You are on page 1of 9
ANG KABULUHAN NG SIKOLOHIY A: ISANG PAGSUSURI* MA. CARMEN C, JIMENEZ** Departamento ng Sikolohiya Unibersidad ng Pilipinas Tinalakay kung paano nagagamit ang sikolohiye laban sa interes ng tao. Ang Uimane repleksyon nito ay makikita sa tatlong ipinapalagay ng sikolohiya: 1) ang tac ay tinitingnan bilang isang indibidwal at hiwalay sa kanyang paligid; 2) ang mga tao ay magkasingtulad; ‘at 3) ang sikolohiya ay hindi kumikiling sa anumang sistems ng pag- Papahalaga o sa isang partikular na uri sa lipunan. Ipinaliwanag ng may-akda ang kama- lian ng ganitong mga palagay. Ang ikalawang ebidensya ng pagiging laban sa interes ng {30 ng sikolohiya ay masasalemin sa mga metodong ginagamit sa pananaliksile Napa- funayang karamihan sa mga pag-aaral sa sikolohiya ay isinagawa sa loob ng laborer, 20 af gumamit ng kaunting kalahok lamang. Binigyang-diin ang kahalagahan ng Papel qa sinagampanan ng sikolohiya sa lipunan, lalong-ialo na ng sikolohiyang Pilipino sa Upunang Pilipino na kabilang sa Ikatlong Daigdig. Kung binabanggit ang salitang sikolohiya, anu-anong mga bagay ang sumasagi sa isipan ng marami? Marahil, ang maisasaisip ay isang sikoanalis- tang nakaupo at nakikinig sa mga sinasabi ng isang nakahigang Pasyente — mga bagay sa kanyang alaala simula sa kanyang pagkabata at natutuon sa kanyang relasyon sa kanyang mga magulang. Ayon kay Freud na siyang Kinikilalang ama ng teoryang sikoanalitika, ang mga karanasan natin noong kabataan ang siyang humuhubog sa ating pagkatao habang buhay. At ang Pinakamahalagang mga tao noon ay ang ating mga magulang. Kaya ito ang Pinagtutuunan ng Pansin sa terapiya. Kung hindi nama’y maka iisip tayo ng isang sikolohista sa laboratoryo na binibilang kung gaano kabilis mabagtas ng isang daga ang liku-likong daan (maze) 0 gaano karami ang pagtuka ng isang kalapati sa isang istimulong bilog. Napakainosente ng mga gawaing ito ng mga sikolohista, Ngunit makabuluhan ba ang mga ito? Kinakailangan ba ang mga ito? Kung babasahin natin ang kahulugan ng sikolohiya sa mga libro, malala- man natin na ito ang pag-aaral sa kilos ng isang organismo, maging tao man 0 hayop o dili nama’y ito ang pag-aaral ng mga kilos, isip, diwa, damdamin at pananalita ng tao. Pinag-aaralan natin ang tao upang maintindihan at matulungan siya. Kaya’t masasabi natin na ang sikolohiya ay isang agham na dapat na naglilingkod sa tao. Negunit kung titingnan natin ang naging Paggamit ng sikolohiya (marahil hindi pa gaano rito sa atin kung saan cea kabata ang agham na ito kundi sa mga bansang kanluranin kung saan Heh higit na maunlad), makikita natin ang paggamit ng sikolohiya hindi para tao kundi laban sa kanilang interes. hil, ma- Paano ginagamit ang Sikolohiya laban sa interes ng tao? Maral "alae siging malinaw ang pagtalakay nito kung hahatiin natin ang usapan s tions) wang bahagi — ang mga Panimulang ipinapalagay sa sikolohiya (assump at ang mga metodo sa pananaliksik na ginagamit. ee nilathala sa The Social Responsibilities of the Social Scientist as ery" Memo (Pat.), Lunsod Quezon: Division of Social Sciences, Uni 77, 108 an Intellectual. A. G. a fee bersidad ng Pilipinas. i 10 sa Depa pe aint: Cttmen C, Jimenez ay Associate Professor at Pangalawang Tasapancul Mento ng Sikolohiya, ‘Unibersidad ng Pilipinas, KABULUHAN NG SIKOLOHIYA 23 MGA IPINAPALAGAY SA SIKOLOHIYA a red tao ay tinitingnan bilang isang indibidwal, hiwalay