You are on page 1of 4

KRISTY DAWN COLLEGE OF DAVAO, INC.

Phase-2 Deca Homes Indangan, Buhangin, Davao City


Email Add: kdmai2004@gmail.com
DepEd Government Recognition Permit No. R-XI-004, s. 2016
Tel No. 330-3284

ESP
nd
2 PERIODICAL EXAM

Name: ____________________________________ Date: ______________________


Teacher: Jethel D. Duling Score: _____________________

TEST I

A. Tukuyin kung ano ang tamang gawin sa sumusunod na mga sitwasyon . Bilugan ( ) ang letra ng iyong sagot.

1. Tatlong beses ka nang nagpabalik-balik sa kuwarto ng nanay mo dahil palagi siyang may pinakukuha sa iya.
a. Magdadabog na ako dahil pagod na pagod na ako.
b. Susundin ko ang lahat ng iniutos ng nanay ko.
c. Hindi ko na iintindihin ang iniuutos ng nanay ko.
2. Tinatawag ka ng tatay mo habang nanonood ka ng paborito mong palabas sa telebisyon.
a. Magbingi- bingihan ako.
b. Tatayo agad ako para malaman kung bakit ako tinatawag.
c. Patuloy ko pa ring panonoorin ang paborito kong palabas sa telebisyon.
3. Hindi mo natapos kopyahin ang mga takdang-aralin. Sinabi ng iyong guro na maiwan ka para tapusin ang
pagkopya.
a. Bigla akong tatakbo palabas ng pinto para makauwi na ako.
b. Iiyak ako dahil tinatamad na akong kumopya.
c. Magpapaiwan ako sa silid-aralan at tatapusin ko ang pagkopya.
4. Pinagbabawalan ka ng dentistang kumain ng kendi dahil nakasisira ito ng ngipin.
a. Kakain pa rin ako ng kendi.
b. Iiwasan ko na ang pagkain ng kendi
c. Hindi ko sasabihin sa nanay ko ang sinabi sa akin ng dentista.
5. Madalas mong maiwan ang lunch box mo sa paaralan. Sinabihan ka ng nanay mo na bitbitin ito agad pagkatapos
mong kumain.
a. Tatandaan at susundin ko ang sinabi ng nanay ko.
b. Hindi ko na babalikan ang lunch box ko kahit naalaala kong naiwan ko ito sa kantina.
c. Sasabihin ko sas nanay ko na nakalimutan kong iuwi ang lunch box ko.
6. Maraming makukulay na lapis ang kamag-aral mo. Naiwan niya sa upuan ang isa sa mga ito.
a. Ibibigay ko sa aking guro ang lapis.
b. Isasauli ko sa kanya ang lapis kinabukasan.
c. Kukunin ko ang lapis dahil hindi naman niya malalaman na kinuha ko ito.
7. Sinabi ng inyong guro na iuwi ang mga aklat na dapat sagutan sa bahay. Inisa-isa niya ang mga aklat na iuuwi
bago ipinalagay sa bag.
a. Ilalagay ko agad sa bag ang mga aklat na sinabi ng guro na iuuwi.
b. Hindi ko iuuwi dahil mabigat ang mga aklat.
c. Ilalagay ko na lang lahat ng aklat sa aking bag.
8. Madalas kang sabihan ng nanay mo na ayusin ang higaan pagkagising sa umaga.
a. Iuutos ko na lang sa aming kasambahay ang pag-aayos ng aking higaan.
b. Mamaya ko na aayusin pagkagaling sa paaralan.
c. Aayusin ko agad ang aking higaan pagkagising sa umaga.
9. May tuntunin sa bahay ninyo na patayin ang ilaw sa inyong silid bago matulog.
a. Pinapatay ko ang ilaw bago matulog
b. Hinahayaan kong nakabukas ang ilaw sa aking silid
c. Papatayin ko lang ang ilaw kapag nahuli ako ng nanay ko.
10. Laging pinapaalaala ng nanay mo na huwag makikipag-usap sa hindi mo kilala sa labas ng bahay o sa paaralan.
a. Nakikipag-usap pa rin ako kasi hindi naman malalaman ng nanay ko.
b. Iniiwasan kong lumalabas ng bahay o ng paaralan kung wala pa ang aking sundo.
c. Sinsabi ko agad sa guro ko kung may lumalapit na tao na gusto akong kausapin.

