You are on page 1of 1

Joshua v.

Alias

Karapatan ng mga bata sa panahon ng pandemya:

Karapatan ng mga bata na makapag-aral dahil sa panahon

natin ngayon ay maraming bata ang hindi makapag-aral

dahil sa mga paaralan na online class ang paraan sa

pag-aaral. Subalit may iba ding paaralan na gumagamit

ng modyul upang makapag-aral ang mga studyante. Ito rin

ay pinoproblema ng mga studyante ngayon dahil walang

guro na gumagabay sa kanila upang maintindihan ang mga

nilalaman ng modyul, pero may mga magulang kaming

gumagabay sa amin upang maintindihan ang modyul subalit

kakaunti nalang ang kanilang nalalaman dahil matagal

narin nilang napag-aralan ang mga aralin namin ngayon.

Gustuhin man ng mga guro at studyante na face to face

ang paraan ng pag-aaral ay hindi talaga namin magagawa.

Dahil nadin sa panahon natin ngayon, ang pandemyang ito

ay nagpapakita kung gaano kahalaga ang mga guro sa mga

kabataan. Dahil kung walang gabay ng guro ay maraming

kawawang bata at hindi uunlad an gating bansa lalo na

sa panahon natin ngayon. Marami ding mga bata ang

tumigil sa pag-aaral dahil nadin sa pandemya. Sa tingin

ko ito ay mali dahil maling tumigil tayong mga kabataan

sa pag-aaral dahil lang sa pandemya.Walang kahit ano

mang bagay ang makakapigil sa ating edukasyon kahit ano

mang pagsubok sa ating buhay importante paring makapag

aral ang mga kabataan. Dahil ang kabataan ang pag-asa

ng bayan.

You might also like