You are on page 1of 1

Valentin, John Christian E.

BSA-2A
Dagdag Kalsada Bawas Traffic
Sa paggamit ng wikang Filipino, kailangan tahasan ang pag-bibigay ng ideya
patungkol sa partikular na paksa upang mag karoon ng marami at konkreto
ideya na makakatulong sa pag bubuo ng kabuuan na plano. Marami
nakasalalay sa pag kakaroon ng isang desisyon, dahil maaari maapektuhan
nito ang paraan ng pamumuhay ng bawat tao sa isang bansa kinabibilangan
nito.
Kung pagtutuunan ng pansin ang interview sa video na nabasa, ay mayroon
lamang itong isang paksa na binibigyan focus. Ang pag paparami ng Kalsada
upang mabawasan ang trapiko sa daan, sa kasalukuyan ang Maynila ay na
pangalawa sa pinaka matinding traffic. Na makikita dito ay parang usod
pagong ang mga sasakyan bumabagtas sa mga kalsada nito. Upang lubusan
na maunawaan kung ano ba talaga ang paksa pinag uusapan sa panayam, ay
gumamit sila ng wikang Filipino. Makikita rin dito ay mayroon iba’t ibang
pananaw ang mga tao ukol sa proyekto nabanggit, katulad nalang ng isang
participant na nag bigay ng kuro kuro hingil sa paksa at ang sabi niya ay, di
lang kailangan palawagin ang karsada, kundi magbigay narin ng displina sa
mga nag dridrive, katulad nalang sa sinabi niya na ang nga sasakyan lang na
pwede pumunta dito, o kung gaano lang kadami lang para malimitahan ang
bilang ng possibleng maging aksidente. Kapag natapos itong proyekto ay
tiyak na Malaki ang pag babago mang yayari sa pang araw araw na buhay
lalo na para sa mga nag tratrabaho, bumabagtas sa kalsada ng Maynila.
Kapag maluwag ang daanan ay makakarating ang mga Filipino sa mga
patutunguhan nila sa mas maaga o itikda na oras na mag reresulta sa pag lago
ng ekonomiya ng Pilipinas. Dahil ang trapik ay isang dahilan kung bakit
malaking pera ang nasasayang at nawawala kada taon.
Ang wika ay may layunin nap ag buklurin ang mga ideya ng mga tao, na
kung saan mapapabuti ang kanilang mga buhay. At dahil rin dito ay magiging
bukas ang lahat upang magbigay ng sa loobin o ideya patungkol sa proyekto
nabanggit.

You might also like