You are on page 1of 2

Ang, Aila Queen C.

BSN-2 April 22, 2020 Filipino 2

Ano ang pagsasaling-wika? Talakayin ang kahalagahan nito.

Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay
nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang
umiiral na pahayag sa ibang wika

Ibigay ang katangian ng isang tagapagsalin.

1 sapat na kaalaman sa dalawang wikang ginagamit sa pagsalin

2 sapat na kakayahan sa pampanitikang paraaan ng pagpapahayag

3 sapat na kaalaman sa paksang isasalin

4 sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin

5 sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kaugnay sa pagsasalin

Talakayin ang mga simulain ng mga panuntunan sa pagsasaling-wika.

Tungkulln ng isang tagasaling-wika ang mailipat niya sa wikang kanyang


pagsasalinan ang diwang ipinahahayag sa wikang isinasalin. At upang maging
maayos ang kanyang pagsasalin, dapat din niyang unawain hindi Iamang ang
nakikitang nilalaman ng paksa kundi gayundin ang natatagong kahulugan nito,
ang mga emosyong napapaloob sa mga salita at ang estilo na siyang nagbibigay-
kulay at ganda sa diwang nais ipahayag ng awtor.

Magbigay ng (10) sampung mga teknik sa pagsasaling-wika.

1) Pagsasaling Salita-sa-Salita (One-on-one Translation)

Tinatawag din itong literang na salin.

Pranses: Un beau jardin


Ingles: A beautiful garden
Filipino: Isang magandang hardin
2) Naturalisasyon (Naturalisation)

May pagkakahawig sa transference ngunit dito ay inaadap muna ang normal na pagbigkas at
pagkatapos ang normal na morpolohiya sa target na wika

Coup d’etat – kudeta


Television – telebisyon
3) Leksikal na kasingkahulugan (Lexical Synonymy)

Ibinibigay ang malapit na katumbas o angkop na kasingkahulugan sa target na wika ng


pinagmulang wika

‘old’ house – ‘lumang’ bahay


‘old’ man – ‘matandang’ lalaki
4) Kultural na Katumbas (Cultural Equivalent)

Itinuturing itong malapit o halos wastong salin (approximate translation)

American – coffee break


English – tea break
Filipino – meriyenda
5) Adaptasyon o Panghihiram (Transference)

Ang ibang katumbas nito ay adoption, transcription, o loan words (salitang hiram) na ibig sabihin
ay ang paglilipat o panghihiram ng mga kultural na salita mula sa simulaang wika patungo sa
tunguhang wika

Italian: pizza – English: hotdog


Filipino: pizza – Filipino: hotdog
6) Malaya (Free Translation)

Ayon kina Almario, et al (2009) ito ay “malaya at walang kontrol at parang hindi na
isang salin”

Ingles: Tone down your voice.


Filipino: Hinaan mo ang iyong boses.
7) Idyomatiko

Ayon kay Almario (2009) kung ang pahayag ay idyomatiko, marapat na tumbasan din
ito ng pahayag na idyomatiko

Ingles: Head of the family


Filipino: Haligi ng tahanan

You might also like