You are on page 1of 10

BUCOT, MARIA ALIZAH L.

FIL 11
MODULE 3 – PANGHULING GAWAIN

BALANGKAS NG MAIKLING KUWENTO: PAMPAMILYA


I. Pamagat
“Ang Magturo ay Hindi Biro”
II. Tauhan
➢ Si Martha Santos, isang maybahay, nanay, at negosyanteng istrikto pagdating sa
negosyo ng kanilang pamilya. Sinisigurado niyang ang bawat miyembro ay may
tulong o ambag sa negosyo.
➢ Si Jose Santos naman ang pader ng tahanan. Bukod sa pagiging maalagaing ama,
siya rin ang punong taga-luto sa kanilang negosyong kainan.
➢ Si Samantha Santos, bente otso anyos na dalaga at ang panganay sa
magkakapatid. Nagtapos ng kursong edukasyon at kasalukuyang nagtuturo sa
Pamantasang Centro Escolar.
➢ Si Matthew Santos, bente sais anyos at ang pangalawa sa magkakapatid. Isa
siyang Certified Public Accountant at siya rin ang isa sa mga namamahala sa
negosyo ng kanilang pamilya partikular sa aspeto ng kaperahan.
➢ Si Andrea Santos, bente dos anyos at ang bunso sa magkakapatid. Nagtapos siya
ng kursong Management at ngayo’y sekretarya sa isang kumpanya. Siya rin ang
isa sa mga namamahala ng kanilang negosyo bilang tagapangasiwa.

III. Tagpuan
Ang pangyayarihan ng maikling kuwento na ito ay iikot sa bahay , Pamantasan, at sa
negosyong kainan ng pamilya Santos. May iilan ding tagpuan na magaganap ospital.

IV. Galaw ng Pangyayari


A. Pangunahing Pangyayari
• Ang buong pamilya Santos ay nagtipon-tipon sa hapag kainan upang kumain ng
almusal. Tradisyon na nila ang sabay-sabay kumain kahit sa almusal lamang. Ang
bawat miyembro ay may kaniyang gawain at trabaho. Si Martha ay magbubukas
ng kainan habang si Jose naman ay mamimili sa palengke kasama ang kaniyang
mga katulong sa pagluluto.
• Si Andrea ay tutungo sa kaniyang pinagtatrabahuhan habang si Matthew naman
ay kasama ang kanilang nanay na si Martha papunta sa kanilang negosyong
kainan na malapit lamang sa kanilang tirahan. Salitan o kung minsa’y sabay si
Andrea at Matthew kung pumunta at magtrabaho sa kanilang negosyo.
• Ang panganay na si Samantha ay naiwan sa bahay sapagkat ang kaniyang klase
ay sa hapon pa kaya naman minabuti niyang gumawa muna ng balangkas ng
kaniyang ituturo.
B. Pasidhi o Pataas na Pangyayari
• Sa kainan na negosyo ng pamilya Santos, abala ang mga tao lalo na si Jose, sa
pagluluto, paghahanda, at pag-aayos ng mga kagamitan at sangkap. Si Martha ay
abalang-abala rin sapagkat maraming customer ang nagsisidatingan. Sa sobrang
abala ng negosyo, kahit si Matthew ay kinakailangan na sa pamamahala sa
mismong kainan kahit na opisina lamang ang dapat niyang trabaho.
• Dito napaisip si Martha at Jose ukol sa kanilang anak na si Samantha. Mas gusto
ng mag-asawa na si Samantha ang magmana ng negosyo ngunit sa kabila ng
kagustuhan nila, mas pinili ni Samantha ang maging guro. Iniisip nila na wala
naming mapapala si Samantha sa pagtuturo sapagkat maliit lamang ang sahod
niya roon.
• Sa kabilang dako naman ay nagtungo na si Samantha sa Pamantasan. Siya ay
nagtuturo ng mga Senior High School at napag-usapan nila sa araw na iyon ang
paksa ukol sa pangarap at trabahong nais ng mga estudyante niya. Hangang-
hanga ang mga mag-aaral kay Samantha dahil sa kaniyang umaapaw na
dedikasyon sa pagtuturo. Minungkahi ni Samantha sa kaniyang mga estudyante
na ang pagtuturo o ang pagiging guro ay higit sa pagiging trabaho lamang.
• Umuwi na ang buong pamilya mula sa kanilang mga trabaho. Si Martha at Jose
ay sinubukang kausapin ang kanilang panganay na anak na si Samantha, ngunit
hindi ito pumayag sapagkat pagod na siya.

