You are on page 1of 5

TEKSTONG PROSIDYURAL

Mga dapat tandaan sa paggamit ng Soldering Iron

Dallen Yvon M. Apique

1. Ang soldering iron ay pwedeng maginit ng mahigit 300°C na pwedeng makadulot ng

pagsunog kaya dapat itong gamitin ng maayos at maingat.

2. Tanggalin ang Soldering iron sa plug kapag hindi ito ginagamit

3. Ilayo ang power cord sa mga daan na pwedeng matapakan ng tao.

4. Iwasan ang paghawak sa dulo ng soldering iron dahil pwede itong makadulot ng

pagsunog ng balat.

5. Pag hindi ginagamit ang Soldering Iron ilagay ito sa kanyang stand.

6. Magtrabaho sa isang ‘ventilated’ na lugar.

7. Iwasan ang paghinga sa smoke na lumalabas sa dulo ng soldering iron

8. Ang solder ay may lead, ito ay nakakalason kaya hugasan ang kamay ng maigi

pagkatapos gamitin ito.


TEKSTONG NARATIBO

Ina, patawad

Dallen Yvon M. Apique

Isang ina na hindi makapagsalita

Ginagawa lahat ng kanyang makakaya

Kahit na mahirap

Para lang sa kanyang minamahal na anak

Ang kaniyang anak na palaging nanghihingi ng mga materyal na bagay

Nagagalit sapagkat hindi nito nabibigay ang kaniyang gusto

“Sana naging anak na lang ako ng mayaman

Para hindi ako naghihirap ng ganito”

Nahiya ang kaniyang ina

Gusto niyang ibigay lahat ng gusto ng anak niya

Pero paano nga ba

Kung wala namang tumatanggap sa isang tulad niya ?

Siya ay nagpasya at nag-iwan ng sulat:

“O aking anak
Akoy aalis muna at maghahanap ng trabaho

Para maibili kita ng gusto mo”

Masaya, yan ang pakiramdam niya

Sa wakas, mabibilhan na rin siya ng kaniyang mga gusto

Hindi man lang nag-alala

Sa Ina niyang naghihirap para mapasaya siya.

“Isang matandang babae, natagpuang patay sa ilalim ng tulay

Yan ang ulat ng nagbabalita

Kinutuban at natakot ang anak

“Sana naman hindi siya ang aking ina”

Gabi na at hindi pa rin umuuwi ang kanyang ina

Nag-aalala na a natataranta na siya

Tok tok tok, katok sa pintuan

Pagbukas at nandoon ang ina

Nawala ang pag-alala

Napaiyak at nanginig ang kanyang tuhod

Niyakap ang gulat na gulat na Ina

“Ina, patawad” sabi niya.


TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Pagtangkilik sa KPOP ng mga Pilipino

Dallen Yvon M. Apique

Sa mundong ito, hindi mawawala ang mga away. Away dito, away doon. Iba’t-iba

ang mga dahilan at iba’t-iba ang kinalalabasan. Halimbawa na lang nito ay ang

pagtangkilik ng KPOP sa Pilipinas.

Hindi natin mapagkakaila na marami ang naiimpluwensiyahan ng KPOP, mabuti

at hindi mabuti sa kadalasan mga binata at dalaga sa Pilipinas at di rin maiwasan ang

away dahil marami ang tutol at sabi pa nga nila ‘Walang kwenta daw ito’ dahil

nakakalimutan na daw natin ang ating pagkaPilipino dahil tinatangkilik na natin ang

KPOP at kadalasan nga ay ginagaya pa ito. Sabi pa nga nila hindi daw totoong Pilipino

ang isang Pilipino kung tinatangkilik nila ang hindi sa kanila kagaya ng KPOP,

tinatangkilik ang ibang mga tao na hindi nila kalahi. Bakit nga ba ganito? Di ko

maiwasang tanungin ang aking sarili, mali ba talaga kapag tayo ay tumatangkilik sa

mga produkto, o ano pa man diyan na hindi sariling atin? Marami naming naggawa ng

KPOP na nagpabuti sa buhay naming mga tumatangkilik sa KPOP ha? Marami kaming

natutunan, pagsayaw, pagkanta, at iba pa. Pero nakarating ako sa sarili kong sagot,

wala namang masama sa pagtangkilik sa iba. Hindi naman sigurong masama na

magenjoy diba? Hindi naman sigurong masama kung mas gustuhin natin ang sa kanila

kaysa sa atin diba? Pero dapat may limitasyon. Huwag nating kakalimutan ang kung

ano tayo at kung saan tayo nanggaling.

Sa akin lang ay, maari tayong tumangkilik sa iba pero may limitasyon at dapat

hindi natin kalimutan ang limitasyon na iyon. Huwag kalimutan ang sariling atin, huwag

isantabi kundi isabay-sabay para mas enjoy.

You might also like