You are on page 1of 20

KABANATA 1

Panimula

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa “Konsepto ng

Bakteryang Treponema Pallidum”.

Ang kalusugan ay itinuturing na kayamanan hindi lang ng

Pilipino kundi ng buong lipunan. Ang papel na ito ay lalong

mapaunlad ang pagsusuri sa isang partikyular na bakterya na

may dalang problema sa kalusugan ng isang tao.

Ang pag-aaral sa bakteryang Treponema Pallidum ay

isinagawa upang magbigay gabay at kaalaman sa lahat kung ano

nga ba ang pinagmulan, sanhi, sintomas o sakit na maidudulot

ng bakteryang ito. Ano nga bang sinaryong o masamang

maidudulot ng bakteryang ito sa kalusugan ng isang tao?

Paano ito ma-iiwasan upang hindi na makapanghawa sa iba pa?

Ang mga tanong na ito ay masasagot sa pag-aaral na ito.

Ang bakterya ay isa sa mga pangunahing grupo ng mga

nabubuhay na mga organismo. Sa iba't ibang paglalapat,

tumutukoy ang katagang bakterya sa lahat ng mga prokaryote o

sa isang pangunahing pangkat nila, o dili kaya ang tinatawag

na yubakterya (eubacteria), depende sa mga kaisipan tungkol

sa mga pagkaugnay nito. Dito, ginagamit ang bakterya upang


tukuyin ang yubakterya. Isa pang pangunahing pangkat ng

bakterya (hindi ginagamit sa malawak, hindi taksonomikong

kaisipan) ang Archaea.  Bakterya ang pinakamarami sa lahat

ng mga organismo.

Ang unang kabanata ay magsisimula sa paglalahad ng

konsepto tungkol sa bakteryang Treponema Pallidum, at

tentatibong sasagutin ng mga ito sa hipotesis. Ang mga

layunin ng pananaliksik ay isa-isa ring ilalahad ng

pangkalahatan at tiyak. Ipapakita rin sa kabanatang ito ang

pagkakaugnay ng mamalaya at di-malayang baryabol sa isang

koseptwal na balangkas. Ang kahalagahan ng pag-aaral sa

bahaging ito ay tumutugon sa mga sumusunod na katanungan na

may kaugnayan sa pamagat, kung sinu-sino ang matutulungan ng

pag-aaral na ito, ang mga praktikal na problema na

malulutas, ang kahalagahan ng resulta at kontribusyong

maidudulot nito. Ang saklaw at limitasyon sa bahaging ito ay

matatagpuan ang limitasyon ng pag-aaral at kung sinu-sino at

anu-ano ang mga kasangkot sa pag-aaral, saan at kalian ito

isasagawa. Magtatapos ang kabanata sa pagbibigay katuturan

sa mga mahahalagang katawagan sa pag-aaral at sa mga ilang

salita na maghahatid sa kabuuan ng pag-aaral .

Ang ikalawang kabanata naman ay matatagpuan ang

bahaging itong pag-aaral ay naglalaman ng mga pag-aaral at


mga artikulong may kaugnayan sa aming napiling paksa. Ang

pamagat at awtor ng mga libro at iba pang pagkakuhanan

namakakatulong upang mas lalong maunawaan ang aming ginawang

pananaliksik o kilala bilang rebyu ng mga kahawig na

literatura.

Ang ikatlong kabanata o metodohiya ipapaliwanag sa

bahaging ito ang detalye kung paano isasagawa ang pag-aaral

tulad ng paglalarawan sa disenyong ginamit sa pananaliksik,

mga kalahok, lugar na pinagdausan ng pananaliksik, ang mga

hakbang isinagawa sa pagtitipon ng mga datos at mga

instrumentong ginamit sa pag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang kahalagahan

ng Konsepto ng Treponema Pallidum. Sa pananaliksik na ito

masasagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga sanhi na naidudulot ng bakterya na

Treponema Pallidum?

