You are on page 1of 2

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA

Schools Division Office – Guimba West Annex

Guimba, Nueva Ecija

Filipino IV
KILALANIN: Mga Prominenteng Tao sa Nueva Ecija
Performance Task

Unang Bahagi
1. Gumawa ng pagtitipon o compilation ng mga sikat o prominenteng tao sa ating lalawigan.
Minimum ng sampu (10) ngunit di hihigit sa labing-lima (15)

2. Ilagay ang kanilang mga importanteng detalye sa kanilang buhay gaya ng, ngunit hindi
limitado sa, mga sumusunod:
a. Tunay na pangalan (kung gumagamit ng pen name o screen name)
b. Bayang Sinilangan sa Nueva Ecija (Hal. Sto. Cristo, Guimba, Nueva Ecija)
c. Maikling salaysay ng kanilang buhay
d. Mga nakamit na karangalan (Hal. Gold Medalist sa SEA Games);
e. Mga maipagmamalaking nagawa (Hal. Imbensyon o mga “obra maestra”)

3. Gawin ito sa short bond paper at ilakip sa isang short brown envelope.

4. Maaaring maglagay ng mga palamuti, kulay o anumang magbibigay buhay sa iyong output.
Gawin ito ng malinis ngunit gamitin padin ang pagiging malikhain.

5. Maglagay ng pahina ng pabalat o cover page sa iyong envelope na naglalaman ng mga


sumusunod:
a. KILALANIN : Mga Prominenteng Tao sa Nueva Ecija
b. Output sa Filipino IV – Unang Markahan
c. Pangalan;
d. Pangkat at Baitang;

6. Ang output na ito ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubrics sa ibaba:


RUBRICS
50% Nilalaman o Content
20% Pagiging Malikhain o Creativity
10% Kalinisan ng Output o Cleanliness
10% Pagpapasa sa tamang oras o Timeliness
100% Kabuuan

7. Ipapasa ang output na ito sa December 4, 2020 (Friday). Tandaan na ang pagpapasa sa
tamang oras ay kabahagi ng rubrics.

Address: Faigal St., Brgy Sto. Cristo, Guimba, Nueva Ecija


Tel. No.: (044) 3550 - 400
105415
Email Address: 105415@deped.gov.ph SCHOOL ID
Ikalawang Bahagi
Ipagpalagay mong nasa taong 2035 na tayo ngayon. Ang iyong pangarap ay natupad na (Hal.
Maging isang pulis o inhinyero). Ipakilala mo ang iyong sarili at magbihis ng naaayon sa iyong
trabaho (Hal. Police uniform) o natupad na pangarap (Hal. Sikat na artista). Sagutin ang mga
sumusunod na tanong:

1. Ano sa tingin mo ang iyong magiging kontribusyon o ambag sa ating bayan o lalawigan?
2. Layon mo bang maging isang prominenteng tao? Bakit o bakit hindi?

I-video ito at ipadala o i-send sa ating official group chat. Ang Performance Task na ito ay
mamarkahan sa pamamagitan ng rubrics sa ibaba:

RUBRICS
40% Nilalaman o Content
40% Paraan ng paglalahad o Presentation
10% Angkop na kasuotan o Costume
10% Pagpapasa sa tamang oras o Timeliness
100% Kabuuan

Address: Faigal St., Brgy Sto. Cristo, Guimba, Nueva Ecija


Tel. No.: (044) 3550 - 400
105415
Email Address: 105415@deped.gov.ph SCHOOL ID

You might also like