You are on page 1of 3

PEREZ, VEGIE HEIFETZ I.

BSN 3101
FILIPINO SA IBA'T - IBANG DISIPLINA

Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham:


Panayam kay Prop. Fortunato Sevilla III
(REPLEKSYON PAPEL)

Wikang Filipino ang aking kinagisnang wika, ito ang humubog sa aking
pagkatao at unang daan upang makipag kapwa tao sa bawat isa pamula pa noong
akoy bata pa. Hindi maikakaila na ang wikang ito ay hindi kalianman mawawalay
sa aking pagka-tao sapagkat ito ay nananatili at mananatiling nananalaytay sa
aking dugo. Sa aking nabasang teksto na pinamagatang “Ang Gamit at
Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham” isang panayam kay
Prop. Fortunato Sevilla III mula kayna Wennielyn Fajilan at Reynele Bren Zafra
nagpapahayag ito ng mga sariling pananaw at karanasan ng Kemistri. Dito’y
tinalakay ang iba’t ibang aspeto ng kahalagahan at potensyal ng wikang Filipino
bilang wikang panturo sa Agham at iba pang kurso. May mga nabanggit na
kahinaan ngunit sa huli ay naipahayag ang mga solusyon na maaring gawin at
ipanukala upang mapagyabong sa huli ang wikang Filipino. Maraming mga salik
na pumipigil sa paggamit ng wikang Filipino ngunit ang batayan ng isang
karanasan ay hindi kailanman maika-kaila na ito ay sadyang nakakatulong at may
potensyal na pinapakita.

Nakasaad sa nasabing panayam ang napakadaming mabuting naidulot ng


wikang Filipino sa larangang siyentipiko at teknikal at ang iilan sa kahinaan nito.
Isa sa mabuting naidulot nito ay ang mabilis ang pagkakaunawa ng mga
estudyante sa mga konsepto at batas na sakop ng sabjek na Kemistri ayon kay
Prop. Sevilla ito ay napatunayan sa pamamagitan ng kaniyang pagtalakay sa kung
gaano naging aktibo ang bawat estudyante na kanyang tinuturuan sapagkat sa
ganitong paraan ng pagtuturo mas nagiging magaan ang talakayan sa pagitan
niya at ng mga mag-aaral na Pilipino. Nabanggit pa niya bilang patunay na mas
nagiging bukas ang mga bata sa pagtatanong at pagpapahayag ng kanilang
naiisip sa kanilang leksiyon kasi nawawala ang inhibisyon dahil ng Filipino ang
gamit ngunit kung Ingles na wika baka isipin daw ng mga estudyante na huwag na
lamang magtanong sa kadahilanan na baka mali pa ang grammar. Kung kaya’t
nalilimitahan ang talakayan datapwat sa wikang Filipino naman ay buhay na
buhay. Isa pa sa nabanggit ni Prop. Sevilla na nakapokus na lamang ang
kaniyang mga estudyante sa pag-unawa ng mga konsepto at teorya at hindi na
kailangan ang pagsalin mula sa Ingles tungo sa wikang pamilyar sa kanila. Bukod
pa dito mas madali daw ang dating sa kanyang talakayan ng paliwanag kapag
Filipino ang nadidinig ng mga estudyante kaysa sa Ingles. Sapagkat ang
karaniwang karanasan ng maraming guro na kapag nakita nilang hirap ang mag-
aaral sa pag-unawa ng paliwanag sa wikang Ingles ay inuulit nila ang paliwanag
sa wikang Filipino. Ayon din sa kanya ang dahilan kung bakit niya ginagamit ang
wikang Filipino ay sa kadahilanan na mas komportable siyang magbahagi ng
kaniyang nasa isip at mas natural ang kaniyang pagbahagi kung Filipino ang gamit
niya kahit na siya ay nanggaling sa isa sa mga unibersidad mula sa ibang bansa
na wikang Ingles ang pangunahing medyum na ginagamit. Hindi din naman
itinanggi sa panayam kay Prop. Sevilla ang mga kahinaan sa paggamit ng wikang
Filipino bilang wikang panturo naroon pa at nabanggit niya na hindi niya
nagawang magbigay ng eksam gamit ang wikang Filipino sa kadahilanan na hindi
siya nasanay sa pagsulat sa Filipino, mula sa kanyang pag-aaral ng maraming
taon na nakalipas hanggang sa kanyang pagtuturo. Kaniyang binanggit na
kailangan pa niya ng pag sasanay sa pagsulat sa Filipino at nasabi din niya na
malaking kaibahan kapag pasalita gamitin ang wikang Filipino, pero sa paraan ng
pasulat malaking pagsubok ito para sa kaniya. Nagbigay din siya ng ilang
halimbawa ng mga salita na maari niyang isalin sa wikang Filipino muna sa
“Periodic Table” na kanyang isinalin sa “Talaulitan ng mga Elemento” ngunit may
iilang teknikal na hindi niya naisalin dagdag pa niya “kailangang panatilihin naman
ang mga teknikal term na ito kasi malinaw na ang wikang ginagamit sa mga board
exam naman ay nasa wikang Ingles”. Sa huli nabanggit niya na ang kahinaan ng
wikang Filipino bilang midyum ng komunikasyon sa Agham at Teknolohiya ay ang
kakulangan o kawalan ng mga kataga para sa konsepto o kagamitan sa larang na
ito.

Bagama’t maraming kabutihan at importansya ang naibibigay ng wikang


Filipino mananatiling may kahinaan ang isang bagay kung hindi gagawan ng
aksyon o solusyon sa mga suliranin. Para sa aking sariling pananaw
sumasangayon ako sa mga nakasaad na dahilan at katuwiran ni Prop. Sevilla
sapagkat ito ay naayon sa kanyang karanasan at maraming patunay na
halimbawa sa araw-araw na paggamit ng wikang Filipino sa kanyang pagtuturo sa
kursong Kemistri at sinasang-ayunan ito ng kanyang mga estudyante at kapwa
guro kaya naman matibay na katuwiran ang naibigay ni Prop. Sevilla Sa mga
nailahad na kahinaan sa panayam mayroon din naming nasabi at nairekomenda
na solusyon nasabi ni Prop. Sevilla na maaring magkaroon sana ng guidelines sa
pagsasalin at estandardisasyon ng ispeling o baybay ng mga nasabing teknikal na
salita. Pati na din ang pangangailangan na magkaroon ng pagkakasunduan o
magkaisa ang mga alagad ng Siyensya sa sinasabing adbokasiya. Naniniwala din
si Prop. Sevilla na hindi lamang ito usapin ng KWF o kaguruan ng Filipino bagkus
usapin din ito ng mga siyentipiko at propesor sa Agham o Siyensiya at magkaroon
sila ng kolaborasyon sa pagitan nilang dalawa.Ilan lamang ito sa mga nabanggit
niyang mungkahi upang mapayabong at maisakatuparan ang mabuting naidudulot
ng wikang Filipino sa Agham at Teknikal bilang wikang panturo.

You might also like