C. Krurukan o Kasukdulan
• Umaga ng martes ay nagtipon muli ang mag-anak sa almusal, at hindi pa man
nakakaupo si Samantha ay siya nang kinompronta ng kaniyang in ana si Martha.
• Pinag-usapan at pinag-talunan nila ang ukol sa pagpili ni Samantha na maging
guro kaysa magtrabaho sa kanilang negosyo. Ipinamukha ng kaniyang mga
magulang na walang kuwenta ang kaniyang trabaho. Pinilit siya ng kaniyang
magulang na mag-aral muli ng ibang kurso tulad ng culinary upang makatulong
sa kanilang negosyo.
• Si Samantha ay nanaig sa kaniyang desisyon at umalis ng may sama ng loob.
• Sa kaniyang paglalakbay tungo sa Pamantasan, siya ay biglang hinimatay habang
malapit na sa paaralan. Tinakbo siya sa ospital na pinakamalapit at tinawagan ng
mga staff ang kaniyang mga magulang.

D. Kakalasan o Pababang Aksyon


• Nang makarating ang mga magulang ni Samantha sa ospital, laking gulat nila ang
dagsa ng mga estudyante. Ang mg mag-aaral na naroon ay mga estudyante pala
ni Samantha.
• Habang nagpapahinga at sinusuri ng mga doktor si Samantha, nakausap nina
Martha at Jose ang mga estudyante ni Samantha. Dito sila naliwanagan at kanila
ring napagtanto kung gaano kabuti, kasaya, at kadedikadong guro ang kanilang
anak.
E. Wakas
• Matapos masuri at mabigyan ng preskripsiyon si Samantha, sila ay umuwi na
kasama ng kaniyang mga magulang.
• Nang sila ay makarating sa bahay, nag-aabang ang mga nag-aalalang kapatid ni
Samantha na si Andrea at Matthew.
• Sa puntong ito napagtanto nila Martha at Jose ang kanilang pagkakamali bilang
magulang. Sila ay nanghingi ng tawad hindi lamang kay Samantha, kung hindi
pati na rin kay Andrea at Matthew.
• Simula noon, imbis na pilitin ni Martha at Jose si Samantha, naging masaya na
sila at naging suportado sila kay Samantha.
• Hinayaan at nagbigay suporta rin sila kayla Andrea at Matthew sa anumang
gusto nilang gawin bukod sa pamamahala o pagtatrabaho sa negosyo.
“Ang Magturo ay Hindi Biro”
Lunes, Agosto 20, taong kasalukuyan, ang pamilya Santos ay maagang nagsigisingan sapagkat isang
panibagong araw nanaman para sa kanila upang maging produktibo at maging masigasig sa trabaho. Ang
pamilya Santos ay may negosyong kainan na kilala sa isa sa may pinaka masasarap na putahe sa lungsod ng
Makati – ito ang La Hapag. Tatak din nila ang pagiging dedikado sa negosyo sapagkat isa sila sa mga kilalang
pamilyang negosyante sa lungsod.

“Pa! Ano ‘yang niluluto mo? Mukhang bagong putahe nanaman ah?” Ani Andrea, ang bunso sa
magkakapatid at ang unang nagising sa kanila. Siya ay isang sekretarya sa isang kumpanya ng tinapay at
kadalasan din namamahala sa negosyo ng pamilya.

“Andrea, tawagin mo na ang ate at kuya mo, kakain na tayo ng almusal.” Utos ni Jose, ang masipag na
pader ng tahanan ng pamilya Santos. Siya rin ang punong taga-luto sa kanilang negosyo.