sa kanyang paligid, a Isang matinding puna sa sikolohiya ang pagiging masyadong indibidwa- listiko ng pananaw nito. Sa pag-uurirat o pagbubutingting sa mga damdamin, isipan at kilos ng isang tao, nakakalimutan na siya ay bahagi lamang ng isang mas malaking komunidad, na ang anumang umaapekto sa kanya ay nagkaka- roon ng epekto sa nakararami. Gayundin, lahat ng umaapekto sa nakararami ay nagkakaroon ng epekto sa kanya. Kaya’t sa di pagkakita ng kaugnayan ng tao at ng kanyang paligid, ang kanyang mga suliranin ay pinipilit ipali- wanag ayon sa mga internal na dahilan; gaya ng mga pagnanasang di-nama- malayan. Hindi kinikilala ang posibilidad na ang mga suliranin ay bunga ng mga konkretong kondisyon na pumapaligid sa kanya kundi bunga-ng mga abstraktong tunggalian ng id, ego at superego. Ang tao ay produkto ng kanyang kapaligiran. Siya ay umuunlad hindi lamang dahil sa mga katangiang kanyang minana kundi dahil na rin sa im- pluwensiya ng mga sosyal, pulitikal at pang-ekonomikong kalagayan na umiiral sa kanyang paligid. Ngunit sa paggamit ng sikolohiya, ang tao ay tinitingnan na lumalaki, umuunlad nang hiwalay sa kanyang paligid at ang kanyang mga suliranin ay itinuturing na dulot ng mga internal na tunggalian at pansariling pangangamba, mga metapisikal na sakit na biglang sumusul- pot na lamang, bunga ng ilang karanasan noong siya’y bata pa. Kaya’t ang mga solusyon na iminumungkahi sa sikolohiya ay mga indibidwal na solus- yon din. Sa pagtanggap ng mga sanhing sekswal o agresibo, nagkakaroon ng katarsis at paggaling ang tao. Dahil sa ang mga pagsusuri ay ginagamitan ng mikroskopikong pana- naw, nakakaligtaang iugnay ang anumang natutuklasan sa higit na malawakan at makroskopikong pananaw. Dahil sa kakulangan ng masaklaw na teoryang tumutuhog sa mga resulta ng iba’t ibang mga pag-aaral, ang kaalaman sa siko- lohiya ay nananatiling mga retaso ng tulang halos walang saysay at maaaring ipagsawalang-bahala. Dahil sa kakitiran ng pananaw tungkol sa tao, sa kakulangan ng pag: susuri ng mga sanhi ng kanyang mga suliranin, ang mga solusyon na iminu- mungkahi ng sikolohiya ay pampaginhawa lamang, mga pampalubag-loob sa halip na tunay na pagbabago sa mga konkretong kondisyon na nagdulot ng suliranin. Sa halip na lubus-lubusin ang pagtulong sa tao, lalong pinalalala ang mga suliranin sapagkat ang pinagtutuunan ng pansin ay pagsasaayos ng saloobin ng tao tungkol sa_pangkasalukuyang kondisyon at hindi ang pagbabago ng mga kondisyong ito. Kaya’t pabalik-balik ang suliranin sapa kat naririyan pa rin ang mga sanhi. : . . Kinakailangang kilalanin ng sikolohiya ang panlipunang katangian ng tao. Kaya’t napakahalaga sa malalim at masaklaw na pagkaunawa sa kanya ang pag-unawa sa kanyang kapaligiran sapagkat kadalasan, ito’y sanhi ng kanyang mga suliranin Jalung-lalo na kung ito ay mapang-api at mapagsaman- tala at nagiging hadlang sa pagpapatupad ng kanyang katauhan. Ang tao at ang lipunan ay magkatulong. Ipinalalaganap ng tao ang mga layunin ng lipunan at tinutulungan din ng lipunang makamtan ng 4 JIMENEZ, tao ang kanyang mga hangarin. Kung ang lipunan ay nagiging hadlang sq lubos na pag-unlad ng tao, nararapat lamang na palitan ang lipunang ito at lumikha muli ng lipunang makabubuti at makatutulong sa tao, 2. Ang mga tao ay magkasingtulad, Hindi gaanong mahalaya ang bansa at panahong pinanggalingan kaya't maaaring gamitin ang anumang