You are on page 1of 2

GOD’S LOVE WINS pt1: WHAT IS BIGOTRY?

------------------------------------------------------------------
Ngayong buwan ng Hunyo, maraming kapatid natin na miyembro ng LGBT+ ang nagdiriwang
ng Pride Month. Bilang mga Katoliko, alam natin na mayroong sinusulong ang karamihan sa
LGBT+ na taliwas sa ating pananampalataya tulad ng kanilang pananaw sa same-sex marriage.
Sa kasamaang palad, tuwing ipinapahayag natin ang ating opinyon, may mga nagsasabi na tayo
ay “bigot.” Kung hindi naman “bigot”, sasabihan tayo ng “homophobic.” Sa artikulong ito,
ipapaliwanag ko lang kung ano nga ba ang kahulugan ng mga salitang nabanggit, at kung angkop
nga ba sa atin ang mga ito.
.
Bigotry is defined as “the fact of having and expressing strong, UNREASONABLE BELIEFS
and DISLIKING other PEOPLE who have different beliefs or a different way of life [1]
[emphasis added].” Gusto ko lang bigyan ng pansin na ang “bigotry” ay nangangahulugan ng
pagkakaroon ng “unreasonable beliefs” at may pagkamuhi sa ibang tao. Ganito nga ba ang
Katoliko? Sa katotohanan, hindi po ganito ang iba dahil ang paniniwala na taliwas sa ideolohiya
ng LGBT+ ay base sa mga argumento tulad ng natural law [2]. Bukod pa dito, mahal ng
Simbahan ang mga miyembro ng LGBT+ kahit na may paniniwala sila na marahil ay iba sa
pinaniniwalaan namin. Hindi ako makakapag salita para sa iba, pero ang utos sa atin ni Kristo ay
magmahalan tayo tulad ng pagmamahal natin sa sarili.
.
Pagkatapos nating banggitin ang kahulugan ng bigotry, pumunta naman tayo sa “homophobia.”
Homophobia is defined as “a FEAR or DISLIKE of gay people [3] [emphasis added].” Kung
ang pagiging hindi makatwiran ang makikita sa “bigotry”, ang makikita naman sa “homophobia”
ay ang takot at pagkamuhi sa mga tao na may same-sex attraction. Ngunit, hindi naman tayo
natatakot sa kanila tulad ng iba na natatakot sa matataas na lugar o sa dugo. At, tulad ng
binanggit ko kanina, hindi tayo dapat magpakita ng pagkamuhi sa mga tao na may same-sex
attraction dahil minamahal natin sila.
.
Bakit ko nga ba ito sinasabi? Ito ay sa kadahilanan na mag mga pagkakataon kung saan may
isang tao na naghahayag ng opinyon na kontra sa pananaw ng mga taga-suporta ng same-sex
marriage, bigla na lang natin maririnig o makikita ang mga pro-LGBT na tatawagin ang isang tao
na “bigot” o “homophobic.” Tulad ng sa nababasa ninyo sa itaas, walang basehan ang paggamit
ng terminong ito. Bukod pa dito, may mga pagkakataon na nagiging defense mechanism pa ito
ng kabilang kampo. Hindi kasi maganda na dahil lang sa magkaiba ang ating mga pananaw, tayo
ay magbabatuhan ng mga personal na atake bukod pa sa hindi ito makakatulong sa papgitan ng
dalawang kampo.
.
Gayunpaman, mahalaga na malaman natin na kung minsan, o kadalasan, sinasabi iyon ng pro-
LGBT o pro-same-sex marriage dahil sa mga hindi magagandang karanasan nila tuwing
nakikipag-usap sila sa isang anti-same-sex marriage. May mga pagkakataon na sila ay inaasar sa
pamamagitan ng salitang “baklita” o kung ano pa man. Minsan, naririnig nila na sila ay hindi
tanggap sa Simbahan. May mga nagsasabi din na sila ay salot sa lipunan. Mga masasakit na
pananalita pa lamang ito, hindi pa kasama dito na tinatakwil sila ng kanilang magulang o sila ay
binubully at sinasaktan. Tuwing pinapakita natin ito sa kanila, mararamdaman nila na tila ba ay
hindi sila mahal ng Diyos, at sa halip na palapitin pa natin sila sa Kanya, kabaligtaran pa ang
mangyayari. The Catechism of the Catholic Church said:
.
“2358 The number of men and women who have deep-seated homosexual tendencies is not
negligible…They must be accepted with RESPECT, COMPASSION, and SENSITIVITY. Every
sign of UNJUST DISCRIMINATION in their regard should be AVOIDED. These persons are
called to fulfill God's will in their lives and, if they are Christians, to unite to the sacrifice of the
Lord's Cross the difficulties they may encounter from their condition[4] [emphasis added].”
.
We are still neighbors despite our differences. I would also like to apologize on behalf of other
Christians who mistreated, discriminated and condemned you. We are all called to be open to
one another. As Jesus Christ said:
.
John 13:34-35
34 A new commandment I give to you, that you love one another; even as I have loved you, that
you also love one another. 35 By this all men will know that you are my disciples, if you have
love for one another.”
------------------------------------------------------------------
References:
[1] https://dictionary.cambridge.org/us/dictionary/english/bigotry
[2] https://www.facebook.com/dcfvanguardsoftruth/posts/3246664535557825
[3] https://dictionary.cambridge.org/us/dictionary/english/homophobia
[4] https://www.vatican.va/archive/ccc_css/archive/catechism/p3s2c2a6.htm

facebook.com/1926549144236044/posts/3297233287167616/

You might also like