You are on page 1of 18

1

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Rasyunale

Wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa

buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong

grupo katulad ng iba pang wikang buhay. Ang Filipino ay

dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga

panghihiram sa mga wika ng pilipinas at mga panghihiram sa

mga wika ng pilipinas at mga di katutubong wika sa ebolusyon

ng iba't ibang sanligang sosyal, at para sa mga paksa ng

talakayan at iskolarling pagpapahayag.

Ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa

pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos

na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa

pagkakaunawaan. Mahalaga ang wika sapagkat, ito ang midyum

sa pakikipagtalastasan o komunikasyon, ginagamit ito upang

malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng

tao, sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang

kinabibilangan, at isa itong mabuting kasangkapan sa

pagpapalaganap ng kaalaman.
2

Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika,

nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at

makapagbahagi ng kaalaman ng mga mithiin at nararamdaman.

Mahalaga ang wikang Filipino sa mga mag-aaral dahil ito ay

isang mahalagang salik sa komunikasyon. May malaking papel

na ginagampanan ang wika sa bawat tao at maging sa lipunan.

Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting relasyon sa

kapuwa, napapaunlad ng tao ang kanyang sarili at

nakatutulong din siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng ibang

tao.

Ang wika ay may iba't ibang katangian. Ito ay isa sa

mga mahahalagang bagay na ibinigay ng Diyos sa tao upang

mabuhay nang may kabuluhan at makamit niya ang kanyang mga

pangarap sa buhay. Ang kahusayan ng isang guro sa paggamit

ng wika ay isang instrumento sa pag-unlad. Kadalasan sa mga

guro ngayon ay gumagamit ng iba't ibang lenggwahe sa

pagtuturo na kung saan ay hindi naaayon lalong-lalo na sa

asignaturang Filipino. Malaki ang epekto sa mga mag-aaral

kung ang ibang guro ay hindi bihasa sa paggamit ng wikang

Filipino ay nagbibigay ng limitadong kaalaman patungkol sa

asignaturang tinatalakay.

Kaya naman ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman

ang kasanayan ng mga guro sa Filipino sa paggamit ng wikang


3

Filipino. Ang pagkakaroon ng kakayahan ng mga guro sa wikang

Filipino ay makakatutulong sa mas maayos na

pakikipagsalamuha sa mga mag-aaral. Tutukuyin ang pag-aaral

na ito ang kasanayan ng mga guro gamit ang wikang Filipino.

Ang pag-aaral sa kasanayan ng mga guro sa paggamit ng

wikang Filipino ay makakatulong sa mga estudyante para mas

madaling maunawaan at maintindihan ang sinasabi ng isang

guro at mas mapahalagahan ang paggamit ng wikang Filipino.

Mahalaga ito sa mga guro upang mas maintindihan ng lubusan o

maayos ang mga mahihirap na salita at magamit bilang gabay

sa pagtuturo.

Batayang Teoritikal

Ang Teoryang Nativist ni Noam Chomsky ay nagsasabi na

ang bawat indibidwal ay may kakayahang matuto ng wika.

Pinaniniwalaan niya at ng iba pang linggwista na may

nakabaong gramatika sa ating isipan. Mayroong Language

Acquisition Device na nakabaon sa bahagi ng ating utak mula

pa noong tayo ay isinilang sa mundong ito. Samakatuwid,

pinatutunayan nito na likas talaga sa atin ang pagkatuto sa

wika.

Ang Language Acquisition Device (LAD) ay naglalahad na

ang bawat bata ay may sariling mekanismo


4

Batayang Konseptual

Teoryang Nativist Batas Republika

ni Noam Chomsky Blg. 7104

Ang kasanayan ng mga Guro sa

Filipino sa paggamit ng Wikang

Filipino sa Dr, Cecilio Putong

National High Schoool

1.1 Antas ng Kasanayang ng mga guro sa Filipino sa

paggamit ng wikang Filipino sa pagpapaintindi

ng lubusan nga taga-pakinig.

1.2 Naidudulot ng kasanayan ng mga guro sa larangan

ng pagtuturo sa asignaturang Filipino

Isang mungkahing Gawain sa Filipino

II, Pagbasa at Pagsulat Iba’t-ibang

teksto tungo sa Pananaliksik


5

na siyang dahilan ng kanyang pagkatuto. Ang dahilan kung

bakit marunong magsalita o nakabubuo na ng pangungusap ang

mga bata kahit wala pang pormal na pag-aaral, iyon ay dahil

likas na sa kanila na matuto ng wika. Iyon din ang kanilang

magsisilbing gabay sa pagbuo ng mga pangungusap sa

kadahilanang may nakabaong gramatika sa kanilang isipan.