“Okay po Pa, teka na saan po si Mama?” Tanong ni Andrea. Hindi na sumagot ang kaniyang ama at
tinignan na lamang ni Andrea sa balkonahe ang kaniyang ina na si Martha.

“O Andrea, ang aga mo ata. Diyan ka lang muna nagkokompyut ako dito tsaka tatawagan ko yung
suplayer natin.” Ani Martha, ang dedikadong ilaw ng tahanan ng pamilya Santos. Siya ang pinaka tutok
sa negosyo sapagkat ito ang tinuturing niyang buhay ng kanilang pamilya.

“Grabe ‘tong si Mama oh, ang aga aga sobrang busy na.” Lambing na daing ni Andrea.
“Ano na Andeng tara na dito kumain na tayo.”
“Oo nga, gutom na rin ako, maaga pa kami nila Mama sa restaurant.”
Sigaw ng magkapatid na Samantha at Matthew. Si Samantha ang panganay na may propesyong guro,
samantalang si Matthew naman ay isang Certified Public Accountant at isa rin sa mga namamahala ng negosyo
ng kanilang pamilya. Si Samantha lang ang hindi masyadong aktibo sa pagpapatakbo ng kanilang restaurant.

Nang natapos na silang kumain, si Martha at Matthew ay dali-dali nang nagpunta sa restaurant upang
maghanda sa pagbukas. Si Andrea naman ay nagtungo na sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Ang pader ng
tahanan at ang punong taga-luto namang si Jose ay pupunta na ng pamilihan upang bilhin ang mga sangkap at
iba pang kailangan sa restaurant.
“Ma, alis na po ako, bukas ako naman po ang totoka sa kainan, ingat po kayo!” Paalam ni Andrea.
“Oh, Pa, mag-iingat ka ha. Una na rin kami ni Matthew.” Bilin ni Martha.
Habang ang lahat ay patungo sa kani-kanilang trabaho, si Samantha ay naiwan naman sa bahay upang
gumawa ng lesson plan sapagkat ang klase niya ay nakatakda pa sa hapon.
“Sam, ikaw, hindi ka pa ba aalis?” Tanong ni Jose.
“Hindi pa po, Pa. Mamaya pa naman po klase ko.” Sagot ni Samantha.
Pagtuturo talaga ang nais ni Samantha simula noong bata pa lamang siya. Siya na ang nagsilbing
pangalawang magulang ng kaniyang dalawang nakababatang kapatid at ang nagsilbing tutor nila sa kanilang
mga aralin noong mga bata pa sila.
*sa La Hapag*
Sa kabilang banda, abala ang mga tao sa La Hapag, ang pangalan ng restaurant ng pamilya Santos. Si
Jose at ang iba pa nilang kusinero ay abala na sa pagluluto at pag-aayos ng mga kasangkapan.
“Jose, okay lang ba kayo diyan? Marami tayo customer ngayon ha. Dalian natin kilos.” Tarantang
paalala ni Martha kay Jose at sa iba pa nilang tauhan.
“Oo, eto na. kunin niyo na ang mga order.” Sagot naman ni Jose.
Habang si Martha ay abala sa kabuuang pamamahala ng restaurant, si Mathhew ay na sa opisina, nag-
aayos ng mga dokumento at klerikal na gawaing pang negosyo. Ngunit hindi nito maiwasang mataranta
sapagkat lahat ng aspeto sa opisina ay siya ang namamahala.
“Ma! Kailangan ko pa bang tumulong diyan sa labas? Ang dami ko pang kailangan asikasuhin dito e,
dapat talaga nag-hire ka na ng kasama ko. ‘Yung mga ganitong “marketing” na aspeto ay hindi ko na
masyadong kinakaya. Kahit si Andrea hirap din dito, Ma.” Reklamo ni Matthew.
“Hayyy. Kung nandito lamang ang ate Sam mo.” Bulong ni Martha.
Sa puntong ito napaisip si Martha at Jose tungkol sa kanilang anak na si Samantha.
“Dapat talaga si Sam ang magmana ng negosyo natin.” Ani Martha.
“Simula pagkabata niya ay naisip ko na siya ang mamahala nito, at maging isa sa mga punong taga-luto
rin.” Dugtong naman ni Jose.
Noong hayskul pa lamang si Samantha, pinayuhan na siya ng kaniyang mga magulang na kumuha ng
kursong naaayon sa kanilang negosyo. Ngunit, mas nanaig ang kagustuhan ni Samantha na magturo. Ilang
beses na ring pinaalala nila Jose at Martha kay Samantha na maliit lamang ang sweldo ng isang guro kumpara
sa pamamahala o pagpokus sa negosyo.

