You are on page 1of 2

GUERRERO DOS

Sa pelikula na ito ay ipinapakita ang pakikipagsapalaran sa buhay ng dalawang


magkapatid na Guerrero. Ang kuya sa dalawang magkapatid na Guerrero ay si Ramon na isang
boksingero. Sa kanyang huling sinalihan na boxing ay nakatamo siya ng matitinding suntok kung
kaya siya ay nacomatose. Ang bunso naman na si Miguel ay mahilig magsulat ng tula. Sa huling
sinalihan na boxing ng kanyang kuya ay hindi siya nakapunta. Dahil mas pinili niyang tumula.
Nang Makita niya ang kanyang kuya ay wala na itong malay at dadalhin na sa ospital.

Dalawang taon na ang nakalipas matapos ang pangyayari na iyon ay hindi parin
nagigising si Ramon. Namalagi sa loob ng ospital si Miguel at ang kanyang ina. Si Miguel ay
isang masayahin, palatawa at palakaibigan na bata. Lahat ng mangagawa, guwardiya, nurse at
pasiyente sa ospital ay nagging kaibigan niya. Pero may bagong dating na kinakatakutan at
kinakaiinisan ng mga tao sa ospital. Ito ay si Tatay ruben at ang kanyang misis na may sakitr na
si Nanay Dahlia.

Si Tatay Ruben ay isang masungit at bugnutin sa simula. Pero natuklasan niya na si


Miguel lang pala ang makakapagpasaya sa kanyang minamahal na asawa na si Nanay Dahlia.
Dahil rito na palapit ang loob ni Taty Ruben kay Miguel. May kaibigan na nurse si Miguel na
nagngangalang Liza. Si Liza ay may pasiyente na kaibigan ni Miguel na nagngangalang Mang
Cesar. Si Mang Cesar ay nakakakuwentuhan, nakakabiruan at nagbibigay ng payo kay Miguel sa
loob ng ospital.Ngunit isang araw ay bigla na lang itong pumanaw. Kita sa mukha ni Miguel at
Liza ang pighati at dalamhati.

Dahil na rin sa katagalan ng kanyang kuya sa ospital ay lumalaki na ang kanilang bayarin
at gastusin.Napailitan silang ibenta ang kanilang bahay upang ipandagdag sa pambayad ng
kanilang bayarin at gastusin. May bago naman titirhan si Miguel at ang kanyang ina ngunit hindi
ito ganon kaayos. Si Liza ay umalis sa pagiging nurse upang mag-aaral ulit upang maging isang
mangguguhit. Isang araw nagpaalam ang ina ni Miguel na siya muna ay uuwi sa kanilang
bagong tinitirahan. Pagkadating ng kaniyang ina sa kanilang bagong bahay ay ionaayos niya
muna ang gamit at binuksan ang radio. Narinig ng tenant ang radio kung kaya’t nalaman niya na
may tao sa bahay. Siya ay tumatatwag sa loob ngunit walang sumasagot. Kay naman minabuti
niyang pumasok sa loob dun ay nakita niya ang walang buhay na ina ni Miguel. Matindi ang
hinagpis ni Miguel at tanging ang kuya niyang si Ramon na comatose pa rin ang natitiran niyang
kapamilya.

Kinuha si Miguel ng DSWD dahil wala na itong kasama. Sa DSWD ay nagging


matiwasay ang lagay ni Miguel. Siya ay nagkaroon ng maraming kaibigan sa loob ng pasilidad
na iyon. Isang araw ay tinawag si Miguel ni Ma’am Conde. May nais umanpon sa kanya linggid
sa kanyang kaalaman ang mag asawang Dahlia at Ruben ang aampon sa kanioya. Nang malaman
ito ni Miguel ay natuwa siya ngunit siya ay nangamba dahil walang titingin sa kanyang kuya na
nasa ospital pa rin. Nangako si Tatay Ruben na siya na ang bahala sa kuya ni Miguel. Sila ay
titira na sa probinsiya upang magkaroon ng panibagong buhay. Habang ang sinasakyan nila
Miguel ay patungo sa probinsiya. Nag kanyang kuya ay nagising nasa ospital.

You might also like