You are on page 1of 4

Taon 34 Blg.

19 Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) — Luntian Nobyembre 08, 2020

Huwag Kang Kakapusin


natutuhan lamang maghanda
kung kailan malapit na ang
oras. Ito yaong mga taong
habang malakas pa at may
panahon, kung ano-ano ang
pinagkakaabalahan; pero kung
kailan kakaunti na lamang
ang natitirang pagkakataon,
saka lamang kumikilos at
nagkukumahog. Ilang tao na
sumapit na sa dapit ng kanilang
buhay ang nagsasambit: “Sana
nagawa ko ang mahahalagang
bagay na ito noong aking pang
kalakasan.”
Panghuli, “hangal” yaong
mga taong inaakala na lahat
ng bagay ay mahihiram nila sa
iba. May mga bagay na non-
transferrable at hindi natin

T alaga namang nakaka-


taranta kapag “kinapos”
—kinapos ng handa, kinapos
paghihintay upang sa gayo’y
maging marunong o matalino;
at maiwasang maging hangal.
maipapasa sa iba. Sa pagsusulit,
hindi maaaring hiramin ng
isang mag-aaral ang talino ng
ng gasolina, kinapos ng pera, “Hangal” yaong mga kanyang katabi (maliban na
o kinapos ng hininga. Yaong taong mali ang ginagawang lamang kung siya’y mangopya).
bang hindi mo magawa ang paghahanda. Batid nilang Gayundin sa pagdating ng araw
mga bagay na dapat mong dapat maghanda, subalit ng paghuhukom, huhusgahan
gawin dahil nga sa kinapos pawang hindi tumugma ang tayo batay sa ating sariling
o kinulang. Maituturing na ginagawa nilang paghahanda pananalig at mga ginagawang
“kahangalan” kung binigyan sa kanilang pinaghahandaan. kabutihan. Hindi natin ma-
ka ng pagkakataon upang Walang pinag-iba sa mag- aaring hiramin ang puso ng
makapaghanda pero hindi aaral na matiyagang nagpuyat iba upang tayo ay maligtas.
naman ito sinamantala. para aralin ang Mathematics, Sa mga oras na iyon, hindi na
Ganyan ang naging kalaga- pero kinabukasan nalaman rin natin kayang ambunan pa
yan at kapalaran ng lima sa na Science pala ang kanilang ng ating pananalig yaong mga
sampung dalaga na naghihintay pagsusulit. Gayundin sa taong nagpabaya sa kanilang
sa pagdating ng lalaking mga nagsisikap makarating pananampalataya habang sila’y
ikakasal: bagamat may dala ng langit: paano natin ito nabubuhay pa sa daigdig.
silang ilawan, hindi naman sila makakamit kung ang pinag- Kapusin ka na sa maraming
nagbaon ng ‘pasobrang langis.’ aaksayahan natin ng panahon bagay sa mundong ito, huwag
Kaya’t noong maantala ang ay yaong mga bagay na ka lang kakapusin sa pananalig
dating ng kanilang hinihintay, panlupa? sa Diyos, huwag ka lang
huli na dahil ‘kinapos ng langis “Hangal” yaong mga taong kakapusin sa pagmamalasakit
ang kanilang ilawan.’ huli na ang panahon sa at gawang-kabutihan sa iyong
Mula rito, ilang aral ang paghahanda. Kabilang dito kapwa-tao.
ating matututunan tungkol yaong mga napakahilig sa
sa tamang paghahanda at cramming o last-two-minutes— —Fr. Alex Melchor Tupas

