You are on page 1of 4

Adobo- Ito ay mayroong masarap na timpla.

Famous adobo na talagang


lasang lasa ang pamilyar na timpla nito. Mayroon itong karagdagang
pampalasa upang mas maging masarap, walang katulad. Mula sa
pangunahing sangkap nito ang suka, toyo, paminta, at laurel at mayroong iba
pang sangkap na idinagdag upang mas maging masarap at nakatatangi ang
lasa.
Sinigang- Ito ay isang famous classic soup na may baboy at mga gulay na
tiyak na magiging patok sa panlasang pinoy. Sinasangkapan ito ng sariwang
sampalok upang mas malasahan ang tamang asim ng sinigang.

Kare kare- Ito ay isang lutong pinoy na sinangkapan ng peanut sauce at may
mga sahog na gulay. Karne ng baka o kaya naman ay ang oxtail (parteng
buntot ng baka). Tinambalan ito ng bagoong upang mas maging masarap at
malinamnam.
Pininyahang manok- Ito ay tinimplahan ng pineapple juice at sinamahan narin
ng pineapple chunks upang mas kumapit ang lasa ng pinya. Maliban sa pinya
sinamahan rin ito ng gulay tulad ng carrots at bell pepper. Mayroon din itong
gata upang mas pinalasa.

Bulalo- Bukod sa nilaga at sinigang, mayroon ding bulalo at nangunguna din


pagdating sa panlasa ng pinoy. Pinaka nagpapalasa dito ay ang katas at
karne ng baka at ang sabaw nito. May sangkap na gulay katulad ng repolyo,
petchay, at mais.
Crispy Pata- Ito ay ang pinakuluan na parteng hita ng baboy hanggang ito ay
lumambot at pagkatapos ay pinirito hanggang sa maging malutong. Masarap
ito at nakakabusog, mas lalong sumasarap kapag tinambalan ito ng toyo at
kalamansi.

You might also like