You are on page 1of 2

Mother of Perpetual Help School

San Pedro, Hagonoy Bulacan


S.Y. 2020-2021
Unang Buwanang Pagsusulit
ESP 9

Pangalan:____________________________ Petsa:_______ Marka:__________

I. PANUTO
1. Ang salitang ito ay nangangahulugang pangkat at maaari ring tawaging komunidad.
a. Lipunan b. Simbahan c. Samahan d. Grupo
2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
a. Kayamanan b. Kabutihang panlahat c. Pansariling interes d.
Pagkamamamayan
3. Anong elemento ng kabutihang panlahat ang nagsisiguro na ang namamahala sa lipunan ay kinikilala ang
karapatan ng bawat indibidwal?
a. Paggalang sa indibidwal na tao
b. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat
c. Kapayapaan
d. Wala sa nabanggit
4. Anong elemento ng kabutihang panlahat ang nagsasaad ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan
ng kaguluhan?
a. Paggalang sa indibidwal na tao
b. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat
c. Kapayapaan
d. Wala sa nabanggit
5. Anong elemento ng kabuutihang panlahat ang nagsasaad na ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang
tungkulin at kailangang maibigay sa tao?
a. Paggalang sa indibidwal na tao
b. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat
c. Kapayapaan
d. Wala sa nabanggit
(6-8, Batay sa maikling kwento na “Gamot”)
6. Saan mas malaki ang paniniwala si Cenon?
a. Siyensya b. Albularyo c. Herbal d. Wala sa nabanggit
7. Ano ang naging sakit ni Cenon?
a. Leukemia b. Lung Cancer c. Colorectal Cancer d. Lupus
8. Paano nakakuha ng impormasyon si Cenon tungkol sa kaniyang sakit?
a. Pagbabasa b. Pakikinig sa radyo c. Pag-aaral d. Wala sa nabanggit
9. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon
ng maayos na pamumuhay?
a. Pampalakasan b. Pangkalusugan c. Pampubliko d. Pampulitika
10. Anong prinsipyo ang nagsasaad na tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang
makapagpapaunlad sa kanila?
a. Subsidiarity b. Solidarity c. Learning d. Empathy
11. Anong prinsipyo ang nagsasaad na tungkulin ng mga mamamayan na magtulungan?
a. Subsidiarity b. Solidarity c. Learning d. Empathy
12. Ang salitang ito ay nangangahulugang isang nagkakaisang komunidad na may iisang layunin.
a. Samahan b. Grupo c. Pagmamahalan d. Bayanihan
13. Bakit mahalaga sa isang samahan ang may pinuno?
a. Upang magkaroon ng kapayapaan.
b. Upang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
c. Upang magkaroon ng pagkukuhanan ng kabuhayan.
d. Upang magkaroon ng pagpapataasan.
(14-18, Batay sa maikling kwento na “Si Nida, Ang Babaeng Walang Pahinga”)
14. Ano ang trabaho ng ama ni Nida?
a. Pulis b. Doktor c. Sundalo d. Guro
15. Ano ang trabaho ng ina ni Nida?
a. Pulis b. Doktor c. Sundalo d. Guro
16. Bakit matindi ang kagustuhan ni Nida na makapagtapos ng pag-aaral?
a. Upang mahanap ang kaniyang ama.
b. Upang makatulong sa kaniyang ina.
c. Upang makapagyabang sa mga kaibigan.
d. Upang makabili ng mga luho niya sa buhay.
17. Ano ang ginawa ni Nida upang magkaroon ng pandagdag sa kaniyang baon?
a. Gumagawa ng proyekto ng kamag-aral kapalit ng bayad.
b. Naglalako ng meryenda sa eskwelahan.
c. Nagtratrabaho pagkatapos ng eskwela.
d. Wala sa nabanggit.
18. Ano ang pangalan ng nakababatang kapatid ni Nida?
a. Dario b. Daniel c. Dylan d. Daryl
19. Ano ang tawag sa kusang-loob na pag-oorganisa ng mga mamamayan ng isang lipunan tungo sa sama samang
pagtuwang sa isa’t isa?
a. Lipunang Pang-ekonomiya b. Lipunang Sibil c. Lipunang Matatag d. Wala sa
nabanggit
20. Ano ang salitang Latin na nangangahulugang “sa pagitan”o “namamagitan”?
a. Teknolohiya b. Sibil c. Media d. Magasin
21. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng social networking sites maliban sa ______.
a. Youtube b. Facebook c. Twitter d. TV
22. Ito ang katuwang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.
a. Simbahan b. Kompanya c. Paaralan d. Wala sa nabanggit
23. Ito ay isang halimbawa ng samahang nabuo sa pamamagitan ng Simbahan.
a. Gabriela b. VACC c. Couples for Christ d. Wala sa
nabanggit
24. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mass media maliban sa _____.
a. pahayagan b. magasin c. telebisyon d. tumblr
25. Paano nakatutulong ang media sa lipunan?
a. Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng tapat at tamang balita.
b. Sa pamamagitan ng pagpapakalat ng maling balita.
c. Sa pamamagitan ng pagpopost ng hindi-makabuluhang bagay.
d. Wala sa nabanggit.
II. TAMA O MALI
26. Ang pakikipag-away at hindi paggalang sa nakatatanda ay tungkulin ng mga kabataan.
27. Tungkulin ng kabataan ang paggalang sa bandila ng Pilipinas na sumisimbolo sa bansa.
28. Hindi kabilang sa tungkulin ng kabataan ang pagtulong sa mga gawaing-bahay.
29. Tungkulin ng kabataan na tumulong sa kaunlaran ng estado.
30. Hindi kabilang sa tungkulin ng kabataan ang pangangalaga sa kalikasan.
31. Walang kakayahan ang mga kabataan na tumulong sa mga nangangailangan.
32. Tungkulin ng kabataan na sumunod sa mga batas na ipinatutupad.
33. Hindi kabilang sa tungkulin ng kabataan ang pag-anib sa mga grupo na makapaglalagay sa kanila sa peligro.
34. Tungkulin ng kabataan ang pagiging isang mabuti at mahusay na ehemplo sa kapwa.
35. Tungkulin ng kabataan na mag-aral ng mabuti.
I. Sanaysay
Pamantayan:
Limang Puntos – Kung ang sanaysay ay binubuo ng limang pangungusap at may kinalaman sa paksa.
Apat na puntos – Kung ang sanaysay ay binubuo ng apat na pangungusap at may kinalaman sa paksa.
Tatlong puntos – Kung ang sanaysay ay binubuo ng tatlong pangungusap at may kinalaman sa paksa.
Isang punto – Kung ang sanaysay ay binubuo ng dalawang pangungusap at may kinalaman sa paksa.
36-40. Bakit mahalaga na alam moa ng iyong mga karapatan bilang tao? Ipaliwanag gamit ang limang pangungusap.

Prepared by: JESALYN JOY C. TOLENTINO


Subject Teacher

Submitted to: RESTITUTO S. SAN PEDRO


School Principal

You might also like