You are on page 1of 1

Road reblocking sa QC

Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga


motorista kaugnay sa road reblocking ng ilang kalsada sa Quezon City ngayong
weekend.

Sinimulan ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dakong 10:00 ng
gabi nitong Biyernes hanggang sa Abril 11, at maaari nang madaanan pagsapit ng 5:00
ng umaga ng Lunes.

Ang mga kalsadang maaapektuhan ng reblocking ay: Commonwealth Avenue mula


Simon St. hanggang sa tapat ng Batasan Road (ikalawang linya mula sa center island);
P. Garcia St. paglagpas ng Magiting St. (ikalawang linya mula sa sidewalk); Highway
Fatima Lagro (ikalawang linya), lahat ay patungong timog.

Sinabi ni Chairman Emerson Carlos na inirekomenda ng DPWH-National Capital


Region Director Melvin Navarro ang reblocking and repair ng mga nasabing kalsada
para sa maintenance purposes. (Anna Liza Villas-Alavaren)

You might also like