Basahin ang pagninilay bago o pagkatapos lamang ng Misa upang


makabahagi nang taimtim at ganap sa Banal na Pagdiriwang.
PASIMULA P - Panginoon, kaawaan mo kami. natatagpuan ng naghahanap
B - Panginoon, kaawaan mo kami. sa kanya, at nakikita agad ng
Antipona sa Pagpasok [Sir 88:2] mga nagpapahalaga sa kanya.
(Basahin kung walang pambungad na awit) Gloria Madali siyang nagpapakilala
D’yos ko, ako’y iyong dinggin, Papuri sa Diyos sa kaitaasan sa mga naghahangad sa kanya.
pakinggan sa pagdalangin, tulu­ at sa lupa’y kapayapaan sa Hanapin mo siyang maaga at
ngan sa aking daing. Pandinig mo mga taong kinalulugdan niya. agad mo siyang matatagpuan,
ay ikiling sa pagluhog ko’t paghiling. Pinupuri ka namin, dinarangal makikita mo siyang nag-aabang
ka namin, sinasamba ka namin, sa iyong tarangkahan. Isipin mo
Pagbati ipinagbubunyi ka namin, lamang siya at magkakaroon
(Gawin dito ang tanda ng krus) pinasasalamatan ka namin ka ng ganap na pagkaunawa;
P - Sumainyo ang Panginoon. dahil sa dakila mong angking hanapin mo siya’t matatahimik
B - At sumaiyo rin. kapurihan.Panginoong Diyos, ang iyong kalooban. Pagkat
Hari ng langit, Diyos Amang hinahanap niya ang mga kara-
Paunang Salita makapangyarihan sa lahat. pat-dapat sa kanya, at makikita
(Maaaring basahin ito o isang katulad Panginoong Hesukristo, ka niya saan ka man naroon.
na pahayag) Bugtong na Anak, Panginoong Siya’y maamo at sasamahan ka
P - Mga kapatid: May ugali tayong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak niya sa bawat iniisip mo.
ipagpaliban ang ating gawain, ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng — Ang Salita ng Diyos.
gayundin ang pagpapasya at ang mga kasalanan ng sanlibutan, B - Salamat sa Diyos.
pagtatalaga ng sarili sa isang layunin. maawa ka sa amin. Ikaw na
Pagdating ng tak­dang araw para nag-aalis ng mga kasalanan Salmong Tugunan (Slm 62)
magdesisyon o gumawa, “Bahala ng sanlibutan, tanggapin mo
na!” ang nasasambit natin. ang aming kahilingan. Ikaw na T - Aking kinasasabikan,
Itinuturo sa atin ng Talinghaga naluluklok sa kanan ng Ama, Panginoon, ikaw lamang.
ng Sam­p ung Dalaga na ang maawa ka sa amin. Sapagkat
pagpapaliban sa mga bagay ikaw lamang ang banal, ikaw
na dapat nating harapin, at ang lamang ang Panginoon, ikaw
pagsasabi ng “Bahala na!” ay lamang, O Hesukristo, ang
ikapapahamak ng ating buhay Kataas-taasan, kasama ng
espirituwal. Agad nagpapasya at Espiritu Santo sa kadakilaan
kumikilos para sa kaharian ng Diyos ng Diyos Ama. Amen.
ang isang matalinong Kristiyano.
Bilang mga mananampa­lataya, Pambungad na Panalangin
dapat tayong maging laging P - Manalangin tayo. (Tumahimik)
handang makatagpo ang Diyos sa Ama naming makapangyari­ 1. O Diyos, ikaw ang aking
mga taong ating nakakasalamuha han, para mo nang awang Diyos na lagi kong hinahanap;/
at sa mga karaniwang pang­yayari ilayo sa amin araw-araw ang ang uhaw kong kaluluwa’y
sa ating buhay. lahat ng mga sumasalungat sa tanging ikaw yaong hangad;/
amin at huma­hadlang upang para akong tuyong lupa na
Pagsisisi tubig ang siyang lunas. (T)
ang aming buong katauhan
P - Mga kapatid, aminin natin ay magkaroon ng kalayaan 2. Bayaan mong sa santwaryo,
ang ating mga kasalanan upang para kusang sundin ang iyong sa lugar na dakong banal,/
tayo’y maging marapat sa pagdi- kalooban, sa pamamagitan ni ikaw roo’y mamasdan ko,
riwang ng banal na paghahaing Hesukristo kasama ng Espiritu sa likas mong karangalan./
nagdudulot ng kapatawaran ng Santo magpasawalang hanggan. Ang wagas na pag-ibig mo’y
B - Amen. mahigit pa kaysa buhay,/ kaya