2. Sino ang mga taong maaaring makakuha ng sakit na ito?

3. Kanino maaring makuha ang sakit na ito?

4. Paano mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa

bakteryang Treponema Pallidum.

5. Paano mabawasan ang biktima ng sakit na ito?


Paglalahad ng Layunin

Ang pag-aaral na ito ay nagtataglay ng mga layunin na

hinahangad ng mga mananaliksik na masagutan at magtipon ng

mga mahahalagang impormasyon upang makamit ito:

1. Upang magbigay kaalaman sa nasasakupan ng mambasa ng

pananaliksik na ito ang mga paraan at sanhi na

naidudulot ng Treponema Pallidum.

2. Upang magbigay kaalaman sa publiko ang mga epektong

naidudulot nito sa lipunan.

3. Upang magbigay kaalam sa publiko ang mga sakit na

maaring makuha sa Treponema pallidum na karaniwang

nagiging sanhi ng mortalidad.

Konseptwal na Balangkas

Malayang Baryabol Di-malayang Baryabol

Bakteryang
Treponema Iba’t-ibang
Pallidum konsepto

Ang paradigm ay naglalarawan ng relasyon ng malaya at di-

malayang baryabol.
Sa pananaliksik na ito pinapakita na ang bakteryang

Treponema Pallidum ay nag-sisilbing malayang baryabol at ang

konsepto naman nito ay ang di-malayang baryabol.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makabuluhan sa mga sumusunod:

1. Para sa mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay naaangkop

lalo na ang mga kumukuha ng mga “medicine-related” na

kurso. Hinihikayat ng riserts na ito na pag-aralan ang

bakteryang treponema pallidum upang malaman ang mga

sarili at maaring epekto nito sa kalusugan ng isang

tao.

2. Para sa publiko. Mabibigyan ang publiko ng impormasyong

dapat nilang malaman. Mahalaga ito upang magkaroon sila

ng babala sa maaaring epekto ng bakterya

3. Para sa mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay

napakahalaga magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga

mambabasa tungkol sa iba’t-ibang konsepto ng Treponema

Pallidum. Malalaman din ang mga sanhi at bunga ng

Treponema Pallidum at kung paano ito maiiwasan at

magamot.

4. Para sa mga kasunod na mananaliksik. Mahalaga ang pag-

aaral na ito para sa mga gagawa ng kahawig na

pananaliksik. Puwede nila itong gamitin bilang isang


referens at puwede ring pagkuhanan ng mga datos na

kanilang kakailangan.

Saklaw at limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa 50 na pasyenteng

nagpapakuha ng test upang malaman kung sila ay positibo sa

sakit na ito. Sa tulong ng propesyunal na Medical

Technologists upang gabayan at madagdagan an gaming kaalaman

sa sakit na ito. At mga kaalyado ng Health Care System ay

makakatulong upang maipabatid sa lahat kung ano ang dapat

gawin upang maiwasan ang sakit na ito.

Ang pag-aaral na ito ay naglilimita lamang sa pagtuklas sa

konsepto ng Treponema Pallidum.

Katuturan ng Katawagan

Binigyan ng konseptwal at operasyunal ang mga sumusunod

na terminolohiyang ginamit sa pag-aaral.

Konsepto- isang ideya kung ano o paano ginagawa ang isang

bagay. (Merriam Webster)

Sa pag-aaral na ito, ginagamit ang salitang ito upang

makapagbigay ng kabuuang kaalam sa nasabing bakteryang

Triponema Pallidum.
Triponema Pallidum- ito ay isa sa mga karaniwang inpeksyon,

na nagpapahirap sa 10% (sampung porsyento) ng populasyon ng

mga may edad lalo na sa kaliwang parte ng mundo. Kahit na

isa ito sa mga unang inpeksyon na nahanapan ng panglunas na

“antibiotic”. (MicrobiologyBytes Library)

Sa pag-aaral na nito, ang salitang ito ay isang uri ng

bakterya na gagamitin sa pananaliksik na isasagawa sa

laboratoryo upang eeksamin.