Ayon sa Batas Republika Bilang 7104, Ang Komisyon sa

Wikang Filipino, itinakdang magsagawas, mang-ugnay at

magtaguyod ng mga pananaliksik at pag-aaral para sa

pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng wikang

Filipino. Nararapat na mas mapabuti ang kalagayan ng ating

wika para na rin sa atin. Ito ay mas maisasakatuparan pa

lalo kapa gang mga guro sa naturang asignatura ay may sapat

na nalalaman at lampas sa inaasahang kasanayan na tinataglay

nila.

Ang teoryang Nativist ay nagpapaliwanag na ang bawat

bata ay natututo kahit walang pormal nap ag-aaral sapagkat

sila ay may tinatawag na Language Acquisition Device (LAD).

Ito ay mekanismo sa ating utak na siyang dahilan kung bakit

natural na natututunan ng isang bata ang isang bagay kahit

hindi naman ito itinuro sa kanya. Nais ipabatid sa atin ng

teoryang Nativist na likas sa atin ang pagkatuto. Mas

mapapalago lamang ang kaalaman ng isang bata kapag


6

sumailalim na siya sa pag-aaral. Naipapaliwanag rin ng

teoryang ito ang dahilan kung bakit mabilis ang pagkatuto ng

mga bata sa isang linggwahe.

Ang lahad naman na misyon ng Komisyon sa Wikang

Filipino ay magbalangkas, mag-ugnay at magpatupad ng mga

programa at proyekto sa pananaliksik upang higit pang

mapabilis ang pagsulong at pagbulas ng wikang Filipino. Ang

pokus nito ay ang kabuoang pagpapaunlad sa wikang Filipino.

Sinusuportaan ng Batas 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino.

Pinatitibay at mas nabibigyan nito ng importansya ang

layunin ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Ang teoryang Nativist at Batas Republika Bilang 7104 ay

naglalayong pahalagahan ang wikang Filipino. Ang pag-aaral

tungkol sa kasanayan ng mga guro sa wikang Filipino ay

pinatitibay ng teoryang Nativist ni Noam Chomsky at

makakaambag sa layunin ng Komisyon ng Wikang Filipino. Ang

pagsusuri ng kasanayan ng mga guro ay makatutulong din sa

pagpapahusay at pagpapalawak sa kaalaman ng mga estudyante.

Makadadagdag ito sa pagpapalago ng mga alam na nilang bagay.

Kapag mahusay ang guro sa pagtuturo, may maidudulot itong

positibong epekto sa mga mag-aaaral sapagkat mabilis sila sa

pagkalap at pagpoproseso ng impormasyon lalo na kapa gang

nagsasalita ay may alam at wastong kasanayan.


7

ANG SULIRANIN

Paglalahad ng Suliranin

Ang mga mananaliksik ay naglalayong masagutan ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Ano ang antas ng kasanayan ng mga guro sa Filipino sa

paggamit ng wikang Filipino upang maiintindihan ng

lubusan ng taga-pakinig?

2. Paano nakatutulong ang kasanayan ng mga guro sa

larangan ng pagtuturo sa asignaturamg Filipino?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na itong pag-aaral

ay mapakikinabangan ng sumusunod:

Mga Estudyante. Ito ay makakatulong sa mga estudyante

para mas madaling maunawaaan at maintindihan ang sinasabi ng

isang guro at mas mapahalagahan ang paggamit ng wikang

Filipino

Mga Guro. Ito ay makakatulong sa mga guro na

maintindihan ng lubusan o maayos ang mga mahihirap na salita

at magamit bilang gabay para mas lalong mahasa ang kanilang

nalalaman.
8

Mga Pilipino. Ito ay makaktulong sa bawat isa sa pang-

araw-araw na pagkikipagunawaan gamit ang wikang Filipino.

Sa mga mananaliksik. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay

magiging isang batayan o reprensiya para sa mga susunod na

mananaliksik na may kaugnayan sa naturang paksa.

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay gumamit ng

deskriptib-analitik na disenyo dahil naangkop ito sa

pagsusuri ng kasanayan ng mga guro sa paggamit ng wikang

Filipino. Tinangkang suriin ng pag-aaral na ito ang kaalaman

ng mga guro tungkol sa kanilang kasanayan paggamit ng wikang

Filipino. Ito ay may layunin na alamin ang mga pananaw at

opinion ng mga respondante tungkol sa mga nabanggit na

layunin, suliranin at pokus ng pananaliksik na ito.

Lugar ng Pananaliksik

Ang nasabing pananaliksik ay isinagawa sa paaralan ng

Dr. Cecilio Putong National High School, isang pampublikong

paaralan. Ito ay matatagpuan sa CPG North Avenue Tagbilaran

City, Bohol. Ito ay nasa sentro ng siyudad ng Tagbilaran.


9

Respondente ng Pananaliksik

Ang respondente ay ang mga guro sa Filipino ng Dr.

Cecilio Putong National High School.

