You are on page 1of 1

Bilang Ng Kaso Ng Dengue Sa Bansa Patuloy Na Tumataas

Patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng Dengue sa bansa.

Batay ito sa pinaka huling datos na inilabas ng DOH o Dept. of Health kung saan
pumalo na sa 167,000 ang kaso ng Dengue sa bansa mula Enero hanggang Hulyo ng
kasalukuyang taon.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, 661 na ang kabuuang bilang ng nasawi
dahil sa Dengue.

Aniya, ito ang isa sa mga pinakamataas na dengue cases sa Pilipinas kung saan sa
kauna-unahang beses ay nagdeklara ng national dengue epidemic.

Dagdag pa ng health official, posible ring malampasan ang mahigit 200,000 kaso ng
Dengue na naitala sa buong taon ng 2018.

Kaugnay nito tiniyak rin naman ni Domingo na mahigpit ang pagbabantay ng DOH sa
NCR at Ilocos Region dahil lagpas na ang mga ito sa alert threshold.

Ani Domingo, patuloy rin na nakikipag ugnayan ang regional offices ng DOH sa iba
pang ahensiya ng gobyerno para masiguro na sapat ang mga hakbang na ipinatutupad
para mabawasan ang Dengue sa bansa.

Samantala, inamin rin naman ni Domingo na kailangan munang isailalim sa masusing


pag aaral ang panukalang muling ibalik ang kontrobersiyal na Dengvaxia Vaccine.

You might also like