Hipotesis

Batay sa mga nabuong katanungan tungkol sa Konsepto ng

bakteryang Treponema Pallidum, ang mga mananaliksik ay

nakabuo rin ng tentatibong kasagutan mula sa obserbasyon at

kaalaman.

1. Ang bakteryang ito ay nagdudulot ng sakit na syphilis.

2. Ang bakteryang ito ay nagdudulot ng pangmatagalang

sakit sa tao. Sa pamamagitan ng “Sexual Transmitted”

pero naipapasa din ito habang nasa sinapupunan pa

lamang ang bata.

3. Ang mga sinyales at sintomas sa unang kalagayan sa

sakit na syphilis ay makikita sa loob ng 21 na araw.

Ang pinakasintomas ay ang spirochete filled lesion mas

kilala bilang chancre.


4. Ang mga sintomas sa pangalawang kalagayan sa sakit na

syphilis ay mga Swollen lymph nodes, Malaise, Fever at

Pharyngitis.

5. Sa pangalawang kalagayan sa sakit na ito ay mahirap ng

hanapan ng lunas.

KABANATA II

Rebyu ng mga Kahawig na Literatura


Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga pag-aaral na

may kinalaman sa ginawang pag-aaral. Nagbibigay ito ng ng

karagdagang kaaalaman tungkol sa paksang pinagaralan upang

mas maunawaan ng mga mambabasa.

Kaugnay na Literatura

Ang Treponema Pallidum ay isang gram-negatibong

bakterya na spiral ang hugis. Ito ay isang panloob na

parasito na nagiging sanhi ng sakit na syphilis, isang

talamak na sakit ng tao. And syphilis ay isang sexually

transmitted sakit ngunit ang transmisyon ay maaari ring

maganap sa pagitan ng ina at anak sa utero; ito ay tinatawag

na congenital na sakit.

Yugto at Sintomas

Ang pangunahing yugto ng sakit na Treponema Pallidum ay

nangyari sa ilang sandali pagkatapos mahawaan ng bakterya.

Ito ay nagsisimula sa isang maliit at walang kahirap-hirap,

ngunit lubos na nakakahawa, ang mga bilugang sugat na

tinatawag na chancre. Maaaring lumitaw ang sugat na ito sa

loob ng iyong bibig o ari, kung saan pumasok ang bakterya sa

katawan. Sa average, ang mga sugat ay lumalabas sa loob ng

tatlong linggo matapos ang impeksyon, ngunit maaari itong

tumagal sa pagitan ng 10 at 90 araw. Ang sugat ay maaaring


manatili sa pagitan ng dalawa at anim na linggo. Ang

syphilis ay naiitransmit sa pamamagitan ng direktang kontak

sa sugat. Ito ay karaniwang nangyayari sa panahon ng sekswal

na aktibidad.

Sa panahon ng ikalawang yugto ng Treponema Pallidum,

maaari kang makaranas ng pantal sa balat at namamagang

lalamunan. ang Pantal ay hindi makati at karaniwang

matatagpuan sa iyong Palms at soles. Ang ilang mga tao ay

hindi mapapansin ang pantal bago ito mawala.

Iba pang mga sintomas ng sakit na Treponema pallidum ay

pananakit ng ulo, namamaga lymph glandula, pagkapagod,

lagnat, pagbaba ng timbang, pagkalagas ng buhok at sumasakit

joints. Ang mga sintomas na ito ay mawawala kahit nalunasan

man o hindi. Ngunit kung hinodi nalunasan ay maaaring ikaw

ay nagtataglay parin ng inpeksyon.

