISYARYO

Ang target na benepisyaryo ng proyektong ito ay ang lahat ng mamayang Pilipino at ng


iba pang gustong aralin ito pero ang proyektong ito ay magpopokus sa mga kabataang nasa
elementarya sapagkat mas madali itong matuturo sa mga bata habang pinag-aaralan nila ang
pagsusulat ng mga ingles na titik at sa pagbabasa dahil ang pag-aaral ng baybayin ay kasing dali
din naman ng dalawang ito. Ang Baybayin ay dapat mahalin at mapahalagahan dapat ng mga
Pilipino sa simula palang ng mga taon ng pag-aaral nila.

VI. PAGMOMONITOR AT PAGEBALWASYON

Ang mga studyante mula sa Mapua University na siya ring tagapangasiwa at


magsasagawa ng proyekto ay magsasagawa ng monitoring at ebalwasyon. Batay sa masusing
paguusap, minu-minnuto ang nasabing oras sa pagmomonitor sa isinasagawang proyekto upang
masiguro ang kaayusan at kagandahan ng takbo ng proyekto. Ang ebalwasyon na ito dahil
makikita ditto ang mga progreso at mga resulta, pati na rin ang mga posibleng aksyon na
kinakailangan para sa mga magsagawa ng katulad na proyekto.

You might also like