*sa Pamantasan*
Sa kabilang pangyayari naman ay Si Samantha bilang isang masigasig na guro sa mga mag-aaral ng
Grade 12 o Senior High School. Nang siya ay makarating sa klase, ang kaniyang mga estudyante ay sabik dahil
sa lektura na kanilang tatalakayin ngayon.

“Ayos ba ang aking suot? Mukha na ba akong doktora?” Tanong ng isang mag-aaral sa kaniyang
kaklase.
“Oo maganda nga e! Future doctor ka, ako naman ay Engineer!!” Sagot naman ng kaniyang kaklase
habang sabik na sabik.

“Okay class, hand ana ba kayo magpresenta ng inyong mga nais na propesyon?” Tanong ng gurong si
Samantha.

“Opo, ma’am! Tignan niyo po oh, mukha na po akong isang matanyag na businessman!” Sagot ng
magiliw niyang estudyante.
“Okay sige nga, Vincent, ikaw ang mauna. Tatanungin kita, iyan ba talaga ang propesyon na iyong nais
gawin habambuhay?” Tanong ni Samantha sa kaniyang estudyante.

Napatigil si Vincent, at biglang tumahimik ang buong klase.


“Sa totoo lang ma’am, gusto ko po talaga maging pintor. Mahilig din po ako kumuha ng mga litrato.
Ngunit sabi ng aking magulang, wala daw pong pera kapag ganoon lamang ang trabaho.” Malumanay
na sagot ni Vincent.
Si Samantha ay biglang tumayo at nagpahayag sa kaniyang mga estudyante ng saloobin ukol sa
kanilang paksa.

“Alam niyo, ganiyan din ang aking sitwasyon noon. Minaliit ng aking mga magulang ang propesyong
pinili kong tahakin. Ang kalimitang dahilan nila kung bakit ayaw nila akong maging guro ay tulad din g
sa’yo, Vincent, maliit daw kasi ang kita. Ngunit para sa akin, ang pagpili ng propesyon ay may higit na
batayan kay sa pera o sweldo lamang. Mas nanaisin ko pang gawin ang isang bagay na mahal ko kahit
maliit lamang ang kita, kay sa naman pilitin ko ang aking sarili sa isang bagay na ayaw ko naman. Sa
bandang huli, na sa akin ang pagsisisi dahil kinabukasan ko ang tinataya ko sa pagpili ng propesyon.
Para sa akin, kung hindi mo gusto ang iyong ginagawa, kailanma’y hindi ka magiging kuntento at
masaya sa iyong buhay.” Paliwanag ni Samantha.
Sa puntong ito, ang kaniyang mga estudyante ay namamangha at tila nakakakuha ng inspirasyon mula
sa kanilang guro na si Samantha.
“Tignan niyo ako, kahit malayo o mahirap pumunta sa paaralan, kahit hindi ganoon kalaki ang aking
suweldo, ako ay matiyaga pa ring pumapasok at gumagawa ng modules para sainyo; at ito ay dahil
mahal ko kayo at mahal ko ang propsesyong pinili ko. Ang pagtuturo ay higit sa paggawa ng mga
pagsusulit o takdang-aralin lamang, sa halip, ang pagtuturo ay may kaakibat na responsibilidad sa
paglilinang ng mga mag-aaral na kanilang babaunin hanggang sa kanilang pagtanda – ito ang mga asal
na hindi kayang sukatin base lamang sa marka sa isang pagsusulit. Ang pagtuturo ay kailanma’y hindi
magiging isang biro, ito ang propesyong nagsisilbing ugat ng bawat mag-aaral na umaabot ng kanilang
mga pangarap.” Makapagdamdaming mungkahi ni Samantha.
Natahimik ang buong klase dahil sa minungkahi ng kanilang guro. Sila ay sobrang napahanga at ang ilan
sa kanila ay napagtanto ang tunay nilang nais na propesyon.
“Tama si ma’am noh! Dapat kung ano talaga ang pangarap ang natin, ‘yun ang ating sundin.”
Si Samantha ay natuwa sa kaniyang mga narinig. Masaya siyang makapagpayo hindi lamang bilang
isang guro, kung hindi bilang isang naging mag-aaral din na minsang nagdaan sa mahirap na desisyon na iyon;
ang pagpili ng propesyon.