teorya 9 eksamen sa pag-unawa sa kanila, Bagamat hindi pa gaanong popular ang ganitong pananaw, malakas pa rin ang kapit ng kaisipang ito sa Pilipinas. Ang batayan ng ganitong pa- nanaw ay ang paniniwala na walang pagkakaiba ang mga tao sa isa’t-isa (maliban lang siguro sa kulay ng balat o hugis ng mata). Dahil dito, walang pag-aatubiling ginagamit ang mga teoryang nahalaw mula sa mga panana- liksik at karanasan ng ibang bansa upang ipaliwanag ang mga karanasan ng ating mamamayan. Ang mga nahalaw mula sa partikular na karanasan ng ibang bansa ay itinataas sa antas ng mga prinsipyong unibersal na walang kKinikilalang bayan. Kaya’t nagkakaroon ng mali-maling pagkaunawa sa ating sarili dahil napakalayo ng mga teoryang ginagamit sa karanasang Pilipino. Dahil sa palagiang panganganino sa_kaisipang kanluranin, pilit na hinuhusgahan ang sariling kilos ayon sa pamantayang banyaga. Sa halip na maintindihan ang kapwa natin Pilipino, lalong lumalawak ang hidwaan sa Ppagitan ng mga sikolohista at ng sambayanan. Nagkakaroon ng baluktot na pagkaunawa sa sarili. Sa halip na tayo ang manguna sa pagtuklas ng tunay na diwa ng Pilipino, tayo pa ang lumilinlang sa ating kapwa. Sa pilit na pag-aakma ng mga banyagang teorya sa ating karanasan, maraming mga konsepto at mga katutubong katangian ang di-nabibigyang pansin — mga konsepto tulad ng tampo, pagtanaw ng utang na loob at iba pa. Kung Pilipi- no naman ang nagsasagawa ng pananaliksik, tangay pa rin ang pananaw ng ibang kultura at madalas gumagamit ng ibang wika na sinasabing salamin ng kalinangan. Sa ganitong pamamaraan, maaaring kabaligtaran ng katotohanan ang matuklasan, Dahil sa labis na paghanga sa mga bagay na galing sa Kanluran, lalung- lalo na sa Amerika, nagkakaroon ng bulag na paggamit ng kanilang mga teorya, pamamaraan at libro. Hindi na nagkakaroon ng malalim na pasusuri kung ang mga ito ay naaangkop sa ating mga karanasan bilang mga Pilipino. Kaya naman, narating natin ang kahiya-hiyang kalagayan na kung saan higit ang ating kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay sa kulturang Amerikano. Sa pagharap sa karanasang Pilipino, sinusuri ang mga ito ayon sa mga teorya at Pamamaraang banyaga, kung kaya’t minsan ang mga resulta ay nakakagulat. Hindi na lang ito Pinapansin sapagkat wala namang sinasabi ang mga kanluraning teorya tungkol sa mga pangyayaring ito. Walang ganoon sa aklat kaya’t walang bagay na ganoon talaga. _ Ngunit higit na mapanganib ang unti-unting pagtanggap ng Pilipino ng maling palagay tungkol sa kanyang sarili, Sa paulit-ulit na pagsasabi ng mga dalubhasa na siya ay tamad o laging nahuhuli sa pagdating, aangkinin niya ang mga katangiang ipinagpipilitan sa kanya ng mga dayuhang mananaliksik at sigyant napapalayo sa tunay na pag-unawa sa kanyang sarili 0, mus hindi tayo magigising sa kalagayang ito at magsumikap na mag- bago, marahil ay malapit naang sy na tayo a ipagtabuyan ng sambayanan KABULUHAN NG SIKOLOHIY A- 25 dahil sa ating panlilinlang at pagiging inutil. Hindi ikinakaila ang pagkakaroon ng prinsipyo at konseptong panlahat kundi idinidiin na ang mga ito ay mayroong mga partikularisasyon na kumi- kilala sa iba’t-ibang kondisyon. Dahil dito, ibang-iba din ang mga katangian at kilos na kinalalabasan dahil sa iba’t-ibang paraan ng pagtingin sa mundo. Samakatuwid, hindi basta-bastang magagamit ang anumang teorya o eksamen kung hindi muna iaakma ang mga ito sa ating karanasan o dili kaya’y ipaisan- tabi muna ang mga ito at magbuo ng sariling mga teorya, batay sa karanasan ng mga Pilipino. 