You are on page 1of 1

Ang ating bansa ay nahaharap sa isang maliking problema.

Problema na nagdudulot ng masama


sa ating mga tao at kumonidad. Hindi lang isa kundi maraming tao ang naapektuhan sa mga problemang
hinaharap ng ating bansa. Isa sa malaking problema ay ang paglaganap ng droga at pagrami ng taong
nasasangkot sa nasabing isyu. Ang droga ay siyang dahilan kung bakit nagkaroon ng maraming krimen.

Ang droga ay isang mapaminsalang bagay na nakakaapekto sa kalusugan at sa pag-iisip ng isang


tao. Ang pagkasira ng pag-iisip ng tao ay siyang sanhi ng paglaganap ng krimen sa bansa. Marami na rin
ang nasirang buhay dahil sa paggamit ng nasabing bawal na gamot. Maraming inosenteng tao ang
nadamay simula nung nailoklok sa puwesto ng pagkapangulo si pangulong Rudrigo Duterte. Ngunit hindi
natin siya masisi dahil bago siya umupo sa puwesto ay nangako siya na lalabanan niya ang mga illegal na
droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

 Ayon sa maraming pagsusuri, popular ang pilipinas bilang “transit hub” dahil sa
pangangalakal ng iligal na droga sa iba’t ibang bansa.  Isa na rito ang shabu at ang marijuana na
kung ipagbibili ay halos daan-daang milyong piso ang halaga. Maraming OFW na kumakapit sa
patalim ang nasasangkot upang mapuslit ang droga sa ibang bansa. Ayon kay Priscilla Pamintuan
(July 14,2016) kaya karamihan sa mga Nakikipagsapalaran na OFW ay napipilitan na isakripisyo
ang kanilang mga prinsipyo makapagkita lamang ng malaking halaga ng pera. Isa ang kahirapan sa
dahilan kung bakit napapakapit sa patalim ang maraming taong nakakaranas ng matinding
kahirapan.

Ang problema sa droga ay di matapos tapos dahil marami sa nasasangkot nito ay mga
opisyal ng pulisya. Kamakailangan nga  noong July 5, 2016 ay isinapubliko ni Pangulong Rodrigo
Duterte ang mga pangalan ng limang high-ranking officials ng Philippine National Police na sangkot
sa illegal na droga. Kahit hindi matapos-tapos ang problema sa droga unti-unti namang lumiliit ang
bilang ng tao na gumagamit nito. Ngunit gayunpaman naniniwala pa rin si pangulong Duterte na
mas marami pa ring mga tapat na pulis sa kanilang mga serbisyo kaysa mga tiwaling pulis na nag
lilingkod sa ating bansa. Maraming tao ang nadamay dahil sa pagpatay sa mga taong nasasangkot.

Sa bawat problema ay laging may solusyon. Kahit nahaharap ang ating bansa sa matinding
pagsubok maraming tao ang nagtutulungan upang masolusyunan ito. Mahirap man solusyonan ang
problema sa droga ang importante ay iwasan natin ang pag gamit at magtulungan upang mapatigil
ang masamang epekto nito sa kalusugan at sa pag-iisip. Hindi pa huli ang lahat, pwede pa magbago
ang mga taong nasasangkot sa paraan ng maraming programa na makakatulong sa pag bago. Nabuo
ang rehabilitasyon para tulungan ang mga taong gusto mag bago at magamot.

You might also like