You are on page 1of 1

Ninuman ay hindi maiintindihan ang kasalukuyan kung hindi tutuklasin ang

nakaraan. Kaya’t inyong basahin ang maikling talambuhay ni Avrielle Angelene.

Ika-dalawampu’t dalawa ng Enero, taong 2003, isang supling ang dumating sa


buhay ng mag-asawang Leocadio at Arlen Amen. Siya ay pinangalanang Avrielle
Angelene A. Amen. Ito ang pang-limang anak sa kanilang pamilya kaya tuwang-tuwa
ang kanyang mga magulang dahil madadagdagan na naman ang kanilang masayang
pamilya. Sila ay tahimik at simple na naninirahan sa Brgy. Manalad, munisipalidad ng
Ilog. Sa murang edad na tatlo, siya ay nagsimulang mag-aral. Taong 2008, isang
pagsubok ang dumating sa kanilang pamilya. Sa hindi inaasahang pagkakataon,
namayapa ang kanyang ama sa na edad na 43. Limang taong gulang pa lamang siya ng
mga panahong iyon, ganunpaman, hindi maibabatay sa tagal ng panahon ng
pagkakasama para hindi siya mangulila sa kanyang pinakamamahal na ama. Sa mga
nagdaang taon, tanging ang ina na lamang niya ang bumubuhay at nagpapa-aral sa
kanila ngunit gaano man kahirap ang buhay hindi ito naging dahilan para sumuko siya,
sa halip, ginawa niya itong inspirasyon at motibasyon upang magpatuloy at lalong
pagbutihin ang kanyang pag-aaral.
Sa edad na pito, siya’y nagsimulang nag-aral sa Paaralang Elementarya ng
Malabong. Dito na rin nagsimula na malinang ang kanyang katalinuhan at talento. Kahit
bata pa, siya ay naging karangalan ng kanilang paaralan, mula sa pagkakuha ng mga
matataas na marka sa lahat ng asignatura hanggang sa pagiging kalahok sa patimpalak
na pang-aham. Kahit bata pa, isa siya sa mga hinahangaan at tinitingala bilang isang
mabuting lider at estudyante sa kanilang paaralan.
Sa pagsisimula ng panibagong yugto ng kanyang buhay, tila ba sumasang-ayon
pa rin sa kanya ang panahon. Naging mas malawak ang kanyang kaalaman at mas
nahasa ang kanyang talento pagtuntong ng sekondarya. Ang lahat ng sakripisyo, pawis,
at luha ay tila ba nagbunga nang magkamit siya ng iba’t-ibang parangal sa araw ng
kanyang pagtatapos noong Marso, taong 2019. Pinarangalan bilang lider ng Campus
Ministry, Corp. Commander ng CAT at ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa
National Course Assessment Examination. At higit sa lahat, nagtapos siya bilang honor
student. Hindi niya pinabayaan ang kanyang akademiko kahit pa sinusubukan niyang
maging aktibo sa pakikilahok sa mga gawain sa paaralan. Sa kasalukuyan, siya ay
patuloy na nangangarap at nagsisikap sa bago niyang paaralan.
Maikli lamang ang buhay, hindi natin alam kung hanggang saan at kailan ang
ating paglalakbay. Ang tanging magagawa natin ay gawin ang isang bagay na tila ba
hindi na natin magagawa bukas. Huwag sumuko at magpursigi!

You might also like