You are on page 1of 1

"Depression, SUICIDE"

Repleksiyon ni: Clarissa Guiang.

Ang sadyang pagkitil o pagpatay sa sarili dahil sa ayaw ng mabuhay ay tinatawag na suicide. Bakit nga ba
nagtatangka ang isang tao na magsuicide? Ito ay dahil ang pagsusuicide lang ang naiisip nilang paraan
upang matakasan at mawakasan ang kanilang paghihirap o problemang kanilang kinakaharap. Nginit hindi
solusiyon ang pagpapakamatay dahil lumilikha lamang ito ng karagdagang problem sa naiwang pamilya.
Pag-isipang mabuti ang iyong mga desisiyon sa buhay lalo na kung alam mong mali ito at kung alam mong
magkakasala ka sa diyos ay huwag mo na itong ituloy pa.

Ang isa sa mga pangunahing dahilan o naguudyok sa isang tao upang magpatiwakal ay ang depression.
Ngunit ano nga ba ang sanhi ng depression? Dito na pumapasok ang mga problema sa pamilya, kaibigan,
kaklase, mga taong nakapaligid at lalong lalo na sa mga taong mapanghusga o sa madaling salita ay ang mga
bullies. Hindi sa lahat ng oras ay nakakatuwa ang jokes, minsan kasi nakakasakit narin ng damdamin at
minsan hindi mo na napapansin sa sarili mo kung nagjojoke ka lang ba talaga o nang-iinsulto ka na? Sabi
nga sa nabasa kong post sa facebook, "You can joke about anything but not about person's physical
appearance, skin color, virginity, culture, nationality, grammar, passion, academic performance, sexual
orientation, mental health, sickness, insecurities, failed relationships, status in life, past, family and death.
Not only can it cause depression but also it can destroy their self confidence and it can push someone to end
their own life or commit suicide. Jokes are supposed to be entertaining, not degrading. You may think that
it's funny but your words can kill. Be sensitive".

Mga kabataan ngayon ay mga maramdamin na parang pinagsakluban na ng langit at lupa. Matuto tayong
tumangggang ng pagkatalo at pagbagsak, matuto rin tayong bumangon, maging open mindeed sa lahat at
baguhin natin ang mali nating pag-iisip. Hindi solusiyon ang pagkitil ng iyong sariling buhay, pag pagod kana
o feeling mo hindi mo na talaga kaya, hindi suicide ang sagot. Kung satingin mo/ninyong walang
nagmamahal sainyo, tandaan na meron ang diyos na siyang nagmamahal, gumagabay at hindi nakakalimot
saiyo basta magtiwala at manalig ka lang sakanya. Malalampasan mo rin ang mga problema mo kaya hwag
susuko, lumaban ka/kayo/tayo at hwag natin sayangin ang buhay na ibinigay saatin ng diyos. Mabuhay
tayong lahat ng may pagmamahal sa sarili, bago magmahal ng iba at alamin ang halaga ng sarili.

"Our WORST enemy is OURSELVES, but always remember that SUICIDE is NoT the KEY to ESCAPE from SADNESS and LONELINESS,"
_Clarissa Guiang.

You might also like