Baitang Bilang ng mga Guro sa

Filipino
Grade 7 5

Grade 8 6

Grade 9 5

Grade 10 4

Grade 11 3

Kabuuan 23

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit sa paglikom ng datos sa

pananaliksik na ito ay isang kwestyons o talatanungan. Sa

kabuuan, ito ay may pitong katanungan. Sa pagsagot ng mga

respondent sa talatanungan ng kanilang pinupurian ng marking

(/) tsek ang kahon umaayon ba sila o hindi. Ang mga hakbang

na ginawa ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos ay mga

sumusunod:

Una, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng liham para

humingi ng pahintulot na magasagawa ng sarbey sa mga Guro sa


10

asignaturang Filipino sa Dr. Cecilio Putong National High

School.

Pangalawa, ang mga talatanungan ay ipinamahagi ng m,ga

mananaliksik sa mga respondente o sa mga Guro sa

asignaturang Filipino sa Dr. Cecilio Putong National High

School.

Pangatlo, hinintay ng mga mananalliksik na matapos ang

mga respondente sa pagasagot sa talatanungan at kinolekta

ang mga talatanungan.

Panghuli, inalisa ng mga mananaliksik ang mga datos o

nagging resulta ng pangangalap.

Depinisyon ng mga Temino


11

Wika. Ito ang ginagamit natin upang magkaunawaan at

magkaintindihan ang mga bawat tao sa mundo.

Kasanayan. Ito ay ang kahusayan ng indibidwal sa anumang

larangan.

Language Acquisition Device (LAB). Ito ang tumatanggap ng

mga impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika.

Wikang Filipino. Ito ay ang pambansang wika ng Pilipinas.

Guro. Sila ang mga taong nagtuturo sa mga mag-aaral sa

eskwelahan.

Bibliograpiya
12

A. Aklat

Apao, Gavino, et. al. (2014).  Kahalagahan ng Wikang

Filipino sa Edukasyon.

B. Internet

https://nicolejarguilla0915.wordpress.com/2012/08/01/paggami

t-ng-wikang-filipino-ay-mahalaga/

http://filipinobwp.blogspot.com/2011/10/filipino-bilang-

wikang-pambansa.html
13

Dr. Cecilio Putong National High School

Siyudad ng Tagbilaran

Pebrero 28, 2017

Gng. Virgilia G. Omictin

Dr. Cecilio Putong National High School

Siyudad ng Tagbilaran

Iginagalang na Punong Guro:

Magandang Araw!

Kami po ang mga mag-aaral mula sa Garde 11 Accountancy,


Business and Management – A na nagsasagawa ng isang sulating
pananaliksik para sa asignaturang Filipino. Ito po ay may
paksang “Kasanayan ng mga Guro sa Filipino sa paggamit ng
wikang Filipino Dr. Cecilio Putong National High School”.
Kami po ay humihingi ng pahintulot na makapagsarbey sa mga
Guro sa Filipino sa paaralan. Ang mga makukuhang impormasyon
ay magagamit sa naming sa aming pananaliksik.

Lubos na Gumagalang, Binibigyang Pansin,

Jesza Mae Fullante Gng. Charito Acero

Lider ng Grupo Guro sa Filipino

_______________________

Gng. Virgilia G. Omictin

KASANAYAN NG MGA GURO SA FILIPINO SA


14

PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA

DR.CECILIO PUTONG NATIONAL

HIGH SCHOOL

Pangalan: ________________________________

Baitang na Tinuturuan: ____________________

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang iyong napiling sagot.

5 – Lubos na sumasang-ayon
4 – Sumasang-ayon
3 – Walang pasya
2 – Hindi sumasang-ayon
1 – Lubos na hindi sumasang-ayon
Mga Tanong: 5 4 3 2 1
1. Sa direktang pagtuturo mo ba

naipapakita ang kasanyan sa paggamit

ng wikang Filipino?
2. Nagiging aktibo ba ang mga mag-

aaaral sa klase kung ginagamit ang

wikang Filipino?
3. Nakakamit ba ang layunin ng

pagtuturo kapag ginagamit ang wikang

Filipino?
4. Mag mga kahirapan ka ba sa paggamit

ng wikang Filipino?
5. Nakakaimpluwensya ba ang paggamit ng
15

wikang Filipino sa mga mag-aaral?


6. Nakakatulong ba sa pagpapalawak ng

iyong bokabularyo ang paggamit nito

sa pagtuturo?
7. Mas komportable ka bang gamitin ang

wikang Filipino sa pagtuturo?


8. Nalilinang ba ang antas ng iyong

kasanayan sa paggamit ng wikang

Filipino sa pagtuturo?
9. Sa iyong palagay, may malaki na bang

pagbabagong nagaganap sa kalakaran

ng paggamit ng wikang Filipino?


10. Nabibigyang-diin ba ang

paglinang ng kakayahang umunawa at

gumamit ng mga wastong pananalita sa

ng aspetong pagtuturo?

You might also like