You are on page 1of 2

Pananagutang kaakibat ng Social Media

NETIZEN ang tawag sa taong nahuhumaling sa pag-iInternet, ang Internet ay isang


‘metapisikal’ na mundong nagpatanyag ng iba’t-ibang Internet forums, weblogs, social
blogs, microblogging, wikis, podcasts o mas kilala bilang mga halimbawa ng social media na
kinahuhumalingan ng marami sa ating
mga kabataan sa kasalukuyan.

Ang social media o media of social


interaction ay group of web-based
application na lumilikha ng ideolohikal at
teknolohikal na pundasyon ng  Web 2.0
at naglalayong mapabilis na pakikipag-
ugnayan ng bawat indibidwal sa iba’t-
ibang panig ng daigdig.

Instrumento ng malawakang
pagpapahayag ang social media, ito ay
isang tiyak na daan kung saan maaring
nakapagsiwalat ng mga personal na
saloobin, opinyon at suhestyon paukol sa
kung ano mang isyung pangkabuhayan,
panlipunan, at iba pa.

Ginagamit ang social media sa


kasalukuyan upang mangalap at pamamahagi ng mga makabuluhang impormasyong
makaka-apekto sa pamumuhay ng iilan, para man sa ikabubuti o ikasasama , lahat isini-
share.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas na ang may pinakamadaming ‘net-users’ sa buong Asya kung
saan nagtala tayo ng higit kumulang 25 milyon na umuukupa sa ikapitong pwesto sa 70
milyong users ng buong daigdig.

Kaya naman sa kabila ng mga benepisyong makukuha natin sa makabagong teknolohiyang


ito, may kaakibat itong mga masasamang benepisyong lubhang makaka-apekto sa bawat
netizeng tulad natin

Kamakailan lamang, naglunsad ang tanyag na


istasyon ng isang kampanyang paukol sa
responsableng paggamit ng social media ang ‘Think
Before You Click’ Campaign na naglalayong
maisaisip ang pananagutang kaakibat ng bawat
‘click’ sa kompyuter na ating isasagawa.

Makabuluhan ang bawat pagpindot sa kompyuter


na ating ginagawa, maaaring ito ay makaapekto at
matapak ng pagkatao ng isang mamayan lalo pa’t relihiyon, pamumuhay at pulitika ang
pinag-uusapan, kaya naman lahat tayo ay dapat na maging maingat sa paglathala ng mga
kathang ipino-‘post’ natin sa walang hanggang mundo ng Internet na kung saan tayong mga
netizen ay namamalagi at namumuhay.
References:

http://technorati.com/blogging/article/bin-laden-death-rules-social-media/

http://www.gmanews.tv/story/226420/technology/think-before-you-click-gma-urges-responsible-
tweeting

http://www.zdnet.com/news/net-population-to-hit-5-billion-by-2025/467028

http://wikipedia.org

http://www.icaservices.com/group_info.htm

You might also like