B. Isulat ang T kung tama ang isinisaad ng pangungusap at M naman kung mali.

___1. Papasok sa paaralan ng maaga.


____2. Pagliligpit ng mga ikinalat na laruan pagkatapos gamitin.
____3. Pagtulog nang maaga pagkatapos mag-aral ng leksiyon.
____4. Hindi pagkain ng junkfood.
____5. Pakikinig sa guro habang nagsasalita sa harap ng klase.
____6. Paggawa ng mga takdang-aralin
____7. Pagsasauli ng sukli kung inuutusang bumili sa tindahan.
____8. Pagtulong sa mga gawaing-bahay kahit hindi inuutusan.
____9. Hindi pagdadabog kung inuutusan ng nanay nang paulit-ulit
____10. Kaagad na pagsunod sa iniutos ng guro.

C. Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang Oo kung ginagawa mo ito at Hindi kung hindi mo ginagawa.

_____1. Nagmamano gabi-gabi sa nanay at tatay

_____2. Sumasagot nang malakas at hindi nakikinig sa sinasabi ng nanay at tatay


kapag hindi nasunod ang gusto.

_____3. Binabati ng “magandang umaga” ang mga guro araw-araw

_____4. Nagsasabi ng “pakiusap” sa kasambahay kung may gusting iutos o ipagawa.

_____5. Nakikinig nang mabuti sa leksiyon ng mga guro.

_____6. Nagsasabi ng “salamat” kapag nakatanggapng tulong.


_____7. Sumusunod sa inuutos ng nakatatanda

___8. Gumagamitng “po” at “opo” kapag kinakausapang nakatatanda.

____9. Nagpapaalam sa guro bago lumalabas ng silid-aralan

____10. Sumasali sa usapan ng nakatatanda kahit hindi tinatanong.

TEST II.
- BILUGAN ANG LETRA NG TAMANG GAWIN SA SUMUSUNOD NA
SITWASYON.

1. Oras na ng hapunan at abala si Nanay sa pagluluto.

A. Manood muna ako ng Telebisyon.


B. Ihanda ko ang mesa para sa hapunan namin.
C. Matulog ako at huwag ng kumain.

2. Naiwan ni bunso ang kaniyang mga laruan na nakakalat sa sala.


A. Tatawagin ko si bunso at tuturuan ko siya mag ligpit.
B. Ililigpit ko nalang.
C. Aawayin ko siya para matakot siya sa akin.

3. Gutom na ako ngunit hindi pa dumarating si tatay mula sa kaniyang trabaho.


A. Umiiyak ako ng malakas.
B. Hihintayin ko si tatay upang sabay-sabay kaming kumain.
C. Mauuna na akong kumain.

4. Nakatakda kayong mamasyal sa mall ng buong pamilya sa Linggo ng umaga ngunit


iniimbita ka ng iyong kaibigan alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Unahin ko ang pagsama sa aking Pamilya.
B. Sasama ako sa aking kaiibigan.
C. Maglayas ako kapag hindi ako papayagan ng aking mga magulang
.
5. Ano ang dapat mong gawin kapag panaho na ng pagsusulit sa inyong Paaralan?
A. Magkupya sa ka klase.
B. Aawayin ko ang aking kaklase.
C. Unawain at intindihin ang Panuto para makasagot.

6. Wala ang iyong mga magulang sa bahay pagdating mo sa paaralan, Ali sa sumusunod
ang dapat mong gawin?
A. Maglalaro ako sa aking kapit bahay.
B. Magwalis at ayusin ang kalat bago magpahinga.
C. Huwag maglabas sa bahay.

7. Inuutusan ka ng iyong Ate at Kuya na magbili ng sabon sa tindahan ano ang dapat mong
gawin?
A. Hindi ako makinig sa kanila.
B. Sundin ko ang utos at mag ingat sa daan.
C. Tumakbo ako at magsigaw papunta sa tindahan.
8. Nasira ng iyong bunsong kapatid ang laruan mo, Ano ang sasabihin mo sa kapatid mo?
A. Pagalitan ko siya.
B. Sabihan ko siya na huwag na maghiram ulit.
C. Pagsabihan ko siya na dapat siyang maingat sa susunod.

9. Nakita ko si Mama at ang kaibigan niya nag-usap at may gusto kang itanong sa mama mo, Ano ang gagawin mo?
A. Hihintayin ko hanggang matapos sila mag-usap.
B. Bigla kong isingit ang tanong ko sa kaniya.
C. Mag- iyak ako para mapansin ako at magtigil sila sa pag-usap.

10. Meron kang bagong kaklase na pumasok sa Paaralan, Ano ang hakbang na iyong gagawin?
A. Takutin ko siya
B. Kakaibiganin ko siya
C. Aawayin ko siya

GOD BLESS!!!
- Teacher Ethel

You might also like