3. Ang Sikolohiya ay hindi kumikiling sa anumang sistema ng pagpapaha- laga (value-free) o sa isang partikular na uri sa lipunan (class bias-free). Hindi pumapanig ang sikolohiya sa anumang ideolohiya, sistema ng Pag-iisip o sistemang pulitikal at uri sa lipunan. Ito’y nagnanais lamang ng katahimikan upang makapagsagawa ng pagsusuri at pananaliksik. Negunit indi makakayanan ng sikolohiya ang ganitong paninindigan. Hindi maaaring magkubli ang sikolohista sa kanyang toreng garing upang magsuri ng mga datos o maglunsad ng di-makabuluhang pag-aaral sa katahimikan habang umuusbong at umiiral ang mga suliranin ng lipunan. Dapat siyang manaog, makinig at tumulong sa paglutas ng mga suliraning ito. Sa pagiging tahimik, siya ay sumasang-ayon na rin sa anumang kaayusang namamayani sa lipunan. Ang mga pananaliksik sa sikolohiya ay kailangan ng malalaking korpo- rasyon. Napakagandang isipin na ito’y kanilang sinusuportahan dahil sa makatao o mapagkawanggawang hangarin. Ngunit nakikita natin kung paano ginagamit ang mga datos na natutuklasan, Ginagamit sa pag-iimpluwensiya at pamamahala ng tao nang hindi nila namamalayan. Ang mga halimbawa nito ay sa advertising na kung saan inaakit ang mamimili upang bumili ng mga produktong hindi nila kinakailangan at sa halagang hindi nila kaya; sa mga industriyang nagnanais ng kapayapaan, mas mataas na kakayahang Paglilingkod at patuloy na produksyon sa pamamagitan ng mga manggaga- wa upang mapalaki ang kanilang tubo; sa paglilingkod sa industriyang pan- digma (war industry) sa pamamagitan ng pakikidigmang sikolohikal (psy- war) na kung saan hindi sandata ang ginagamit kundi ang katalinuhan sa Pananakop, at marami pa. Ito’y mga kaalamang galing sa sikolohiya at gina- gamit sa pang-aapi at pagsasamantala ng nakararami para sa kapakanan ng kakaunti. Gaya ng ibang disiplina sa agham panlipunan, ang mea paksang pinag- aaralan sa sikolohiya ay natural lamang na nababatay sa Pangangailangan ng mga nagsusustento nito, Kaya’t nalilimita ang mga Pinag-aaralan sa ilang aspeto lamang at hindi sa tunay na kinakailangan ng lipunan, Kung gayon, hindi natin masasabi na walang pinapanigan ang sikolohiya. Malinaw kung kanino ito naglilingkod. Itinataguyod nito ang interes ng mga nagpopondo, Ni hindi na nito tinatanong kung kailangan ng bayan ang kanyang gina- gawa at kung kanino ito makabubuti. Ginagamit din ang sikolohiya upang sirain at duru anyo ng pagpoprotesta — ang aktibismo ng kabataang es nanais ng mga kababaihan/mga bakla upang mapalaya kalagayan (Women’s Liberation at Gay Liberation Move gin ang anumang tudyante, ang Pag- sa kanilang aping ment), at ang pag. 26 JIMENEZ tutol ng mga intelektwal at artista sa kasalukuyang sistema. Ang mga pakiki. baka nila ay ibinababa ng mga sikolohista mula sa antas na pulitikal 0 sosyal sa mga pag-aalboroto o paglalabas ng sama ng loob ng mga bigo . naliligaw na tao. Mula sa mga sektor na mayroong makatarungang hinaing at mithiin, sila’y ginagawang katawa-tawa at ipinagkakait ang konsiderasyon sa kanilang usapin. Sa kaso naman ng mga tumututol na intelektwal at artistang galing sa Silangang Europa at Rusya, sila ay hinahatulang baliw at inililigpit sa mga ospital. Mas mabisa ang ganitong paraan kaysa ipatapon sa bilangguan