Ang ikatlong yugto Treponema Pallidum ang tago o

nakatagong yugto. Ang pangunahin at pangalawang sintomas ay

mawawala at hindi ka magkakaroon ng anumang kapansin-pansin

na mga sintomas sa yugtong ito. Gayunpaman, ikaw pa rin ay

nahawaan ng treponema. Ang pangalawang sintomas ay maaaring

lumitaw muli. Maaari ring manatili sa yugtong ito sa loob ng

ilang taon bago magkaroon ng progreso sa tersiyaryo

treponema. Ang huling yugto ng impeksiyon ay tersiyaryo


treponema . Isang-katlo ng mga taong hindi nakatanggap ng

paggamot para sa treponema ay papasok sa hakbang na ito.

Tertiary treponema ay maaring maganap sa loob ng taon o

dekada pagkatapos mahawaan, at ito ay lubos na seryoso. Ang

ilang mga potensyal na kinalabasan ng tersiyaryo sipilis ay

kinabibilangan ng: kabulagan, kabingihan, sakit sa isip,

pagkawala ng memorya, pagkasira ng soft tissue at buto,

neurological disorder (eg, stroke at meningitis), sakit sa

puso, neurosyphilis (utak o utak ng galugod impeksiyon) at

kamatayan.

DIAGNOSIS

Dahil sa ating walang kakayahang mg kulture ng

Treponema paliidum gamit ang istandard na labortoryong

pamamaraan, pagkakaiba-ibang test ang na develop para

pagtagumapayan ang pagkapabaya nito.

Ito ang iba't-ibang test para i diagnose ang sakit na ito.

1. DARK FIELD MICROSCOPY

Ito ang pinakasensitibo, tuwiran, at pinakamadaling pagsuri

ng syphilis. Gayunman, nangangailangan ito ng "special dark

field equipped microscope" at mga dalubhasa na hindi

karaniwan sa karamihan ng mga kagamitan medikal sa ngayong

panahon.
2. Nontreponemal Reaginic Antibody Tests

Ang reaginic antibody o IgG and IgM antibodies ay direkto

laban sa lipoidal antigen na nagreresulta mula sa pakikipag-

ugnayan ng "host tissues" na may Treponema pallidum.

Kaugnay na Pag-aaral

Treponema
Ayon kay (Rosenthal et.al), ang dalawang

treponemal species na nagdudulot ng malubhang

karamdaman ay ang Treponema pallidum at Treponema

carateum. Lahat ay mga morphologically identical,

makagawa ng kaparihong serologic na tugon sa tao, at

ito ay sensitibo sa penicillin. Ang mga organismo ay

maihahambing sa kanilang katangiang epidemiologic.

Epidemiology

Ayon kay (Rosenthal et.al), ang sipilis ay

laganap sa buong mundo at pangatlo sa

pinakapangkaraniwang sexual transmitted bakterya na

sakit sa United States, (after Chlarydia trachomatis

and Neisseria gonorrhaeae infections.) Sa

pangkalahatang, bumaba ang sakit na ito simula ng

natuklasan ang penicillin therapy noong 1940’s, kahit

na tumaas ang peryudik ay nagging obserbasyon sa mga

sumusunod na pagbabago ng sexually practices.

Laboratory Diagnosis

Microscopy
Ayon kay (Rosenthal et.al), Dahil ang Treponema

Pallidium ay napakaliit para makita sa pamamagitan ng

light microscopy, darkfield microscopy o special

fluorescent stains ay dapat gamitin. Para malaman ang

mga una, pangalawa at congenital syphilis ay puwede

magawa ng mabilis sa pamamagitan ng darkfield na

eksaminasyon na dumadaloy mula sa sugat ng balat.

Ngunit ang pagsusuri ay mapagkatiwalaan lamang kung ay

karanasan sa microscopist sinusuri kaagad ang klinikal

na gamit na may aktibong motile spirochetes. Ang

spirochetes ay hindi makakayanang makapunta sa

laboratoryo, at tissue debris ay puwede magkamali sa

nonviable spirochetes.

