You are on page 1of 4

ANGELES UNIVERISTY FOUNDATION

McArthur Highway, Angeles City


College of Education

Detalyadong– Banghay Aralin sa Araling Panlipunan


Ika-7 Baitang
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang yamang-tao sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa
kasalukuyang panahon.
 Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya.
 Nasusuri ang kaugnayan ng paglinang ng wika sa paghubog ng kultura ng
mga Asyano.
I. Paksang Aralin
Paksa: Yamang tao at Kaunlaran
Sanggunian: Araling Panlipunan: Asya Lupang Biyaya pp, 6-18
kagamitan: PowerPoint Presentation, Laptop
II. Pamamaraan
a. Balik Aral
Bago simulan ang aralin, tatanungin ang mga estudyante ukol sa likas na yaman kung
ano-ano ang mga likas na yaman sa asya. Inaatasan ang mga estudyante na ilahad ang
kanilang mga nalalaman ukol dito.
b. Pagganyak
1. Hihingkayatin ng guro ang mga estudyante sa paraang paglalaro ng “crossword
puzzle”.
M M I N E R O H D Y
A N I R V A N A H Q
N A N J P M L Z B K
A M E T A R D N A I
N E K A G T A Q S B
A D P A T R I C I U
H N O H B O M I Y M
I Y P R O D U K T B
X D K A L I D A D E
R N G U R O E Q O R
H A N J P A T Z H O
E M E T A R D N A I
Q E K A G T A Q S T
P A N A D E R O K A
T N O H B K M L Y L
P Y P R O D U K T O
2. Itatanong sa mag aaral kung anong salita ang kanilang nahanap na maaring iugnay
sa yamang tao at alamin kung ang mga nahanap na salita.
c. Paglalahad
Ang tatalakayin ay ukol sa konsepto ng yamang tao at kaunalaran.
Ang yamang tao ay tumutukoy ito sa bilang o pangkat ng tao na may kakayahang
maghanapbuhay upang mapa-unlad ang sarili at ang lugar na kinabibilangan. Ang
yamang tao ay gumagamit ng talino, kakayahan, kasanayan, ablidad at lakas sa
paglikha ng produkto at lakas. Sa tao nakasalalay ang maayas na paggamit ng likas
na yaman upang makamit ang tunay na kaunlaran. Ang mga halimbawa ng mga
yamang tao ay guro, minero, bumbero, panadero at mananahi.
Ang mga Asyano ay katangi-tangi. May sarili silang awit, tula, pangarap at
adhikaing hangaan. Sila ay mga taong may maningning na kinabukasan sa lahat ng
larangan. Marahil sila ay marami ng pinagdaan na mga digmaan at mga mabibigat na
suliranin. Subalit ang mga Asyano ay tumatayo, taas-noo, at humahanap ng solusyon.
Ang Asya ang may pinakamataong kontinente, dito matatagpuaan ang lahat ng
lahi. Pinagpala ng Diyos ang Asya bilang siyang lunas ng sangkatauhan, sibilisasyon,
at relihiyon.
Sa Asya matatagpuan ang lahat ng mga lahi ng tao. Ang lahing kayumanggi ay
kinakatawan ng mga Pilipino, Malaysian at Indonesian. Ang lahing dilaw ay
makikita sa Tsina at Hapon. Ang sangang Aryan, o Indo-European, ang lahing puti
ang kinakatawan ng mga afghan, Iranian at Indian. Ang sangay Semitiko ng lahing
puti ang kinakatawan naman ng mga Arabo, Hudyo, Iraqi at Syrian.
Ang Asya ang pinakamataong kontinente sa mundo. Mahigit sa kalahati ang
nakatira sa Asya. Ayon sa pinakahuling estadistikang demograpiko, mula sa
kabuuang pandaigdig na populasyon na 5.85 bilyon, 3.5 bilyon ang nakatira sa Asya.
Isa pang kawili-wiling katotohanan ay kalahati ng 3.5 bilyon na Asyano ay nakatira
sa dalawang bansa lamang sa Tsian at India.
Sa pangkalahatan, ang natatanging mga ugaling Asyano ay ang pagiging
espirituwalidad, matadhanain, istoisimo o pagkamatiisin, mabuting pagtanggap o
kagandahang loob sa mga bisita, masaklaw na mga relasyong pampamilya, diwa ng
pagpapatuloy at di tuwirang pagpapaliwanag o pangangatuwiran.
Ang mga literatura’t wika sa Asya ay kumakalat mulab sa apat na dakilang
sibilisasyon ng Mesopotamia, Persiya, India at Tsina. Ang islam at ang Buddhismo
ay nagdala ng digri ng pagbubuklod sa magkakaiba-ibang mga literature ng sari-
sariling bansa.
d. Panlinang na Gawain
Ang guro ay magbibigay ng aktibidad at aalamin kung mayroong natatandaan ang
mga mag-aaral ukol sa kaniyang tinakalay tungkol sa mga iba’t ibang lahi ng Asya.
Pagtapat-tapatin sa pamamagitan ng paglalagay ng guhit na magkatugmang bilang at
titik sa Hanay A at Hanay B.
e. Panglahat
Ang guro ay babalikan ang mga pinag aralan at itatanong sa mga mag aaral kung ano
ang yamang tao at kaunlaran, populasyon at ang mga natatanging mga ugaling
Asyano.
III. Pagtataya
Test I. Multiple choice
Panuto: Suriin at ibigay ang tamang kasagutan. Bilugan ang titik.

1. Sino ang umaapula sa mga nasusunog na bahay at iligtas ang nasusunugan upang
maiwasan ang kaguluhan?
a. Inhinyero c. Guwardiya
b. Pulis d. Bumbero

2. Sino ang gumagawa sa ating mga kasuotan?


a. Estudyante c. Guro
b. Mananahi d. Doktor

3. Sino ang gumagawa ng mga tinapay?


a. Panadero c. Piloto
b. Minero d. Nars

4. Sino ang nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral?


a. Librarian c. Punong Guro
b. Guro d. Pangulo

5. Ang kanyang pangunahing hanapbuahy ay maghanap ng mga ginto, pilak, at iba


pang mahahalagang bato upang ibenta.
a. Minero c. Inhinyero
b. Panadero d. doctor

Test II. Sanaysay


Panuto: Ano ang mga komposisyong pangkat etniko? Bakit sila itinuturing yamang
tao ng isang bansa? Palawakin ito. LIMANG PUNTOS.

Test III. Tama o Mali


Panuto: Isulat ang “Tama” kung ang pahayag ay angkop, at kung ang pahayag
naman ay hindi angkop isulat ang “Mali”.
__________1. Ang mga literatura’t wika sa Asya ay kumakalat sa anim na
dakilang sibilisasyon.
__________2. Ang mga Sumerian ang nag-imbento ng cuneiform na pagsulat at
nagsagawa ng nasusulat sa mga reord mula pa noong ikatlong siglo.
__________3. Buddhismo at Hinduism ang nagdala ng digri ng pagbubuklod sa
magkakaiba-ibang mga literature ng sari-sariling bansa.
__________4. Kuneiporme ay isa sa mga pinakamaagang sistema ng pagsulat. Ito
ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian.
__________5. Ang literature ng Babylonia at Assyria ay binubuo ng mga elehiya,
himno, awit ng papuri sa mga hari at epiko.
IV. Takdang Aralin
Ang guro ay magbibigay ng takdang aralin sa mag-aaral upang maihanda ang mga
ito sa susunod na aralin.
Hanapin ang Kahulugan ng konsepto ng kabihasnan sa Asya at ang katangian nito.

You might also like