Panuto: Ibigay ang kahulugan sa mga sumusunod na bilang. (25 puntos)
1. Panitikan-
Mga Anyo ng Panitikan
A. Tuluyan o Prosa- B. Tula o panulaan-
Mga Sampung (10) Kahulgan
Halimbawa ng Akdang Tuluyano Prosa 1. Maikling Kuwento Ito ay hinggil sa isang mahalagangpangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalano impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. 2.Nobela isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. 3.Dula itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. 4.Alamat ito'y mga salaysaying hubad sa katotohanan. 5.Pabula mga salaysayin ding hubad sa katotohanan na ang mga tauhan ay mga hayop. Ang la yunin ng pabula ay gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at kilos. 6.Anekdota mga likhang - isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapagbigay aral sa mga mambabasa. 7.Sanaysay ito'y nagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. 9.Talambuhay isang tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. 10.Balita isang paglalahad ng mga pang- araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa.
Mga Sampung (10) Kahulgan
Halimbawa ng Akdang Tula o Panulaan 1. Bugtong Pangungusap o tanong na may iba o nakatagong kahulugan. 2. Tulang Pasalaysay ang tulang pasalaysay ay tumutukoy sa mga pinapaksang mga importante at mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, kagitingan at kabayanihan ng isang tauhan. 3Awit/Korido at Kantahin ito naman ay tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang pinakikinggan. 4.Epiko ito ay isang akdang patula na isinalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di- kapani-paniwala. Ito ay kadalasang inaawit pero meron namang mga epikong binabasa. 5.Balad o Ballad ito naman ay isang akdang patula na iasng uri o tema ng isang tugtugin. 6.Sawikain Ay isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng matatanda noong unang mangaral, magpayo, at ituwid ang mga kabataan sa tamang landas at kabutihang asal. Karaniwan itong may sukat at tugma. 7.Tanaga tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. 9.Idioma isang uri ng sawikain pagpapahayag na ang kahulugan ay hindikomposisyunal. 10.Moto parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupong mga tao