Culture

Ayon kay (Rosenthal et.al), nagsikap sa pag

culture ng Treponema Pallidium, ang vitro ay hindi

dapat subukan ang organismo na hindi nalinang sa

artificial cultures.

Nucleic Acid-Based Test ay nabuo para malaman ang

Treponema Pallidium sa genital lesions, infant blood at


cerebrospinal fluid ngunit ito lang ang maaring gamitin

sa riserts o referens na laboratoryo.

KABANATA III

Metodolohiya
Ipapaliwanag sa bahaging ito anf detalye kung paano

isinagawa ang pag-aaral tulad ng paglalarawan sa disenyong

ginamit sa pananaliksik, mga kalahok, paraan ng pagtitipon

ng datos, instrumenton ginamit at ang paraan ng pagsusuri ng

datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay isinagawa sa disenyo ng pamamaraang

diskriptibo na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin

ng mga mananaliksik sa pag-aaral tungkol sa konsepto ng

bakteryang Treponema Pallidum.

Mga Tagataya/ Kalahok

Ang mga piling respondente sa pag-aaral na ito ay ang

limampung pasyente ng Mission Hospital na nagpasuri sa sakit

na Syphilis.

Kagamitan
Sa pag-aaral naming ginawa patungkol sa “ Konsepto sa

Bakteryang Treponema Pallidum” gumamit kami ng mga artikulo

at ilang pag-aaral mula sa internet at iilang mga libro

patungkol dito. Gamit nito, inyong matatanto ang mga

konsepto na nakapaloob sa bakteryang Treponema at para

makakalap kami ng impormasyon tungkol dito.

Paraan ng Pagtitipon ng datos

Sa pagtitipon ng mga datos sa internet, mga aklat,

kumuha lamang kami ng mga ideya ukol sa paksa na maaring

makatulong o makadagdag ng impormasyon. Ang paraan ng

pagtitipon ng datos nag sagawa kami ng interbyu o panayam sa

isang Propesyunal na Medical Technologist na aming kilala at

inalam naming ang kaniyang nalalaman sa bakteryang Treponema

Pallidum at sa sakit na maidudulot nito. Nais naming malaman

kung ang sakit na Syphilis ay isa na bang karaniwang sakit

sa kasalukuyan. Pati na rin ang mga sinyales at simtomas na

nararasan ng isang pasyente na positibo sa sakit n

nabanggit. At mga kaalyado ng Health Care System ay

makakatulong upang maipabatid sa lahat kung ano ang dapat

gawin upang maiwasan ang sakit na ito.


Sa aming pagkakalap ng impormasyon nais naming masagot

ang aming katanungan at mabigyan solusyon ang sakit na

maidudulot ng bakteryang Treponema Pallidum.


BIBLIOGRAPIYA

Aklat

Bauman, R.(2011).Microbiology with Diseases by Taxonomy.

(3rd Ed.).United States of America:Publishing as Benjamin

Cummings, Inc.

Jawets, G.(2013).Medical Microbiology.(26th Ed.).United

States of America: The McGraw-Hill Publisher.

Parry, W.(1073).Communicable Diseases.(2nd Ed.).Great

Britain.

Internet

http://www.cdc.gov/std/syphilis/stdfact-syphilis.htm

http://www.webmd.com/sexual-conditions/guide/syphilis

edul.edu/-tfigurel/Treponemapallidum4.html

http://www.microbiologybytes.com/video/Tpallidum.html
Iba’t-ibang Konsepto ng Treponema Pallidium

Isang pananaliksik na iniharap kay

Bb. Tessahnie S. Serdena

sa Asignaturang Filipino 2

sa Pamantasan ng San Agustin

Lungsod ng Iloilo

Nina

Bayhon, Angelica Joy

Celuso, Fulgencio IV

Duronio, Jorica Lynn

Obera, Alyssa Faye

Sayomac, Shane

MLS 1-D

Marso 2015

You might also like