*sa tahanan ng Pamilya Santos”


Kinagabihan ng araw na iyon, umuwi na ang bawat miyembro ng pamilya.
“Grabe nakakapagod sa La Hapag, sobrang dinagsa kami.” Daing ni Matthew.
“Kami din sa opisina, grabe mga papeles hindi na naubos…” Isa pang hinaing ni Andrea.
Habang ang dalawang magkapatid ay nagpapahinga, inabangan ni Jose at Martha si Samantha upang
kausapin ukol sa kanilang negosyo.
“Ma, Pa! Dito na po ako.” Pagod na sabi ni Samantha.
“Anak, maaari ka ba naming makausap tungkol sana sa La Hapag…”
“Bukas na lang po, pagod po ako..” matamlay na sagot ni Samantha.
Napatigil ang mag-asawa at halatang nadismaya sa inasal ng anak na si Samantha.
Kinabukasan, nagtipon muli ang mag-anak sa almusal. Ngunit mukhang hindi kaaya-aya ang atmospera
sa hapag kainan. Hindi pa man din nakakaupo si Samantha ay bigla na siyang kinompronta ng kaniyang mga
magulang.
“Anak, Sam. Tungkol sa kagabi na dapat naming sasabihin sa’yo, gusto sana namin ng Mama mo na sa
negosyo ka na natin magtrabaho.” Unang sabi ni Jose.
“Pa, alam niyo namang..”
“Samantha, pakinggan mo kami ng Papa mo. Mas kailangan ka namin sa negosyo. Noon pa man sinabi
ko na sa’yo na ikaw ang gusto naming magmana nito. Wala ka naman mararating pagtuturo mo na ‘yan
e. Bukod sa maliit ang sweldo ay lagi ka pang pagod, malayo pa ang Pamantasan na ‘yon.” Pasigaw na
sabi ni Martha sa kaniyang anak na si Sam..
“Pwede ba? Matagal na natin ‘to pinag-usapan. Ayoko nang ulit-ultin pa.” Sagot ni Sam habang
ambang aalis na.
“Samantha! Pinalaki ka ba naming bastos? Hindi ka na sumusunod sa aming magulang mo. Wala ka
naman mapapala sa pagiging guro mo. Sana kung nag-aral ka na lamang ng Management o Culinary,
nagka-silbi ka pa sa pamilyang ito.” Sagot ni Martha habang galit na galit.
Hindi na sumagot pa si Samantha at umalis na lamang siya ng bahay nila ng may sama ng loob.
“Bakit ba sila ganoon? Hindi na nila ako naintindihan simula noong bata pa lamang ako.” Naghihilabos
na bulong ni Samantha sa kaniyang sarili habang naglalakad palayo sa kanilang tirahan.
Sa sobrang sama ng loob ni Samantha, hindi na siya nakakain at tila wala na siya sa kaniyang sarili
noong umagang iyon hanggang sa…
“Manong! Tumawag kayo ng ambulansya!!” Hiyaw ng isang Ale na nagtitinda sa gilid ng Pamantasan.
“Ate! Ate! Gising!!! Okay ka lang po ba?” Nagsusumigaw na sabi ng Ale.

