You are on page 1of 2

Habang dumarami ang tao at lumalaki ang pangangailangan ng pagkain,

dumarami rin ang basura at dumi na itinatapon ng bawat pamilya. Dahil sa

may kakulangan sa pondo, pananalapi o di-mabisang pamamaraan, hindi

lahat ng mga basura at dumi ay nakokolekta at nadadala sa hantungang tambakan nito. Nagiging sanhi
ito ng mga problema sa kalusugan at kapaligiran.

Ang Pilipinas ay pangatlo sa nag-aambag ng basura sa buong mundo kasunod ng Indonesia at China. Ito
na yata ang isa sa mga nakakabahalang isyu dito sa Pilipinas.

Ang mga basura, lalo na ang dumi ng tao at iba pang lusaw (liquid wastes) at

buo (solid wastes) na galling sa mga bahay at barangay na hindi wastong

pinamamahalaan ay isang malubhang panganib sa kalusugan at naghahatid

ng mga sakit na nakahahawa. Ang mga basurang pinababayaang

nakatiwangwang ay umaakit sa mga langaw, lamok, ipis, mga daga at iba

pang mga hayop na nagkakalat ng mga sakit. Pangkaraniwan na ang mga

basang basura at dumi ang nabubulok at nagbibigay ng mabahong amoy.

Nagiging daan ito sa maruming kapaligiran at sa pagdami ng problema sa

kalusugan. Ang mga plastic na basura ay isa pang sanhi ng masamang

kalusugan.

Garbage exposure

Ang organic domestic waste ay nagdadala ng malubhang pagbabanta,

yamang ang mga ito ay nag-fe-ferment (kumakatas nang maasim) na

lumilikha ng tamang kondisyon upang mamalagi at dumami ang mga

mikrobyo. Ang tuwirang paghipo o paghawak ng solid waste ay maaaring

magdala ng iba't ibang uri ng nakahahawa at walang lunas na sakit sa mga

basurero at mga taong ang pamumulot ng basura ang naging hanapbuhay.


Nangangailangan ng espesyal na pagpansin ang pagtatapon ng mga basura

mula sa mga ospital, yamang maaari itong lumikha ng panganib sa

kalusugan. Pangakaraniwang nanggagaling ang mga basurang ito sa ospital,

health care centers, medical laboratories at research centers, tulad ng mga

karayom ng heringgilya, bandages, plasters, pamahid at iba pang uri, ay

itinatapon kasama ang karaniwang basura. Ang mga tambakan ng basura at

mga waste treatment plants, ay isa pang nagdudulot ng panganib sa

kalusugan ng mga nakatira sa paligid.

Unang sanhi ay ang kakulangan sa edukasyon. Alam natin na ang Pilipinas ay maraming problema sa
pagpapaaral sa mga kabataan ngayon bunga na rin ng kakulangan sa mga guro na siyang tumutulong sa
mga kabataan upang maging edukado at syempre ang kakulangan ng mga silid aralan kung saan nag-
aaral ang mga kabataan. Isang sanhi rin ang kakulangan sa implementasyon ng ng mga batas at
alituntunin ukol sa basura. Walang maayos na tapunan na nakatalaga sa mga kalsada, walang maayos na
sistema ng waste management at unti-unti nang napupuno ang mga imbakan ng basura. Ngunit ang
ugat ng mga sanhi ay nakatago lamang sa ating mga sarili at yun ay ang kakulangan natin sa “disiplina”.

Nakakabahala at kakila – kilabot ang pwedeng maging epekto kung hindi natin maaaksyunan at
maitutuwid ang ating mga maling nakasanayan. Isang halimbawa dito ang mabilis na pagbaha sa mga
kalsada dahil barado na ng basura ang mga daluyan ng tubig. Mabahong kapaligiran dahil naman ito sa
mga basurang nabubulok na tinatapon sa tabi – tabi na isa rin sa mga pinagmumulan ng sakit. Dahil sa
basura nakukontamina ang mga katawang tubig na pwede sana nating mainom. Ang basura rin ay isa sa
mga malaking nag aambag sa pagbabago ng ating klima o climate change. Nang dahil sa isang balat ng
kendi mo maaari ng mangyari lahat ng nakakakilabot na epekto. Ngunit hindi pa huli ang lahat sapagkat
may mga solusyon pa upang tayo ay makatulong at hindi na mapalala ang kalagayan ng ating Inang
Kalikasan. Isa na dito ang pagamit ng 3R – Reduce, Reuse at Recycle. Imbes na gumamit ng plastic bags
ay reusable bags na lang ang ating gamitin. Ang mga nabubulok nating mga basura ay gawin na lamang
pampataba sa lupa kaysa itapon na lang. Mainam rin ang pagtangkilik sa mga recycled items. Sa
pamamagitan ng mga simpleng gawaing ito, nakatipid na tayo, nakapag-ambag na rin tayo sa kabuhayan
ng ating mga malilikhaing kababayan, nakatulong pa tayo sa kapaligiran.

You might also like