You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Justice
PROVINCIAL PROSECUTION OFFICE
HALL OF JUSTICE BUILDING
Daet, Camarines Norte

________________________
Complainant,
NPS-V-09-INV-2020I-00598
For: ATTEMPTED MURDER
-versus-

_________________________________,
Respondents.
x----------------------------------------------x

COMPLIANCE

COMES NOW, the accused, assisted by the Public Attorney’s


Office, thru the undersigned Public Attorney, most respectfully submit
their counter-affidavits in compliance with the Order of the Office of
the Provincial Prosecutor dated September 25, 2020 which was
received by the respondents on September 30, 2020, directing them to
submit their counter-affidavits and other evidence in support of their
defense.

Respectfully submitted.

Daet, Camarines Norte. October 6, 2020.

_______________________
Public Attorney I
Copy Furnished:

_______________________
P-1, Brgy. Pinagtigasan
Vinzons, Camarines Norte
Republika ng Pilipinas )
Lalawigan ng Camarines Norte ) S.S.
Bayan ng Daet )

SINUMPAANG KONTRA-SALAYSAY

AKO, si _______________________________, 57 na taong gulang,


may asawa, at kasalukuyang naninirahan sa Purok 1, Brgy.
Pinagtigasan, Vinzons, Camarines Norte, matapos manumpa ng ayon
sa batas ay nagsasaad ng mga sumusunod:

1. Na ako rin si ________________________________ na isa sa mga


akusado sa kasong “ATTEMPTED MURDER” na ngayon ay
nakabinbin sa Office of the Provincial Prosecutor ng Camarines
Norte na may bilang NPS-V-09-INV-2020I-00598;

2. Na walang katotohanan ang mga paratang laban sa amin dahil


ang katotohanan ay ang mga sumusunod:

a. Na noong September 17, 2020 bandang alas tres y medya ng


hapon (3:30pm) habang ako ay nagpapasi o naglilinis ng bigas
sa likod ng aming bahay ay bigla kong narinig na sumigaw
ang anak kong babae na si Jinky (Jinky, for brevity);

b. Na dali-dali akong pumasok sa aming bahay upang alamin


ang dahilan ng pagsigaw ni Jinky at doon ay nakita ko si
Jaime (Jaime, for brevity) na galing sa loob ng aming bahay at
biglang tumakbo papalabas;

c. Na matapos makaalis ni Jaime ay tinanong ko ang aking anak


na si Jinky kung anu ang nangyari at sinabi niya sa akin na
habang natutulog siya ay pumasok si Jaime at hinawakan
siya sa maseselan na bahagi ng kanyang katawan kung kaya
siya ay nagising at nagsisigaw. Dahil sa kanyang pagsigaw at
ng ako ay pumasok sa loob ng bahay ay dali-dali na tumakbo
papalabas si Jaime;

d. Na bandang alas kuwatro ng hapon (4:00pm) noong araw ding


iyon ay muling bumalik si Jaime sa aming bahay at sa
pagkakataong ito ay may dala siyang itak at kutsilyo at
nagbanta na papatayin niya kaming mag-ama;

e. Na dahil sa pangyayari ay inireklamo namin sa barangay ang


mga ginawa sa amin ni Jaime at sa katunayan ay hindi pa
tapos ang aming usapin sa barangay;
f. Na ang lahat po ng insidente na nangyari sa pagitan namin ng
nagrereklamong si Jaime noong Septyembre 17, 2020 ng
hapon ay naganap sa aming bahay at hindi sa tindahan ni
Benjie na kanyang tinutukoy at walang ring katotohanan na
siya ay hinabol namin hanggang sa makarating sa bahay nila
Nancy sapagkat ang totoo ay kami lang ng aking anak na si
Jinky ang nasa bahay at wala noon ang aking mga anak na
lalaki na sina Jomar, Romel at Joshua;

g. Na marahil isinampa niya ang kasong ito laban sa aming mag-


aama upang kami ay kanyang gipitin at upang iurong namin
ang reklamo na nauna na naming isinampa sa Tanggapan ng
Barangay Pinagtigasan, Vinzons, Camarines Norte.

3. Na ang lahat ng nabanggit ko sa itaas ay ang siyang totoong mga


nangyari at pawang katotohanan lamang.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, ako ay lumagda ng aking


pangalan ngayong ika-6 ng Oktubre, 2020 dito sa Daet, Camarines
Norte.

________________________________________
May salaysay/Akusado

SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-6 ng


Oktubre, 2020 dito sa Daet, Camarines Norte.

________________________
Public Attorney I
Pursuant to RA 9406

CERTIFICATION

I HEREBY CERTIFY that I have personally examined the


affidavit/s and that I am fully satisfied that she/he/they voluntarily
executed and understood his/her/their affidavit.

_________________________
Public Attorney I

You might also like