You are on page 1of 3

GOD’S LOVE WINS pt2: WHAT IS MY IDENTITY?

------------------------------------------------------------------
Isa sa mga dahilan na naiisip ko kung bakit marami ang nag-iidentify na “gay” o “lesbian” o
kung ano pa man ay dahil sa impluwensya na nakikita nila sa iba. Maaaring ito ay sa kaibigan
natin o ang mga artista na napapanood natin. May mga kaibigan tayo na magsasabi na walang
masama pumasok sa isang relasyon sa isa na kaparehas ng iyong sekswalidad kasi may karapatan
kang gawin ang kahit ano. May mga pagkakataon na karamihan sa ating kaibigan ay hindi
naniniwala sa katuruan ng Simbahan at nakaka-apekto ito sa mga tao na naguguluhan sa kanilang
identity. Bukod pa sa mga tao sa paligid natin, nakakaapekto rin ang opinyon at karanasan ng
mga celebrity tulad ni Sam Smith na sikat na mang-aawit. Sam Smith said:

“After a lifetime of being AT WAR with my GENDER I've decided to EMBRACE MYSELF for
WHO I AM, inside and out…I understand there will be many mistakes and mis-gendering but
all I ask is you PLEASE PLEASE TRY. I hope you can see me like I see myself now. Thank you
[1] [emphasis added].”

Si Sam Smith ay isang non-binary. Ibig sabihin, para sa kanya, hindi siya lalaki o babae. Nang
basahin ko ang pahayag na ito, ako’y nalungkot dahil tila ba na meron lamang dalawang
pagpipilian ang isang tao na mayroong same-sex attraction (o kaya iba pang identity crisis).
Either you remain in the closet or you go out and embrace your sexuality. Kung mapapansin rin
ninyo, nakakalungkot dahil nakikita natin ang mga personalidad na ito at sila ay nagiging modelo
sa atin at kung may mga makakabasa ng sinabi niya na subukan i-practice ang kanilang sexual
attraction, marahil ay maging dahilan ito para gawin nga ng iba. Ngunit, hindi lamang dalawa
ang pag-pipilian. The third option is acknowledging our sexual attractions while following the
will of God. Paano nga ba natin malalaman kung ano ang gusto ng Diyos para sa atin?

Bago iyon, maraming mga tao ang nagsasabi na ang ating identity ay base sa ating inclination o
attraction. Kung ano ang nararamdaman natin, yun ay kung sino tayo at dahil doon, walang
masama na isabuhay natin ang attraction o identity na iyon. For example, Cara Delavingne said:

“I always will remain, I think, PANSEXUAL. However one DEFINES themselves, whether it’s
‘THEY’ or ‘HE’ or ‘SHE,’ I fall in love with the person and that’s that. I’m ATTRACTED to
the PERSON [3] [emphasis added].

Tama ba na kung sino tayo ay nakabase sa kung ano ang ating nararamdaman? Hindi. Ito ay sa
kadahilanan na may desisyon tayo kung susundin ba natin ang ating nararamdaman. Kung may
isang tao na nagkagusto sa kanyang kapamilya, ibig sabihin ba ay tama lang na sundin niya ang
nararamdaman niya? Paano kapag may isang tao na kasal na at nagkaroon siya ng attraction sa
kaibigan niya, tama ba na sundin niya ang nararamdaman niya? Paano naman kung ang isang tao
ay nagkagusto sa isang tao pero inoobjectify niya ito, tama ba na tratuhin niya na object ang
isang tao na mas mababa pa sa ating dignidad?

Bukod pa dito, paano naman kung ang may pagkakataon na walang nagugustuhan ang isang tao?
Kung ang isang “gay” ay walang nagugustuhan na lalaki, ibig sabihin ba ay nagbago na ang
identity niya? Kung ang ating identity ay nakabase sa ating attraction o inclination, may mali ba
sa atin kapag hindi natin to nararanasan? At, kung hindi nagbabago kung sino tayo, bakit may
mga tao na may same-sex attraction pero namumuhay ayon sa katuruan ng Simbahan tulad ng sa
chastity? Hindi na ba sila “gay” para sa mga miyembro ng LGBT+?

Sa katotohanan, walang mali na tayo ay magkaroon ng attraction sa ating kapwa. Walang


masama na magkaroon tayo ng attraction sa kapwa dahil sa pamamagitan nito, pwede tayo
magkaroon ng magandang pagkakaibigan sa kanila. Ang dahilan kung bakit tayo ay may
attraction sa iba ay dahil lahat tayo ay ginawa as imahe ng Diyos (Genesis 1:26). God is
beautiful, and as such, we shouldn’t be surprised to find beauty in every child of God. At, hindi
mawawala ang imahe ng Diyos sa atin kaya hindi magbabago ang ating identity dahil ito ay
nakabase sa Kanya at hindi sa sinasabi sa atin ng mundo. Dahil dito, tayo ay inaasahan Niya na
hindi magpahalaga sa mga makamundong bagay. Sabi nga ni Hesus:

John 15:19
19 If you were of the world, the world would love its own; but because you are not of the world,
but I chose you out of the world, therefore the world hates you.

Nakakalungkot lang na hindi lang ang “heterosexuals” na critics ng liberal sexual ethics ang
nakakatanggap ng personal sa mga na atake galling sa mga pro-same-sex marriage. Kahit ang
mga tao na may same-sex attraction na namumuhay sa katuruan ni Kristo ay nakakatanggap din
ng diskriminasyon sa kapwa nila na may same-sex attraction. Ang ating identity ay hindi
nakabase sa 58 na gender options [4]. Ang ating identity ay hindi nakabase sa 10 na letra sa
LGBTQQIAAP [5]. Ang ating identity ay hindi nakabase sa mundo na nagdudulot ng pagkalito
sa atin. Ang ating identity ay nakabase lamang sa iisang Diyos. God is not the author of
confusion (1 Corinthians 14:33). At, sa mga tao na nakakaranas ng same-sex attraction, tandaan
natin ang binanggit ng Courage Philippines patungkol sa ating identity. Courage Philippines
said:
“I am a child of God. This is my identity. My identity is not based on my same-sex attraction
[6].”
-----------------------------------------------------------------
References
[1] facebook.com/1926549144236044/posts/3297233287167616/
[2] https://www.bbc.com/news/entertainment-arts-49688123
[3] https://www.out.com/celebs/2020/6/05/cara-delevingne-comes-out-pansexual-attracted-
person
[4] https://abcnews.go.com/blogs/headlines/2014/02/heres-a-list-of-58-gender-options-for-
facebook-users
[5] https://decahedronofq.wordpress.com/what-is-lgbtqqiaap/#:~:text=LGBTQQIAAP%20stands
%20for%20Lesbian%2C%20Gay,under%20the%20umbrella%20of%20Queer.
[6]https://www.facebook.com/COURAGE.Philippines/photos/a.306368049429373/1057273914
338779/?type=1&theater

facebook.com/1926549144236044/posts/3297241537166791/

You might also like