You are on page 1of 1

Ang Bayani ng Aking Buhay

Bayani, anim na letra pero sobra-sobrang pagbabago ang ihinahatid sa bawat

tao. Bawat isa sa atin ay may itinuturing na bayani na siyang tumutulong sa atin upang

maging mabuti at tuwid ang ating tinatahak na pamumuhay.

Para sa akin, tinuturing kong bayani ang aking mga magulang dahil kung wala

sila ay wala ako ngayon dito sa mundo. Sila ang nag-aruga sakin at sila ang una kong

guro. Tinuruan nila ako ng mabubuting asal at ginabayan ng mabuti upang hindi

matulad sa mga kabataan ngayon na nalulong sa mga bisyo tulad ng pag-inom ng alak

at paninigarilyo.

Utang ko sa aking mga magulang ang aking mga kaalaman sa buhay ngayon

dahil sila ang nagtanim ng mga ito sa aking puso’t isipan. Ginabayan nila ako sa aking

pag-aaral kaya babayaran ko pa ng sobra-sobra ang utang na loob ko sa kanila sa

pamamaraan ng pagtupad ng mga kahilingan nila na mas magpapabuti pa sa aming

buhay. Hindi ko sila pababayaan at aalagaan ko sila sa abot ng aking makakaya.

Ibibigay ko ang mga kailangan nila katulad ng pagbibigay nila ng mga kailangan ko

ngayon sa pang araw-araw na pamumuhay.

Lumipas man ang mga araw, ang kanilang pangaral sakin ay aking dadalhin

saan man ako mapunta dahil ito ang aking magiging sandata sa daang aking tatahakin,

You might also like