Maykapal. (Tumahimik)
P - Panginoon, kami’y nagkasala ako’y magpupuri’t ikaw ang
sa iyo.
PAgpapahayag pag-uukulan. (T)
B - Panginoon, kaawaan mo kami. ng salita ng diyos
3. Habang ako’y nabubuhay,
P - Kaya naman, Panginoon, ipakita Unang Pagbasa [Kar 6:12-16] ako’y magpapasalamat,/ at
mo na ang pag-ibig mong wagas. (Umupo) ako’y dadalangin na kamay
B - Kami ay lingapin at sa ko’y nakataas./ Itong aking
kahirapan ay iyong iligtas. Kung tapat ang paghahangad
k a l u l u w a ’ y k a k a i n g m ay
natin sa karunungan ng Diyos,
P - Kaawaan tayo ng makapang­ kasiyahan/ maga­g alak na
madali natin itong masusumpu­
yarihang Diyos, patawarin tayo sa umawit ng papuring iaalay. (T)
ngan. Tulad ito ng isang babaeng
ating mga kasalanan, at patnu­bayan ibinibigay ang sarili sa kabiyak 4. Laman ka ng gunita ko saman­
tayo sa buhay na walang hanggan. na karapat-dapat sa kanya. talang nahihimlay/ mag­damag
B - Amen. Pagbasa mula sa aklat ng na ang palaging iniisip ko ay
P - Panginoon, kaawaan mo kami. Karunungan ikaw;/ pagkat ikaw sa tuwina
B - Panginoon, kaawaan mo kami. ang katulong na malapit,/ sa
P - Kristo, kaawaan mo kami. ANG Karunungan ay maning­ lilim ng iyong pakpak galak
B - Kristo, kaawaan mo kami. ning at di kumukupas, madaling akong umaawit. (T)
Ikalawang Pagbasa (1Tes 4:13-18) upang sumalubong sa lalaking paririto at huhukom sa nanga-
ikakasal. Bawat isa’y may dalang bubuhay at nangamatay na tao.
Binibigyang lakas ng loob ni ilawan. Ang lima sa kanila’y
San Pablo ang mga nag­luluksa Sumasampalataya naman ako sa
hangal at ang lima’y mata­lino. Diyos Espiritu Santo, sa banal na
sa pamamagitan ng kan­yang Ang mga hangal ay nagdala ng
pagtuturo hinggil sa muling Simbahang Katolika, sa kasamahan
kanilang mga ilawan ngunit hindi
pagkabuhay. Makaka­s ama ng mga banal, sa kapatawaran ng
nagbaon ng langis. Subalit ang
rin ng mga nabubuhay ang matatalino’y nagdala ng la­ngis mga kasalanan, sa pagkabuhay na
mga nanga­ma­tay sa kaluwal­ bukod pa sa nasa kanilang ilawan. muli ng nangamatay na tao at sa
hatian ng pag­dating ni Hesus Nabalam ng dating ang lalaking buhay na walang hanggan. Amen.
sa itinakdang panahon. ikakasal, kaya’t inantok silang
Pagbasa mula sa unang sulat ni lahat at nakatulog. Panalangin ng Bayan
Apostol San Pablo sa mga taga- Ngunit nang hatinggabi na’y
Tesalonica may sumigaw: ‘Narito na ang P - Hilingin natin sa Ama na gawin
lalaking ikakasal! Salubungin tayong mapagmatyag sa lahat ng
MGA KAPATID, ibig naming ninyo!’ Agad nagbangon ang oras upang maging handa tayong
malaman ninyo ang katotohanan sampung dalaga at inayos ang
tungkol sa mga namatay na, nang salubungin ang pagdating ng
kanilang ilawan. Sinabi ng mga
hindi kayo magdalamhati, tulad hangal sa matatalino, ‘Bigyan Panginoong Hesus. Buong tiwala
ng mga taong walang pag-asa. naman ninyo kami ng kaunting tayong manalangin:
Naniniwala tayong si Hesus ay langis. Aandap-andap na ang T - Panginoon, dinggin mo ang
namatay at muling nabuhay. Kaya a­ming mga ilawan.’ ‘Baka hindi iyong bayan.
naman, naniniwala tayong bubu­ magkasiya ito sa ating lahat,’
hayin din ng Diyos ang lahat tugon ng matatalino. ‘Mabuti pa’y L - Para sa Santo Papa, mga
ng namatay na nananalig kay pumunta muna kayo sa nagtitinda obispo, mga pari at mga
Hesus—upang isama sa kanya. at bumili ng para sa inyo.’ Kaya’t relihoso’t relihiyosa: Manatili
Ito ang aral ng Panginoon na lumakad ang limang hangal na
sinasabi namin sa inyo: pagparito nawa silang tapat sa pag-ibig ng
dalaga. Samantalang bumibili