Si Samantha ay hinimatay habang siya ay papunta sa paaralan. Bukod sa pagod at walang kain, siya ay
inatake ng anxiety attack na maaaring dulot ng pagtatalong naganap sa pagitan niya at ng kaniyang magulang.

“Ma’am Santos? Si Ma’am Santos ‘to ah!” Sigaw ng isa sa mga estudyante ni Samantha na napadaan sa
napangyarihan.

Dali-dali nilang dinala sa pinakamalapit na ospital si Samantha. Sinamahan ng mga estudyante ni


Samantha ang kanilang guro hanggang makarating sa ospital at hindi nila ito iniwan. Tinawagan ng mga
medical staff ang magulang ni Samantha upang maparating ang balita.
“Ano? Si Samantha? Ano nangyari sa anak ko? Okay lang ba siya?” Pasigaw na tanong sa telepono ni
Martha habang abala sa kainan.
“Martha, halika na! Pumunta na tayo. Iwan muna natin ‘to kay Andrea.” Nagmamadaling sabi ni Jose.

*sa ospital*
Nang makarating si Martha at Jose, dali-dali nilang hinanap si Samantha.
“Doc, na saan po si Samantha Santos, magulang niya po kami.” Natatarantang tanong ni Martha sa
siang doktor.
Nang makita nila ang ward kung na saan si Samantha, laking gulat nila ang dagsa ng estudyante na
nakabantay sa kanilang anak.
“Ay! Hello po, kayo po ba ang magulang ni Ma’am Santos?” Tanong ng isang estudyante kayla Martha
at Jose.
“Oo, kami nga. Teka lang ha. Doc, kamusta na po ang anak namin?” Tanong ni Jose sa isang doktor.
“Okay naman po siya. Oobserbahan pa po namin siya. Maaari po kayong mag-intay muna.” Sagot ng
doktor.

Habang nagpapahinga at sinusuri ng mga doktor si Samantha, nakausap nila Martha at Jose ang mga
estudyante ni Samantha.
“Hello po Ginang Santos? Estudyante po kami ni Ma’am Samantha. Guro din po ba kayo?” Tanong ng
isang estudyante kay Martha.
“Hindi iha. Isa akong negosyante. Kamusta naman bilang guro si Samantha?” Sagot at tanong ni
Martha.
“Ay akala ko po guro din po kayo kasi po sobrang mahal na mahal ni Ma’am Samantha ang kaniyang
propesyon. Akala po namin ay kayo ang nag-impluwensya sa kaniya maging isang guro..” Mungkahi ng
isang estudyante ni Samantha.
Biglang napatigil at natahimik si Martha.
“Maaari bang kuwentuhan niyo pa kami tungkol kay Samantha?” Tanong ni Jose sa estudyante.
“Sobrang masigasig at dedikadong guro po si Ma’am Santos. Kailanma’y hindi siya nahuli sa klase.
Nagagalit po siya sa amin kapag hindi po namin ginagawa nang maayos ang aming mga takdang aralin
sapagkat gusto niya kaming matuto nang maayos at makakuha ng aral sa bawat klase namin. Hindi niya
po kami pinapabayaan sa bawat aralin na hindi namin maintindihan. Isa po siya sa mga gurong may
mabubuting puso na kahit mismo sa personal naming buhay ay tinuturuan niya po kami.” Sagot ng
isang mag-aaral ni Samantha.
“Opo. Ang katunayan nga po, siya po ang nagpa-realize sa amin na dapat naming sundin ang aming
pangarap kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao. Pinaintindi niya po sa amin na dapat kaming maging
masaya sa anumang propesyon na aming pipiliin. Siya po ang isa sa mga nagsilbing inspirasyon sa amin
upang magsikap kaming abutin ang aming mga pangarap kahit gaano man ito kahirap.” Dugtong ng isa
pang estudyante ni Samantha.
Naantig ang mag-asawa sa mga sinambit ng mga mag-aaral ni Sam. Sila ay nagpasalamat sa mga
estudyante ni Sam dahil na rin sa pagdala nila sa ospital kay Sam.
Matapos masuri at mabigyan ng preskripsyon si Samantha, silang tatlo ay sabay-sabay nang umuwi.

