You are on page 1of 4

Kwintas ni Kamatayan

Mga Tauhan:

Calaguio, KC Rose bilang “Dilawin”

De Venecia, Vhonie James bilang “Asula”

Fernandez, Angelica bilang “Lila”

Gutierrez, Kirk bilang “Itim”

Nevado, Charelle bilang “Pulan”

Sison, Mary Joy bilang “Berden”

Ilang bilyong taon ang nakalipas noong simulang pagharian ng iba’t ibang klase ng mga
diyos at diyosa ang isang lugar na kung tawagin ay Astrolabya. Ang lahat ng naninirahan dito ay
tahimik at masayang namumuhay, lahat sila ay nagbibigayan, makikita sa bawat isa sa kanila ang
pagmamahalan.

Isang gabi, habang ang lahat ay nasa mahimbing na pagkakatulog, ang kanilang pinuno
ay may napag-isip-isip. Matanda na si asula at matagal na rin siyang namumuno sa Astrolabya.
Kug kaya’t sa pagsikat ng araw at sa hudyat ng tilaok ng manok ay dali-dali niyang ipinatawag
ang mga diyos at diyosa.

Ang lahat ay taking-taka sa biglang pagpapatawag sa kanila ng kanilang pinuno na si Asula.

Asula: Ipinatawag ko kayo sapagkat napag-isip-isip ko na ako’y nanghihina na, masyado na


akong matanda. Kinakailangan ko nang pumili ng susunod pa na magiging pinuno ng
Astrolabya. Kung sino man ang Manalo sa aking ibibigay na pagsubok, ang siyang susunod na
magiging pinuno. Nais kong magturo kayo sa bayan ng Ezperanza upang maging isang mahusay
na pinuno . Hihintayin ko ang inyong pagbabalik…..pagkatapos ng tatlong araw, pagpalain sana
kayo ni Bathala.
Ang bawat isa ay desigido na manalo. Dito na nagsimula ang kanilang pagsubok, pagsubok na
siyang babago sa lahat.

Itim: Nakatitiyak akong sa huli, ako ang mananalo. Ako yata ang Diyos ng mga patay, at ang
sinumang hahadlang ay tiyak kong di magtatagumpay.

Dilawin: Hindi ka nakasisigurado. Ako ata ang diyosa ng kayamanan at kasaganaan. Mas madali

kong makikita ang kwintas.

Berden: Gamit ko ang akin talion, mahahanap ko ang kwintas nang mabilis. Dahil ako si
Berden, ang diyosa ng katalinuhan at sining.

Ang lahat ay nagsimulang maghanap ng kwintas. Ang kanilang kilos ay palihim na


napapanuod ni Asula. Ginamit ni Pulan ang kaniyang kagandahan upang makapang-akit ng mga
lalaki. Ang lahat ng mga ito ay gagamitin niya upang masamahan siya sa paghahanap.

Pulan: Ako si Pulan, diyosa ng kagandahan. Nais ko sanang hanapin ang kwintas na tinutukoy
ng aming pinuno.

Nakatulong ang mga lalaking ito kay pulan, subalit sa labis na lawak ng bayan ng
Ezperanza, hindi nila alam kung anong klaseng kwintas ang kanilang hahanapin. Patuloy rin sa
paghahanap si Dilawin, at kahit na siya ang diyosa ng kayamanan, maging siya ay nahihirapang
pumili kung anong kwintas ga ba ang makakatulong sa kanya upang maging isang pinuno.

Dilawin: Alin sa mga kwintas na ito? Ito ba? O ito?

Berden: Alam ko na pupuntahan ko ang bulwagan, marahil doon itinago ni pinuno ang kwintas.

Habang ang ay abala sa paghahanap ng kwintas, mas pinili ni Lila na tulungan ang mga
taong nakakasalubong niya sa daan. Mabilis na lumipas ang mga araw, hanggang sa dumating na
ang araw kung saan makikilala na ang nanalo sa pagsubok ng kanilang pinuno.

Pulan: Nakatitiyak akong ito ang kwintas na tinutukoy ni pinunno, ito ang pinakamagandang
kwintas na nasilayan ko.

Dilawin: Hindi, sa tingin ko ang pinakamakinang na kwintas na ito ang siyang tinutukoy ni
pinuno.

Habang natatalo ang dalawa ay biglang hinablot ni Itim ang kwintas na hawak ng dalawa.

Itim: Ang mga ito ay sa akin na hahahaha….

Ang dalawang diyosa ay hindi natuwa. Kinuha ni Itim ang kwintas nila sapagkat nang
ihambing ang kwintas na nahanap niya sa dalawang hawak ng mga diyosa ay sobrang layo ng
pagkakaiba, masyadong simple ang kwintas na nahanap ni Itim. Sa kasagsagan g pag-aaway,
nauwi sa madugong labanan ang paghahanap ng kwintas ng tatlo. Sina Pulan, Dilawin at Itim ay
namatay dahil sa mga kwintas. Tanging si Dilawin at Berden lamang ang makabalik sa
Astrolabya.

Berden: Pinuno, wala pong dalang kahit ano si Lila. Tiyak akong ang kwintas na ito ang
maghahatid sa akin ng swerte upang maging pinuno. Binasbasan ko ito ng aking kapangyarihan
upang magmit ko sa aking pamumuno.

Lila: Patawad po pinuno. Ngunit ang mga batong binigay lamang ng mga taong natulungan ko
sa paglalakbay ang nadala ko.

Berden: Pinuno, malinaw ang lahat ako ang panalo sa inyong pagsubok.

Kinuha ni Asula ang kwintas na dal ani Dilawin, at ang mga batong dal ani Lila. Habang
tinitignan ang kwintas ay bigla itong nagging parang paminta na sobrang pino. Samantala, ang
mga bato naman ay naging isang kwintas.

Dilawin: Papaano nangyari iyon? Dinadaya moa ko pinuno!

Asula: Si Lila ang siyang karapat-dapat na maging pinuno. Sapagkat hindi nga siya nakapagdala
ng kwintas na maganda o kumikinang, subalit nakatulong siya sa kanyang kapwa. Ang kwintas
na hinahanap ko ay nasa inyong sarili, ang pagmamahal sa kahit sino, ang pagtulong sa kapwa,
ang kabutihang dapat taglayin ng isang mahusay na pinuno.
Sa huli naintindihan ni Dilawin ang sinambit ni Asula. Si Lila ang naging pinuno ng
Astrolabya. Di kalaunan ay ang batong naging kwintas ay naging korona na ipinatong sa ulo ni
Lila bilang tanda na siya ang nagwagi. Ang lahat ay naging masaya sa huli.

You might also like