at gawing martir sa mata ng tao. Sa pagtawag na baliw sa kanila, dalawang bagay ang natutupad. Sila’y inililigpit sa ngalan ng pangangalaga sa kapa- kanan ng nakararami ngunit mas mahalaga, napawalang-bisa ang kanilang pagtutol dahil ang kanilang mga sinasabi ay lumilitaw na pulos mga kaba- liwan. Sinisiraan ang kanilang kredibilidad. Samakatwid, ginagamit ng estado ang sikolohiya bilang sandata sa pang-aapi. Sa anumang kalagayang may pagsasamantala o pang-aapi, ang sinumang may kakayahang kumilos ngunit hindi kumikilos ay nagpapahintulot sa gayong kalagayan. Higit na matindi itong pagkukulang ng mga sikolohista na inaasahan ng mga nangangailangan at kung sino ang nasa posisyon upang maimulat ang mga inaapi sa mga sosyal at pulitikal na sanhi ng kanilang kalagayan at mahikayat sila upang bigyang-lunas ang kanilang kahirapan, Sa kanilang pagbabalatkayo ng mga suliraning ito bilang mga personal at indibidwal na suliranin na lamang, sa kanilang pagtatangkang imulat sa may suliranin na siya ang nagkasala at hindi ang lipunan upang angkinin ang pananagutan at hindi ibuhos ang kanyang makatwirang galit sa lipunan — tinatakpan nila ang katotohanan, itinataguyod at pinatatatag ang mga maling kondisyon sa lipunan at tinatalikuran ang kanilang tungkuling mag- lingkod sa tao. Ang sikolohiya ay hindi rin ligtas sa pagkiling sa isang partikular na uri sa lipunan. Marami ang nagsasabi na ito’y para sa mga mayayaman lamang. At bakit naman hindi — sila lang ang may oras at salaping maaaring aksaya- hin. Ang isang manggagawang sumasahod ng minimum wage na P10.00 bawat araw, may asawa at anim na anak pa, ay hindi makapagbayad ng humigit-kumulang sa P80.00 bawat 50 minuto upang ikuwento ang kanyang mga suliranin o mga panaginip sa isang tagapakinig, Ang sikolohiya ay luho na hindi abot-kaya ng malaking sektor ng lipunang Pilipino. __ Maraming pag-aaral na rin ang nakatuklas ng kaugnayan ng uri at kara” niwang sakit na sikolohikal. Higit na malala ang mga sakit na nararanasan Ng mga mahihirap kung ihahambing natin sa mga may-kaya na kadalasan ay in atake lamang ng nerbiyos. Kaya masasabing may mga sakit sikolohikal n@ Pang-elass at pang-bakya. Ngunit sa mga resulta ng mga pag-aaral, hindi Pa nn itinatanong ng sikolohista kung ano ang kalagayan ng mahihirap at 290 ang nagdudulot ng ganitong kalagayan. Totoo bang kaakibat ng karukhaa" sae madaling pagkapit ng malalang sakit-sikolohikal 0 mayroon bang Pa"é Javan sa kanilang aping kalagayan na nagdudulot ng ganitong rest! bas @pako pa rin ang sikolohiya sa descriptive level na lubhang napakabab®| at pi . a a ‘Kitanges malar ang mga sintomas ng mga bagay-bagay bilang likas ™ KABULUHAN NG SIKOLOHIYA 7 Sapagkat ang tao ang tuwirang pinag-aaralan ng sikolohiya upang ya’y matulungan, nararapat lamang na mapag-aralan din ang kanyang kapaligiran at kasaysayan upang magkaroon ng malaliman at masaklaw na pag-unawa sa kanya. METODO SA PANANALIKSIK Mahalaga ding suriin ang mga pamamaraang ginagamit sa panana k. Ano ang pinakamatingkad na punto hinggil sa metodong ginagamit ng sikolohiya? Ito'y namimihasa sa gawaing pang-laboratoryo at binibigyang- diin ang kwantitatibong datos sa kapinsalaan ng kwalitatibong datos. Ang paggamit ng pamamaraang ito ay nakatali sa palagay na ang mga tao ay magkasintulad (the universality of man). Bagamat hindi m naliit ang pamamaraang eksperimental, ipinapaalalang ito ay isa