You are on page 1of 1

CyberEd

Sa panahong moderno na ang mga kasangkapan at ang pamumuhay ,mananatili ka pa rin bang
tradisyunal? Sa kasalukuyang henerasyon ipinakilala ang mga makabagong kagamitan na pinapadali ang
pamumuhay ng bawat tao.Nasimulan sa unang siglo ang pag-imbento ng pang-araw-araw na kagamitan.

Ang Tsina ang nangunang bansa sa pag-imbento ng teknolohiya,sa kanila nanggaling ang pag-
imbento ng papel.Sa taong 1-1000 naimbento ang papel,abacus,kahusayan sa pagbilang at
paglimbag.Sinundan ito ng mga ibang bansa partikular sa Asya.Nakapaloob dito ang pagbuo ng Abacus,
isang kagamitang pang-tuos.Sa bansang India naman naisulat ang paggamit ng decimal.Ito lamang ay
pagbabalik tanaw sa pagsisimula ng teknolohiya hanggang sa pag-usbong talaga nito. Kaya't kung ikaw
ang tatanungin sasama ka ba sa patuloy na pag-usbong nito?Bakit mahalaga talaga ang teknolohiya sa
kasalukuyan lalong lalo na sa pagtuturo?

Sa kasalukan ang teknolohiya ay hindi lamang ginagamit para sa pang araw-araw na gawain sapagkat
ginagamit na rin ito sa pagtuturo.Ang teknolohiya sa pagtuturo ay nagiging sangkap na ng mga guro
upang maging produktibo ang mga ito sa pagtuturo.Sa pagtapak sa ika-20 na siglo pinagsama-sama ng
mga imbentor ang lakas ng mga naunang imbentor kung kaya't nakabuo sila ng mga gamit na kagaya ng
mga telebisyon,kamera,telepono,at kompyuter na sa ngayon ginagamit ng mga guro sa pagtuturo.

Noon,ang pagtuturo ay ginagamitan lamang ng pisara at tisa, lapis at papel ngunit ngayon
telebisyon at stylus at pen na ang gamit isang pindot mo na lang nandyan na agad, dagdagan pa ito ng
mga selpon at tablet na ginagamit ngayon upang makagawa ng mga ulat at mga takdang aralin.Mga ilan
lamang ito sa mga daan daang mga gadget na ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral.

Dati rati ang mga proyekto at mga gawain ay pinapasa talaga pisikal sa mga guro ngunit ngayon
iba na, sapagkat mayroon nang mga Gmail at Messenger , tinatawag na mga apps upang mapadala ang
mga dokumento sa gusto mong padalhan kaya madali na masyado ang pagpasa ng mga proyekto at mga
gawain naka dokumentado.Sa kasulukuyan hindi mo na kailangan magtrabaho talaga sapagkat napadali
na ng teknolohiya ang ang gawin, mula sa pagtuturo gamit ang powerpoint na ipinapakita sa telebisyon
hanggang sa pagpasa ng mga proyekto via Gmail at Messenger.At madali na rin matuto sapagkat hindi
mo na kailangan pumunta sa library upang magbasa ng libro sapagkat madali mo nang ma-access ang
gusto mong basahin na mga libro at panoorin sa iyong mga selpon gamit ang internet.

Sa kasalukuyan, nakikita natin ang pag-usbong ng teknolohiya at paano ito naging bahagi sa atin
sa pagkatuto.Mabuti naman ang tradisyunal na pagtuturo pero para sa akin sa paggamit ng teknolohiya
napapadali at nagiging masaya ang pag-aaral natin.Ngunit dapat alamin natin na hindi lahat ng mga
gawain ay dapat teknolohiya na lang lahat, dapat alam din natin ang pagpupursigi at pagtatrabaho ng
mahirap.

You might also like