ng Panginoon, tayong mga buhay sila, dumating ang lalaking ating Panginoong Hesukristo.
ay hindi mauuna sa mga namatay ikakasal. Ang limang nakahanda Manalangin tayo. (T)
na. Sa araw na yaon, kasabay ay kasama niyang pumasok sa L - Para sa namumuno sa ating
ng malakas na utos, ng tinig ng kasalan, at ipininid ang pinto. pamahalaan: Mapakinggan nawa
arkanghel at ng tunog ng trumpeta Pagkatapos, dumating naman
ng Diyos, bababa ang Panginoon nila nang may pagmamahal
ang limang hangal na dalaga.
mula sa langit. Bubuhayin muna ‘Panginoon, papasukin po ninyo ang mga pangangailangan
ang mga namatay na nananalig kami!’ sigaw nila. Ngunit tumu­ ng mga mamamayang kanilang
kay Kristo. Pagkatapos, tayong gon siya, ‘Sinasabi ko sa inyo: pinaglilingkuran. Manalangin tayo. (T)
mga buhay pa ay titipunin niya sa hindi ko kayo nakikilala.’ Kaya
ulap at isasama sa mga binuhay magbantay kayo, sapagkat hindi L - Para sa mga mayroong
upang salubungin sa papawirin ninyo alam ang araw ni ang oras.” matinding pinagdaraanan sa
ang Panginoon. Sa gayo’y maka­ka­ buhay: Makita nawa nila ang
piling niya tayo magpakailan­man. — Ang Mabuting Balita ng kaaliwan at pagmamahal ng
Kaya nga, mag-aliwan kayo sa Panginoon. ating Panginoong Hesukristo sa
pamamagitan ng mga aral na ito. B - Pinupuri ka namin, Pangi- mga taong handang tumulong sa
noong Hesukristo. kanila. Manalangin tayo. (T)
— Ang Salita ng Diyos.
Homiliya (Umupo) L - Para sa ating lahat na natitipon
B - Salamat sa Diyos.
Pagpapahayag ng ngayon: Kasihan nawa tayo ng
Aleluya [Mt 24:42a,44] (Tumayo) Pananampalataya (Tumayo) grasya ng Diyos upang laging
maging handa sa pagdating ng
B - Aleluya! Aleluya! Tayo ay B - Sumasampalataya ako sa Diyos
laging magtanod sapagkat di kanyang Anak. Manalangin tayo. (T)
Amang makapangyarihan sa lahat,
natin talos ang pagbabalik ni na may gawa ng langit at lupa. L - Sa ilang sandali ng katahimikan,
Hesus. Aleluya! Aleluya! Sumasampalataya ako kay Hesu- ating ipanalangin ang iba pang
kristo, iisang Anak ng Diyos, mga pangangailangan ng ating
Mabuting Balita (Mt 25:1-13) Panginoon nating lahat, nagkata- pamayanan pati na rin ang
wang-tao siya lalang ng Espiritu ating pansariling kahilingan.
P - Ang Mabuting Balita ng
Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Manalangin tayo: (T)
Panginoon ayon kay San Mateo
Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio
B - Papuri sa iyo, Panginoon. P - Panginoon, dinggin mo ang
Pilato, ipinako sa krus, namatay,
NOONG panahong iyon, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan panalangin ng iyong bayan. Pana­ti­
sinabi ni Hesus sa kanyang mga ng mga yumao, nang may ikatlong lihin mo kaming tapat sa iyo upang
alagad ang talinghagang ito: araw nabuhay na mag-uli. Umakyat maging karapat-dapat kaming
“Dito maitutulad ang pagpasok sa langit. Naluluklok sa kanan ng makibahagi sa iyong kalu­walhatian
sa kaharian ng Diyos: may Diyos Amang makapangyarihan ngayon at magpakailanman.
sampung dalagang lumabas sa lahat. Doon magmumulang B - Amen.
Pagdiriwang
ng huling hapunan
Paghahain ng Alay (Tumayo)
P - Manalangin kayo...
B - Tanggapin nawa ng Pangi­
noon itong paghahain sa iyong
mga kamay sa kapurihan niya
at karangalan sa ating kapaki­
nabangan at sa buong Sambayanan
niyang banal.
Panalangin ukol sa mga Alay
P - Ama naming Lumikha,
kalug­dan mo ang paghahain
ng mga natitipon dito upang
ang aming ginaganap na
pag-aalay ng sarili ng Anak
mo ay aming pakina­b angan
s a k a nya n g p a m a m a g­ i t a n
kasama ng Espiritu Santo mag­
pasawalang hanggan.
B - Amen.