lamang sa mga Pamamaraang magagamit sa pananaliksik. Kinikilala ang kahusayan ng pamamaraang ito at ang pagiging tiyak ng mga natutuklasan sa pamamagitan ng mahigpit at maingat na proseso sa laboratoryo. Ngunit hindi mapag- aaralan ang tao sa kabuuan kung magkukulong sa laboratoryo lamang sapag- kat ano man ang katiyakan na ating mga natutuklasan dito, maaasahang ito’y kapiraso lamang ng buong katotohanan. Ang mga kondisyong nililikha sa laboratoryo ay ibang-iba sa mga kondisyong tinutularan sa labas. Kaya’t laging nakakaduda ang pagiging wasto ng mga datos na natutuklasan dito. Hindi natural ang tagpo kaya’t hindi maasahang natural ang reaksyon ng mga kalahok. Kung ibig mapag-aralan ang tao, lumabas mula sa mga aklatan at laboratoryo at pag-aralan sila kung saan sila matatagpuan. Tiyakin lamang Na Maayos ang pamamaraan. Kadalasan din, ang mga natutuklasan sa laboratoryo ay binibigyan ng tuntuning panlahat samantalang kakaunti lamang ang bilang ng mga kalahok at hindi pa man sila kumakatawan sa kabuuan. Papaano natin masasabi na ang mga sagot ng mga mag-aaral (na siyang laging pinag-aaralan) ang magiging sagot din ng mga manggagawa o mga magsasaka, na siyang bumubuo ng pina- kamalaking bahagi ng ating lipunan, kung hindi natin napag-aaralan ang mga ito? Kaya’t hindi nakakatulong ang mga pag-aaral sa pag-unawa sa tao bunga ng hindi mahusay na metodo. Ang pagkukulang ng pamamaraang eksperimental ay mapupunan kung ilalapat ang mga kinasapitan sa mga pang- yayari sa labas ng laboratoryo, kung isasapraktika ang mga teoryang nahalaw upang patunayan ang kanilang katumpakan at yaman sa pamamagitan ng pagiipon ng mga halimbawa, pagkikinis ng mga bahagi at paghahanap ng mga bagong paggagamitan. Ito ang buod ng “position paper” ng U.P. Psycho- logy Society noong 1974 sa pagdiriwang ng Linggo ng Sikolohiya (Enriquez 1975): “Hindi sapat ang kaslamang teoretikal. Kinakailangang subukin sa obhetibong kalagayan ng reyalidad ang resulta ng ating eksperimento. Ang paksa ng pananaliksik ay dapat Inging matakdaan hindi lamang ng kontribusyon nito sa pangkalahatang : man kundi maging aa praktikal na kabutihang maidudulot nito sa lipunan, Ang ating kaalaman at pananaliksik ay laging dapat na tungo sa paglilingkod sa kapwe Dapat nating tanggapin na higit ang pananagutang mapauniad ang lipunan ng sikotohistang nagtataglay ng di-pangkaraniwang pagkasanay sa pananaliksik at dalubhe JIMENEZ 28 Kiasan sa pananaliksik tungkol an tao sang Kaslaman, Semesters, 28 anu ne maa mabuting dalgdig pars se lahat.» mi ay dapat gamitin at Ipat : : : f snail isipang Lohiko-Positibism ; ing impluwensiya ng kaisipan i ismo aE ng ee ae pati na rin ang sikolohiya. Malakj ang - an » sa naging kalakar: agang namamasdan at nasusukat, kaya diing ibinigay sa mga Sa pagan ng iba’t ibang mga agham. Iping. nga't nagkaroon TE Po nam, batay sa kalikasan ng mga bagay na kanilang palagay na ang mga ae ginagamit upang mapag-aralan ang pinag-aralan at sa uni ng P. agkakaayos 0 pagkakasunud-sunod ayon sq mga ito, ay may ee 4 1 Pisika na itinuturing na Pinakasiyen. kanilang pagiging siyentipiko, simula sa ipiko. ini tinutularan ng mga Siko- 7 Dalila ganiton| : Paniniwala, Saran modelo ng Pisika sa paksa Se ee ee eet ane nabighant ng ganitong kaisipan ang mga siko- ng sikolohiya. Matagal ding a ti ng behaviorism — ang pag-aaral Lobe ae bailed tas fea te havop Dahil sa ang