*sa tahanan ng Pamilya Santos*


“Ate kamusta ka naman? Okay ka na ba? Ano sakit mo?”
“Oo nga Ate Sam, alalang-alala kami sa’yo. Okay ka na ba?”
Naghuhumilagpos na tanong nila Matthew at Andrea kay Samantha.
“Okay lang ako. Huwag na kayo mag-aalala okay?” Sagot ni Samantha.
Habang nagpapahinga si Samantha, minabuti na nilang mag-asawa na puntahan ang kanilang anak. Sa
puntong ito napagtanto nila Martha at Jose ang kanilang pagkakamali bilang magulang.
“Anak, Samantha, pagpasensyahan mo na kami ng Papa mo. Pasensya na kung palagi naming pinipilit
ang aming gusto at hindi man lang namin kinukunsidera ang iyong nararamdaman. Napagtanto namin
na kahit kami ang nagpalaki sa’yo, kahit kami ang gumastos sa pagpapaaral sa’yo, ang desisyon mo sa
anumang bagay para sa iyong kinabukasan ay dapat na sa iyo na. Akala namin alam namin ang mas
nakabubuti sa’yo, ngunit kami ay mali. Ikaw lamang ang nakakaalam kung ano ang nakabubuti sa’yo,
nadito lamang dapat kami upang gabayan at alalayan ka.” Paliwanag ni Martha habang nangingiyak-
ngiyak na.
“Pasensya na rin anak kung lagi kaming abala sa negosyo ng Mama mo simula noong bata pa kayo nila
Matthew at Andrea…” Mungkahi ni Jose.
Pumasok bigla si Matthew at Andrea at nakinig din sa kanilang magulang.
“Pasensya na mga anak ha. Hindi man lang namin kayo tinanong noon kung ano ba talaga ang gusto
ninyo. Lagi naming pinipilit ang pagaasikaso sa negosyo. Simula ngayon, huli man, ay hindi na namin
kayo didiktahan pa sa anumang gusto ninyong gawin. Kaya ikaw Andrea kung gusto mo mangibang
bansa at maging nars doon, sige na anak..” Dugtong ni Jose.
“Pa naman, masaya naman po ako dito. Gusto ko po kayo nakikita ni Mama palagi. Okay na po iyon ha.
Huwag na po kayo manghingi ng tawad.” Sagot ni Andrea.
“Samantha, pasensya na ha. Hindi ka na namin pipilitin pa. Susuportahan namin kayo sa kahit anong
gusto niyo, kung saan kayo masaya at kung ano ang nakakabuti sa inyo. Mahal na mahal namin kayo.”
Paliwanag muli ni Martha kay Samantha.
Dito na tuluyang lumuha si Samantha. Hindi niya akalaing masasabi iyon ng kaniyang mga magulang.
“Ma, Pa, pasensya po kung hindi po ako sumunod sa inyo noon. Pero natatandaan ko po kasi ang mga
aral na tinuro niyo dati sa amin, at iyon ay ang maging dedikado sa anumang gusto naming gawin.
Pagtuturo po talaga ang nais ko simula elementarya at ito po ang nagpapasaya sa akin kahit
nakakapagod o maliit lamang ang suweldo. Hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ang mga aral,
mapa-teknikal o personal, na aking naibibigay sa bawat mag-aaral na aking nakakasama. Salamat po sa
inyong pag-iintindi.” Ani Samantha.
Nagyakapan ang buong mag-anak at simula noon hindi na muli sila nagtalo ukol sa pamamahala ng
negosyo. Suportado ng bawat isa ang nais at pangarap ng bawat miyembro ng pamilya. Komunikasyon, pag-
iintindi at pagmamahalan ng isang pamilya ang tunay na siyang makakapagbuklod dito.

You might also like