You are on page 1of 1

PRESO

akda ni: Ryan Jayson O. Labiaga

Kasalanan ba ang magpanggap?


Kasalanan ba ang maging makasalanan sa harap ng mga mapagpanggap?
Kasalanan bang magpakatotoo kahit man lamang sa sarili ko?
Kasalanan ba na makulong sa sariling rehas na alam kong ako lamang ang may alas?
Kasi kung oo, alam kong matatalo ko.
Talo ako sa sarili kong alas dahil tila ako’y nakagapos at walang chansang makapiglas.
Nakagapos sa sariling kasinungalingang ayoko sanang ilabas.
Sa kabila ng lamig at dilim sa loob nang nag-iisa, ninais kong kumawala
Subalit sa labas ay tila may mga ahas na nanlilisik ang mga tingin,
Matang mapanghusga na nananakot sa akin.
Tila may mga bubuyog na aali-aligid,
Pilit ibinubulong ang mga masasakit na salitang hindi ko dapat marinig.
Hindi ba maaaring maging malaya nang mapayapa?
Kailangan pa bang idaan ito sa santuhang paglilitis?
Ninais ko lamang maging malaya, subalit ano ba ang aking tunay na sala?
Ang pagtago ng katotohanan sa aking katauhan?

You might also like