binibigyang-diin ng kilos ng mga organismo, aa a asdan at masukat, kaalinsabay ang eo ee ear neddiva “Negunit saksi ang wikang Pilipino pagiging tahimik uke ote es ‘Pilipino ay tungkol sa kamalayan na tumu- th coy sa kany: ee ee an an sa uliratna tututukoy tukoy ‘et igi isi tumutukoy sa kanyang kaala- sa kanyang pakiramdam sa paligid, sa isip na din sa kanyane ten tobe at man at pagkaunawa, sa diwa na tumutukoy a eee parte hinuha, sa bait na tumutukoy sa kanyang ugali, kilos o ane daan upane tumutukoy din sa kanyang damdamin at sa eee ey ee ea tukuyin din ang kanyang budhi. (Enriquez 1373) ae ts ang siyang sumasalamin sa mga bagay na pinahahalagah Ht ren sa beeey malinaw ang pagpapahalaga ng ating kultura sa mga metapi % gaya ng diwa. Kung gayon, ang mga ito’y paksang mewn dapat pagtuunan ng pansin bagamat karaniwang minama ng siyensiya, ; 7 Sa pagsasaisang-tabi sa diwa bilang isang makabuluhang pase ling mangyari na ang tao ay tinitingnan bilang bagay na Berea : ena nang pira-piraso. Kaya nga’t ang karamihan sa mga Pag-aaral ay : Raia sa mga artispisyal at di-makatotohanang kalagayan sa loob ng paisa kung saan maaaring paghiwalayin ang mga bagay na umaapeKto s ne Kilo: tao. Dahil sa ang tuon ng pansin ay ang mga maliliit na aspeto ee . (dahil sa mas madaling bilangin at sukatin, tulad ng pagkurap ng aa Pagbigkas ng isang partikular na kataga), nawawala ang a eae ee riya tungkol sa tao, Sa Pira-pirasong pag-aaral ng tao, nakaligtaan ng sme aa ang higit na mahahalagang bagay na nauukol sa batayan ng ea aig Pang-araw-araw na kabuhayan niya, Hindi pinag-aaralan ng sikol inilalt tao sa kanyang kabuuan upang maunawaan ang kanyang esensiya, Kto ne Say sa konteksto ng kanyang paligid at panahon upang makita ang epe Mgaito sa kanyang kilos at ugali, alim ang Ang sikolohista ay may tungkuling mapayaman at mapal hindi Pagkaunawa ng tao sa kanyang kapwa tao. Kaya dapat Pe nageaaralal ang oe 2P8 Sangkatauhan kundi ang indibidwal na tao rin. Pin: ¢ make ® sangkatauhan “pang mahalaw ang mga katangiang laganap 4! KABULUHAN NG SIKOLOHIYA 29 singtulad, mga katangiang panlahat, upang mapalawak ang ating pagkaunawa at mapadali ang panghuhula at pamamahala sa kilos. Pinag-aaralan naman ang indibidwal upang mapailalim ang pagkaunawa sa isang tao at matulu- ngan siya sa pagkilala sa kanyang sarili. Ngunit sa pag-aaral ng sangkatauhan, madalas na nakakaligtaan ang kakaibang katangian ng bawat tao. Kakaiba tayo sa isa’t-isa dahil magkakaiba din ang mga karanasang ating pinagdaanan at inangkupan. Kaya’t bawat isa sa atin ay may sariling pagkakakilanlan (identity). Sa paghahanap ng mga magkasingtulad na katangian, ipinagsa- sawalang-bahala ang pagkakaibang ito. Sa pag-aural naman ng indibidwal, nakakaligtaan namang iugnay siya sa mas malaking komunidad na kanyang kinabibilangan. Kailangang pagbalansehin ang indibidwal at lipunan upang makarating sa kabuuang larawan ng tao, Sa ating kasalukuyang kalagayan, lalong nagiging maigting ang pagtatalo tungkol sa pag-uukulan ng pansin ng sikolohiya: ang mga paksang mahahalga sa lipunan (socially useful) o ang mga pag-aaral na eksperimental? Ang pag- tatalong ito’y tulad ng matagal nang pagtatalo tungkol sa sining — tayo ba’y lumilikha ng sining para sa sarili nitong kapakanan (art for art’s sake) 0 lumilikha tungo sa isang tiyak na layunin — ang pagiging makabuluhan sa lipunan? Sa pagpili ng ating mga paksa, tayo