You are on page 1of 1

Jessa Mae B.

Sabado

Balitt-3

PILOSOPIYA, MISYON, AT BISYON NG CENTRAL STATE UNIVERSITY

Ang Pilosopiya ng Central State University ay nais bigyan ang bawat estudyante ng mataas na
klase ng edukasyon para magkaroon ng maganda at mahusay na kontribusyon sa
edukasyon,ekonomiya,sosyal,kuktural,political at moral sa madaling salita upang mag karoon ng
kontribusyon sa pag papalaganap ng pagiging maayos ng ating lugar/bansa. Ang Misyon ng
Central State University ay masasabing isang pamantasang may pandaigidigang kahusayan na
nag bibigay karunungan sa mga estudyante. Sinasabi na ang Clsu ay nililinang ang bawat
estudyante nito upang maging handa sa loob o labas ng bansa. Nais ng Central State Univeristy
makabuo ng isang estudyante na kayang makipag sabayan hindi lamang sa sarili nating bansa
kundi na rin sa iba pang mga bansa. Gusto ng CLSU na bigyan ng maganda at mataas na
edukasyon ang bawat mag aaral upang ito ay makasabay at mapahusay ang isang estudyante
saan man ito makarating. Ang Bisyon ng Central State University ay magkaroon o makabuo ng
isang estudyanteng responsabble at may pananagutan sa mundong kaniyang ginagalawan. Nais
din ng CLSU na maging handa ang bawat isa sa totoong laban ng buhay pag sila ay
nakapagtapos na sa pag aaral. Kaya binibigay lahat ng CLSU ang pinakamahusay na edukasyon
sa bawat mag aaral upang pag sila ay nakapagtapos na sakanilang pag aaral sila ay handa na sa
pag tratrabaho at handa na sila kung ano nga ba talaga ang buhay pag katapos ng pag aaral.

Bilang isang estudyante ng Central State Universty sa ilalim ng kursong Bachelor of Arts in
Literarture ay lubos na nag papasalamat dahil isa ako sa mga estudyanteng nakasama sa
pamantasan na ito. Nakasama sa isang unibersidad na may mataas na kwalidad ng edukasyon na
makakatulong sa akin balang araw. Ang tanging maaambag ko sa pamantasan na ito ay kundi
pag husayan at isa puso’t isip ang bawat tinuturo upang sa aking pag tatapos mananatili ang
bawat aral na aking natutunan sa loob ng Central State University na aking magiging sandata sa
totoong buhay na aking haharapin pag ako ay nakapagtapos na.

You might also like