You are on page 1of 1

Babae, ang pag-ibig sayo’y nagsimula na

May Pagkatao. May dangal. May abilidad. May Karapatan. Karapat-dapat sa respeto at
paggalang. Babae. Siya ay hindi katunggali, superyor o nakabababa sa sino man. Siya ay
kapantay ni Adan.
Mapailang singkad man ng dekada ang lumipas, ito ang paulit-ulit at walang katapusang
siklo ng iyak-sigaw na namumutawi sa bawat labi ng kada henerasyon. Ito din ang laman ng
mensahe sa bawat paskin na hawak ng mga guro ng Narvacan National Central High School na
kanilang buong pagmamalaking itinaas bilang pakikiisa at suporta sa pampinid na programa ng
labinwalong araw na kampanya laban sa karahasan sa kababaihan. Layunin ng mga paskin na ito
na muling ipaalala sa madla ang kahalagahan ng babae bilang tao na may katulad ding pangarap
at inspirasyon. Buhay at humihinga.
Lubhang nakalulugod at nakatataba naman ng puso, na sa henerasyong ito, hindi na
lamang babae ang lumalaban para sa adbokasiyang ito. Maging ang ilang kalalakihan ng
panahong ito ay kusang loob nang tinanggap at inunawa ang mga pagsusumamo, at ngayo’y
kaisa na ng mga kababaihan sa kanilang pakikibaka laban sa tigil-karahasan.
Babae, ika’y hinugot sa tadyang ni Adan upang kanyang mahalin at dakilain. Huwag
kang yuyuko. Huwag kang susuko. Huwag kang magpapaapi. Huwag kang pagagapi.
#VWACArticle
#2020Dec1
#Leizt

You might also like