ba’y ginagabayan ng layuning maglingkod sa ating kapwa at ito ang nagiging batayan ng lahat ng ating mga pag-aaral at pananaliksik; o naglulunsad ba tayo ng mga pag-aaral upang makapagbuo na lamang ng mga magagandang teorya, kinakailangan man o lind, dahil sa di malinaw ang direksyon ng pag-aaral? Ang Pilipinas ay bahagi ng Ikatlong Daigdig na kung saan namamayani ang kahirapan at kaapihan. Sa kadusta-dustang kalagayang ito, malaki ang maitutulong ng sikolohiya sa pamamagitan ng malalimang pagsusuri ng mga suliraning panlipunan at pagkakaisa ng lahat upang bigyang-lunas ang mga suliraning ito. Malaki rin ang maitutulong nito sa pagkilala sa likas na identi- dad ng Pilipino bilang isang bansa. Kaya’t ang isang bansang umuunlad gaya ng Pilipinas ay higit na nangangailangan ng mga pag-aaral na makabuluhan at nababatay sa kanyang pangangailangan, wika at kultura. Panahon na upang talikdan ang mga banyagang teoryang inutil at nakalutang sa karana- sang Pilipino. Panahon na upang kilalanin na ang mga teoryang itinuturing na siyentipiko at unibersal ay nakabatay sa karanasan ng mga industriyalisado © mauunlad na bansa at kung gayon ay hindi umaangkop sa ating karanasan bilang paunlad na bansa lamang. Ang anumang teory na gagamitin ay dapat na makabuluhan at nauugnay sa karanasang Pilipino. Hindi sapat ang pag- aangkop ng teoryang Kanluranin. Ang kailangan ay mga teoryang nag-uugat sa mga konsepto, pananaw at karanasang Pilipino. Ang teorya ay bunga lamang ng pagsanib ng niga konkretong karanasan at ng kulturang pinag- mumulan nito (Salazar 1974). Gayundin, ang anumang metodo ay dapat na maging makabuluhan sa kulturang pinag-aaralan, yaong nauunawaan at tinatanggap sa komunidad at angkop sa paksang pinag-aaralan. Ang isang buhay at makabuluhang sikolohiya ang kailangan ng ating lipunan. Sa ngayon, higit na mahalaga ang mga pag-aaral na nagsusuri ng ating kongkretong kondisyon, nagbubuo ng mga teorya at laging binabalikan at sinusubukan ang mga ito sa reyalidad upang malaman ang katumpakan sa praktika. Kinakailangan ang mga saligang pag-aaral tungkol sa kalikasan JIMENEZ 30 natin bilang Pilipino na mayroong partikular na kasaysayan at kondisyong kinalalagyan. Ngunit higit na kinakailangan ng sikolohiya ang, py karoon ng isang balangkas ng pagsusuri, isang pamamaraan ny, PARLANAW sa Mundo upang malagay sa tamang direksyon ang, lahat n, nanaliksik at pay amit ng kaalaman — tungo sa pag-unawa at paglingkod sa kapwa, SANGGUNIAN Enriquez, Virgilio 1975 Mga batayan ng Sikolohiyang Pilipino sa kultura at ka General Education Journal 29, 1975, 61-88. Nalathala rin ga Sikolohiyang Pilipino: Batayan sa Kasaysayan, P erspektbo, Mga Konsepto at Bibliograpiya. Virgilio G. Enriquez (pat.), Lunsod Quezon: Unibersidad ng Pilipinas, 1976, 1-20, Hollingshead, A.B. and F.C. Redlich 1958 Social Class and Mental Illness: A Community Study, New York: Wiley & Sons, Inc, Myers, J.K. and L.L, Bean 1968 Social Class and Mental Illness. New York. Salazar, Zeus A. 1974 Ang Kultura, Wika at Kasaysayan, Panayam noong Linggo ng Sikolohiya sa pagtataguyod ng U.P. Psychology Socicty, Bulwa- gang Palma, Kolehiyo ng Agham at Sining, Unibersidad ng P' nas, Agosto 2, 1974, Srole, L., T.S. Langner, S.T. Michael, M.R. Opler and T.A.C. Rennie Mental Health in the Metropolis: The Mid-Town Manhattan Study. New York: McGraw Hill Book Co. Inc. ilipi-

You might also like