You are on page 1of 2

Rizal In Dapitan

July 15 1892

 Nakarating ako sa Dapitan gamit ang steamer Cebu.


 Sa aking pagdating, dala ko ang sulat ni Padre Pablo Pastell, ang superior ng Heswita, para kay
Padre Antonio Obach, ang paring Heswita sa Dapitan. Ang sulat ay nagkakalaman ng mga kondisyon
upang ako ay makatira sa kumbento.
 Hindi ako pumayag sa mga ansabing kondisyon kaya’t pansamantala akong tumira sa kuwartel na
pinamumunuan ni Kapitan Carcinero, ang komendante ng hukbong espanyol ng lugar.

September 21 1892
 Nakatanggap ako ng gantimpala na aming pinaghati-hatian nina Kapitan Carcinero at Francisco
Esquilior. Isang mail boat ang dumating na nagdadala ng lottery ticket no. 7936 na nanalo ng ikalawang
gantimpalang Php 20,000. Aking nagging hati ay Php 6,200.
 Ibinigay ko ang 2,000 sa aking ama, 200 sa aking kaibigan na si Jose Basa na nasa Hong Kong.

 Ang natira ay aking ginamit sa pagbili ng lupa sa talisay na isang kilometro ang layo sa Dapitan.

____, 1892

 Nakatanggap ako ng libro mula kay Padre Pastells. At ako nagpasalamat a nangakong tutumbasan ko
iyon.

1893

 Nagpadala ako kay Padre Pastells ng isang marikit na eskalturang larawan ni San Pablo na aking
ginawa.
 Nagkaroon kami ng mahabang sulatan ni Padre Pastell ayon sa relihiyon. Aking ipinabatid ang aking
mga paniniwala na ginagamit lamang ng mga prayle ang relihiyon sa pansariling kapakipakinabang.
Ang sariling pagpapasiya ay biyaya ng Diyos sa lahat ng tao.
 Nakatanggap ako ng sulat galing ka Antonio Miranda na naglalaman ng pagdaing tungkol sakanyang
nabiling mga troso. Ayon sa isang pranses na negosiyante, ang mga troso ay may mababang kalidad. Sa
aking pagkagalit, akin siyang hinamon sa isang laban. Ngunit imbis na tanggapin ang aking hamon,
humingi ng tawad ang pranses na aking tinanggap.
 Isang prayle ang dumating sa aming lugar. Siya si Padre Francisco Sanchez, na muling umaakit sa akin
na magbalik loob sa simbahan. Ngunit gaya nang ibang prayle, hindi siya nagtagumpay.

August 1893
 Nagtrabaho ako sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang aking mga pasyente na mahihirap ay hindi
ko na hinihingian ng pambayad, ngunit ang mga mayayaman ay malaki ang naibabayad sa akin.
 Dumating aking ina at kapatid na babae sa Dapitan. Isa sa aking naging pasyente roon ay ang aking ina
na tumira sa Dapitan sa loob ng isa’t kalahating taon.
 Minsan ay may mga pasyente akong galing pa nang ibang lugar, at doon ay aking nalaman na ang aking
karunungan sa paggagamot ay natuklasan ng mga taga ibang lugar.
 Naging interesado ako sa mga halamang gamot.
 Nakapagtayo ako ng isang sistema ng patubig dito sa Dapitan upang magkaroon ng malinis na tubig sa
bawat kabahayan dito.
 Nagumpisa ako ng ilang proyekto pangkomunidad rito sa Dapitan.
 Ang malaking panahon ko ay ginugol ko sa pagtuturo ng mga kabataan. Tinuruan ko sila ng mga aralin
sa wika, heograpiya, kasaysayan, matematika, gawaing industriyal at marami pang iba.
 Aking ginamit din ang aking panahon sa pagsasaka. Umabot ng 70 hektarya ang aking lupain na aking
tinataniman ng iba’t ibang puno’t halaman.

November 1893

 Isang lalaki ang bumisita sa akin na nagngangalang Pablo mercado. Siya ay nagpakilala bilang
kapamilya at malapit sa aking pamilya. Nginit ako ay naghihinala na isa siyang ispiya na ipinadala
upang ako ay manmanan.

July 31, 1896

 Sumakay ako sa steamer ng Espana, sa aking pag alis sa mumunting lugar na ito, musika ng
pagpapaalam ay ipinatugtog. Ako ay nanirahan sa distrito ng Dapitan sa loob ng 4 na taon, 13 araw, at
kaunting oras.

You might also like