Prepasyo (Karaniwan VI)


P - Hinihiling naming... Pagtatapos
P - Sumainyo ang Panginoon. B - Sapagkat iyo ang kaharian at
B - At sumaiyo rin. ang kapangyarihan at ang kapu­­ P - Sumainyo ang Panginoon.
P - Itaas sa Diyos ang inyong B - At sumaiyo rin.
puso at diwa. rihan magpakailanman! Amen.
B - Itinaas na namin sa Panginoon. Pagbabasbas
Pagbati ng Kapayapaan
P - Pasalamatan natin ang
Panginoong ating Diyos. Paanyaya sa Pakikinabang P - Magsiyuko kayo samantalang
B - Marapat na siya ay pasala­ (Lumuhod) iginagawad ang pagpapala.
matan. (Tumahimik)
P - Ama naming makapangyari­ P - Ito ang Kordero ng Diyos. Ito P - Gawaran nawa kayo ng
han, tunay ngang marapat na ang nag-aalis ng kasalanan ng p a g p a p a l a n g m a awa i n g
ikaw ay aming pasalamatan. sanlibutan. Mapalad ang mga Diyos upang lagi ninyong
Nasa iyo ang aming inaanyayahan sa kanyang piging. mapahalagahan ang kanyang
buhay, pagkilos at pag-iral. B - Panginoon, hindi ako ka- karunungang nagdudulot ng
Sa pamumu­hay namin araw- rapat-dapat na magpatulóy sa kaligtasang walang hanggan.
araw tinatamasa namin ang iyo ngunit sa isang salita mo B - Amen.
lamang ay gagaling na ako.
iyong pagmamahal. Sa pag-ibig P - Gawaran nawa ng
mong ipinunla sa sangkatauhan Antipona sa Komunyon katatagan ng Diyos ang inyong
ang Espiritu Santo’y unang (Slm 23: 1-2) pananampalataya na nasasalig
aning bigay ng Anak mong sa kanyang pagmamahal upang
Pastol kong nagtataguyod ang
naglagak sa amin ng katiyakang Panginoong aking D’yos, di ako mamalagi kayong nagsisikap
nakalaang mabuhay kami sa maghihikahos: pagkai’y kan­yang gumawa ng kabutihan ngayon
piling mo kailanman. kaloob, inumin ay kanyang dulot. at magpasawalang hanggan.
Kaya kaisa ng mga anghel B - Amen.
na nagsisiawit ng papuri sa Panalangin Pagkapakinabang P - Patnubayan nawa ng Diyos
iyo nang walang humpay sa (Tumayo) ang inyong paglakad sa daang
kalangitan, kami’y nagbubunyi hahantong sa kanya upang
sa iyong kadakilaan: P - Manalangin tayo. (Tumahimik)
Ama naming mapagmahal, inyong taluntunin ang landas
B - Santo, Santo, Santo. . .(Lumuhod) ng pag-ibig at kapayapaang
tinatanaw naming utang na loob
Pagbubunyi (Tumayo) ang banal na pakikinabang at walang hanggan.
B - Amen.
inilu­luhog naming ang Espi­ritu
B - Si Kristo’y namatay! Si P - Pagpalain kayo ng makapang-
Santo ay mag-umapaw sa kaloo­
Kristo’y nabuhay! Si Kristo’y yarihang Diyos, Ama at Anak (†)
ban naming kanyang tini­tigib ng
babalik sa wakas ng panahon! at Espiritu Santo.
iyong kadakilaan upang ang iyong
B - Amen.
kagandahang-loob ay manatili sa
Pakikinabang amin palagian sa pama­­magitan Pangwakas
ni Hesukristo kasama ng Espiritu
Ama Namin P - Tapos na ang Banal na Misa.
Santo magpasa­walang hanggan. Humayo kayong mapayapa.
B - Ama namin... B - Amen. B - Salamat sa Diyos.

You might also like