You are on page 1of 1

GUERRERO DOS

Sa pelikula na ito ay ipinapakita ang pakikipagsapalaran sa buhay ng dalawang magkapatid


na Guerrero. Ang kuya sa dalawang magkapatid na Guerrero ay si Ramon na isang boksingero. Sa
kanyang huling sinalihan na boxing ay nakatamo siya ng matitinding suntok kung kaya siya ay
nacomatose. Ang bunso naman na si Miguel ay mahilig magsulat ng tula. Sa huling sinalihan na
boxing ng kanyang kuya ay hindi siya nakapunta. Dahil mas pinili niyang tumula. Nang Makita
niya ang kanyang kuya ay wala na itong malay at dadalhin na sa ospital.

Dalawang taon na ang nakalipas matapos ang pangyayari na iyon ay hindi parin nagigising
si Ramon. Namalagi sa loob ng ospital si Miguel at ang kanyang ina. Si Miguel ay isang
masayahin, palatawa at palakaibigan na bata. Lahat ng mangagawa, guwardiya, nurse at pasiyente
sa ospital ay nagging kaibigan niya. Pero may bagong dating na kinakatakutan at kinakaiinisan ng
mga tao sa ospital. Ito ay si Tatay ruben at ang kanyang misis na may sakitr na si Nanay Dahlia.

Si Tatay Ruben ay isang masungit at bugnutin sa simula. Pero natuklasan niya na si Miguel
lang pala ang makakapagpasaya sa kanyang minamahal na asawa na si Nanay Dahlia. Dahil rito
na palapit ang loob ni Taty Ruben kay Miguel. May kaibigan na nurse si Miguel na nagngangalang
Liza. Si Liza ay may pasiyente na kaibigan ni Miguel na nagngangalang Mang Cesar. Si Mang
Cesar ay nakakakuwentuhan, nakakabiruan at nagbibigay ng payo kay Miguel sa loob ng
ospital.Ngunit isang araw ay bigla na lang itong pumanaw. Kita sa mukha ni Miguel at Liza ang
pighati at dalamhati.

Dahil na rin sa katagalan ng kanyang kuya sa ospital ay lumalaki na ang kanilang bayarin
at gastusin.Napailitan silang ibenta ang kanilang bahay upang ipandagdag sa pambayad ng
kanilang bayarin at gastusin. May bago naman titirhan si Miguel at ang kanyang ina ngunit hindi
ito ganon kaayos. Si Liza ay umalis sa pagiging nurse upang mag-aaral ulit upang maging isang
mangguguhit. Isang araw nagpaalam ang ina ni Miguel na siya muna ay uuwi sa kanilang bagong
tinitirahan. Pagkadating ng kaniyang ina sa kanilang bagong bahay ay ionaayos niya muna ang
gamit at binuksan ang radio. Narinig ng tenant ang radio kung kaya’t nalaman niya na may tao sa
bahay. Siya ay tumatatwag sa loob ngunit walang sumasagot. Kay naman minabuti niyang
pumasok sa loob dun ay nakita niya ang walang buhay na ina ni Miguel. Matindi ang hinagpis ni
Miguel at tanging ang kuya niyang si Ramon na comatose pa rin ang natitiran niyang kapamilya.

Kinuha si Miguel ng DSWD dahil wala na itong kasama. Sa DSWD ay nagging matiwasay
ang lagay ni Miguel. Siya ay nagkaroon ng maraming kaibigan sa loob ng pasilidad na iyon. Isang
araw ay tinawag si Miguel ni Ma’am Conde. May nais umanpon sa kanya linggid sa kanyang
kaalaman ang mag asawang Dahlia at Ruben ang aampon sa kanioya. Nang malaman ito ni Miguel
ay natuwa siya ngunit siya ay nangamba dahil walang titingin sa kanyang kuya na nasa ospital pa
rin. Nangako si Tatay Ruben na siya na ang bahala sa kuya ni Miguel. Sila ay titira na sa probinsiya
upang magkaroon ng panibagong buhay. Habang ang sinasakyan nila Miguel ay patungo sa
probinsiya. Nag kanyang kuya ay nagising nasa ospital.

You might also like