You are on page 1of 1

IRR ng Anti-Hazing Law, hindi malinaw - solon

27th September 2019 at 10:18am

Pinuna ni DIWA Party-list Representative Michael Edgar Aglipay ang hindi malinaw na
implementing rules and regulations ng Anti-Hazing Law kasunod ng pagkamatay ni
Cadet 4th Class Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

Ayon kay Aglipay, kailangang isa-isahin ang mga ipinagbabawal na gawain lalo na sa
pagbibigay ng pagsubok sa mga recruits mapa-physical o psychological test.

Bagama't nakasaad sa batas na dapat may approval ng Department of National


Defense ang pagbibigay ng mas pinaigting na physical strength training, hindi pa rin
umano solusyon ang hazing at iba pang uri ng pananakit.

Giit pa ni Aglipay, iba na ang panahon ngayon kahit sinasabi ng ilang mga opisyal na
nahulma at tumibay ang kanilang pagkatao dahil sa hazing.

Idinagdag naman ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera-


Dy na kailangang linawin sa DND kung hanggang saan ang hirap ng training na kayang
ibigay para sa mga kadete ng Philippine Military Academy.

Hindi kasi umano tama na pati ang maselang bahagi ng katawan ng Dormitorio ay
kinailangan pang kuryentehin na maituturing nang paglabag sa Anti-Hazing Law.

You might also like